#KMSDPTheTruth

3.2K 58 6
                                    

Dedicated to:
thisisme_04
KathNiel_Parking5
Thanks for reading girls :** keep reading it and enjoy :))
----------------------

Kaitleen's Point Of View

Maaga akong nagising dahil sa maingay na alarm clock ko.

Urrrrgggg! naman eh ... pwede wag na pumasok?

Wala akong choice kaya bumangon na ako at nagpunta na sa banyo ng kwarto ko.

Nakakatamad mang gawin pero kailangan.May gagawin pa pala akong project mamayang uwian.

Badtrip naman kase eh .. patapos na yung klase magpapaproject pa sila -.-

Natapos akong maligo kaya nagbihis na ako ng uniform namin.

Bumaba na ako para kumain ng breakfast at nakita ko namang nakaupo na si Kaycee at Mama sa chairs nila.

Binati ko sila pareho ng "Good Morning Ma and Kaycee." kaso ngumiti lang si Mama at binati naman ako ni Kaycee ng "Good Morning Ate."

Anong meron kay Mama at tahimik yata siya ngayon?

May problema kaya sa cake shop? or kay Papa?

Hindi ko na muna tinanong si Mama dahil baka ayaw niyang pag-usapan namin.

Hinintay ko na sa labas ng bahay yung service ko dahil maagang umalis si Mama at Kaycee.

Kasama ko naman si Yaya sa paghihintay ng school bus namin kaya safe ako.

"Kait,sandali lang at naiwan mo yung baon mong tubig sa ref.Kukunin ko lang saglit." paalam ni Yaya saakin at tumango lang ako.

Angtagal naman nung school bus -.-

Naupo muna ako sa bench sa harap ng bahay namin nang may napansin akong lalakeng nakahoodie nanaman tapos may cap at shades din siya.

Si Kuya John ba yun?

Pero mukhang hindi siya iyon dahil hindi sila parehas ng height ni Kuya John.Mas matangkad si Kuha John.

Tinignan ko lang yung boy tapos nagwave siya bigla saakin.

Nagulat naman ako nang tumakbo siya palapit saakin at naupo sa tabi ko.

Omg! sino to? natatakot na ako.

Yaya! where are you? may stranger na tumabi saakin :'((

"Hi Kit." nanlaki naman yung mata ko nang tawagin niya akong Kit.Si Kuya John lang ang tumatawag ng Kit saakin ha.

"Kuya John?" tanong ko sakanya kaya lumingon siya saakin.Hindi naman siya si Kuya John pero may hawig sila.

"Nope.I'm Kuya Carl." pagpapakilala niya saakin at bigla nalang akong niyakap at tumakbo na siya paalis.

Sino ba yun?

Bakit parehong-pareho sila ng outfit ni Kuya John?

"Kait,heto na yung tumbler mo at ayon na ang school bus mo kaya tumayo kana dyan." bigla namang dumating si Yaya at tinuro ang school bus ko na nasa kanto na namin kaya nagpaalam na ako kay Yaya.

Nakita ko na sina Sam na nakaupo sa pinakalikod na part ng bus kaya tumabi ako sakanilang tatlo.

"Good Morning girls." bati ko sakanila. "Morning Thei." malamyang sagot ni Sam saakin. "Anong nangyare sayo Sam?" tanong ko sakanya.

"Hay naku Thei,napagalitan sa Daddy niya dahil sa daming binili kahapon.Nway,good morning gal." sabi naman ni Juliet at hinalikan pa ako sa pisngi.Sweet 😂

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon