Chapter 4: Not Missed Was Now Missing

175 16 0
                                    

Akuji's P.O.V

September 23, 2018 ( 6 o'clock in the evening).

"Affogato Ancient Forest," hinihingal kong basa sa makalawang na karatulang nakasabit sa may puno ng mansanas.

Ito ang itinuro sa akin nung batang babae na shortcut papunta sa Espresso Street. Kalahating oras lang daw ang gagawin kong paglakad bago makarating doon. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at nag-umpisa na akong maglakad papasok sa kagubatang ito.

Tumingala ako sa kalangitan, napakadilim.

"Kailangan ko nang magmadali, mukhang pabagsak na ang ulan!"

Hirap akong magpatuloy sa paglakad, dahil sa nakakapangilabot na mga tunog na aking naririnig sa kalagitnaan ng aking paglalakad. Sumasabay ang nakakabinging pagkulog sa matinding takot na lumukob sa aking sistema, habang tinatahak ko ang tahimik at madilim na parte ng kagubatang ito. Tanging ang tunog lamang ng mga tuyong dahon na naapakan ko ang maririnig mo.

Hinahabol ko kasi ang closing time ng Espresso Insane Asylum na ilang metro pa ang layo mula dito sa Affogato Street. Ilang oras na akong tumatakbo, gustuhin ko man sumakay para sana ay mapabilis ang pagpunta ko kay lola Josefina ay hindi maaari.

Dalawang piso na lang ang nasa bulsa ko.

"Apo, pumarito ka muna.." tinig ng isang matanda.

Nilingon ko ang boses na animo'y malapit lang sa akin. Sinundan ko ang masangsang na amoy na bigla na lamang pinuno ang kagubatang ito. Bungisngis na hindi ko alam kung saan nagmumula.

"Huling araw..." tinig muli ng isang matanda.

Lumingon ako sa kanang bahagi ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko ng magtama ang aming mga mata.

Tila may sarilng pag-iisip ang aking mga paa at unti-unti kong lapitan ang isang matanda na mag-isang nakaupo sa tabi ng posteng nagpapatay sindi ang ilaw. Buhaghag ang kanyang puting buhok at natatakpan ng isang makapal na librong binalutan ng dugo ang kalahating mukha niya. Napatingin ako sa suot niyang pulang blusa na kagaya sa akin. Sinisipsip ng mga daga ang paa niya na walang tigil sa pagdurugo, at ang isang kapirasong mata na nilusaw-lusaw niya sa pagitan ng palad niya.

Hindi niya pinutol ang aming titigan, ni pagkurap ay hindi niya ginawa.

"L-Lola Herlitta? Ano pong nangyari sa mga mata niyo? Bakit puro insekto ang lumalabas imbis na luha?"

"Malapit na, apo."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinalikan ang aking noo. Pinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang init ng yakap ni lola Herlitta na kay tagal ko nang hindi maramdaman.

Ang yakap na sa panaginip ko lang ulit madadama...

"Beh, gising na! Kanina ka pa raw hinahanap ng lola Josefina mo sabi nung nurse. Sleeping beauty lang ang peg?"

Puting kisame.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga at nagtatakang pinagmasdan ang lalaking sumusubo ng cake sa may gilid ng kamang hinihigaan ko. Nagkalat na mga ribbon at karton sa sahig, at ang cake na kanina lang ay buo, ngayon isang hiwa na lang ang natira.

Familiar yung cake ha...

"B-Bakit ako nandito sa hospital? Bakit kasama kita? Bakit nakahiga ako ngayon dito? Bakit wala ako sa kagubatan? At bakit mo kinakain ang cake na hindi naman para sayo!?"

Napahinto siya sa pagsubo ng cake at bigla akong inisnaban. Ibinaba niya ang platito sa may lamesa at ibinalik sa akin ang tingin na kahit sino ay kakabahan.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now