Chapter 29: Meet the Classic Family of Veles (PART TWO)

98 15 0
                                    

Orpheus' P.O.V

Haynako! Mapuputakan na naman ako nito nila mama at Amadaeus! Buti na lang nasa ibang bansa si papa, kung hindi tatlo ang manenermon sa akin. Kasalanan ko bang nag-enjoy akong kasama yung mga ulupong na yun? Isang buwan rin akong hindi nakalabas ng bahay dahil nga sa abala ako sa paggawa ng lesson plan at kung minsan naman ay rumaraket ako para matuloy yung pinangako ko sa mga trabahador namin sa palayan.

Kay aga-aga, pero grabe yung tirik ng araw! Parang maski impyerno ay mahihiya sa tindi ng init ngayon. Idagdag mo pa ang suot ko na naka-overall pajama na singkapal ng mukha ni Amadaeus! Hindi ko rin alam kung bakit nakapajama akong umalis ng bahay.

Kaya heto ako ngayon--- naiinis dahil amoy na amoy ko ang kaasiman ng aking tumatagaktak na pawis!

"Shit! Pupunta ako sa palayan ng walang tulog!? Paniguradong hindi papayag si Amadaeus na maligo pa ako bago kami umalis!" pabalik-balik ang tingin ko sa aking phone.

9:45 am

15 minutes na alang ang mayroon ako! Kung minamalas ka nga naman, oh...

Busina rito, busita roon... kahit wala naman talagang tao, eh bumubusina ako. Do'n ko na lang binubuhos ang nerbyos ko, sa pamamagitan ng pagbusina.

Naisipan ko na dumaan na lang sa shortcut. Itinuro sa akin 'to ni Amadaeus nung nalaman ni mama na nag-drag racing kami sa may Espresso. Wala na raw kaming uuwian hangga't wala pa kami sa bahay bago mag alas dose, kaya naman naghanap kami ng shorcut para mapabilis ang pagdating namin sa bahay.

Lagi kaming magkasama ni Amadaeus, simula mga bata pa lang kami. Pareho kaming mangingisda, ngunit hindi kami pareho ng ambisyon sa buhay. Gusto niya raw maging isang doctor para magkapareho sila ni Katrina na kanyang asawa. May isang anak na sila at yun ay ang inaanak ko na si Sniper, mag-iisang taong gulang na ito at minsan ay sa akin pinapabantayan para raw maigawa na nila si Chacha.

"Hello? Oo, nga pauwi na! Paulit-ulit ka naman," naiinis na saad ko kay Amadaeus na tawag ng tawag.

"Tangina mo ikaw pa galit? Kanina pa ako tinatawagan ni tito Arkanghel! Aba, may pamilya pa akong inaasikaso-- kaya pwede ba? Kapag sinabing umuwi... umuwi ka!"

"Oo na! Ipa-park ko na ang kotse sa garahe!" agad ko nang pinatay ang tawag at bumaba na ng kotse para wala na siyang masabi. Mabilis ang bawat paglakad ko papasok ng mansyon. Hindi na ako nag-abala pang batiin pabalik ang mga katulong namin na halata namang may gusto sa akin.

Hello? Taong bahay lang ako. Babae na mismo ang pumupunta dito sa bahay masilayan lang ako.

Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pintuan, ang galit na mukha ni mama ang agad na bumungad sa akin. Nakapulang blusa at may hawak-hawak na hanger. Mariin ang pagkakatitig sa akin simula ulo hanggang paa, sabay taas ng mga kilay niya na iginuhit niya lang gamit ang lapis. Nakalugay ang buhok niya hanggang ilalim ng pwet at kitang-kita ko rito ang morena niyang balat.

Ganda teh!

"At saan ka na naman galing Orpheus Gael Veles? Akala ko ba may susunduin ka lang saglit sa may gate ng Cappuccino? Magkaiba pala ang pagkakaintindi natin sa salitang "saglit". Sino na naman ba sa mga nurse ang target mo?"

Porket may sinundo babae na agad? Si mama talaga napaka-judgemental!

"Mama, si Grayson po ang sinundo ko kagabi. Sinamahan ko pa po kasi sila sa kubo natin malapit sa higanteng gate," masuyo kong saad sa aking oa na ina.

Naningkit ang kanyang mga mata at dahan-dahan na lumapit sa aking kinatatayuan habang pinapalo-palo niya ang hanger sa kanyang palad.

"Evidences, son."

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now