Chapter 20: Cappuccino Hidden Hospital

155 17 0
                                    

Third Person's P.O.V

Cappuccino Hidden Hospital...

Ang hospital na ito ay pagmamay-ari ng pamilyang Balenciaga at hindi pa ito natutuklasan ng mamamayan ng Cappuccino, sapagkat tanging mga mayayaman na pamilya lamang ang maaaring magpagamot at bumiisita sa tagong hospital na ito. Ang Cappuccino Hidden Hospital ay pinatayo ng mga Balenciaga sa ilalim ng isang balon sa Affogato Ancient Forest, upang hindi ito aksidenteng matuklasan ng mga taga-Cappuccino dahil nga sa masyado itong pribado. Hindi mo aakalain na may makikita kang hospital sa tuwing magagawi ka sa balon na tanging dilim lamang ang makikita sa oras na ika'y sumilip rito.

Ngunit, hindi nila alam... sa oras na bumaba ka sa kailaliman ng mahiwagang balon ay makakakita ka ng panibagong mundo. Ang pagawaan ng mga ilegal na gamot, palitan ng mga pinagbabawal na gamot, at lugar kung saan maaari mong gawin lahat ng mga ilegal na bagay ng walang pumipigil sa iyo na kahit sino.

Dito rin nila ipinapatapon ang mga kriminal na nagkakasala sa batas imbis na sa isang kulungan. Sila ang mga nagiging subjects ng mga Balenciaga para sa panibagong droga na kanilang nadiskubre gamit ang iba't ibang kemikal, parte ng utak ng mga tao't hayop, maging ang mga dahon na siyang dadagdag ng tapang at kaadikan sa isasagawa nilang droga. Ngunit, may kulang pa na isang sangkap bago mabuo ang droga na siyang magpapabago sa bayan ng Cappuccino...

Monopolize Antidote.

"Good morning, Doc. Veles," masuyong pagbati ng mga kawani kay Amadaeus na tuwid lamang ang tingin habang tinatahak ang daan papasok ng laboratory.

Tinanguan niya lang ang mga taong nadadaanan niya't bumabati dahil abala siya sa pagtanggal ng butones ng kanyang suot-suot na pekeng uniporme ng Cappuccino Medical Center. Pagkahubad niya sa suot niya na puting uniporme ay basta niya na lamang ito itinapon sa basurahan at agad na hinablot ang white coat sa sekretarya niya na seryosong nakaabang lagi sa may pintuan ng hospital upang siya'y hintayin.

Maliban sa pagiging ilegal na doktor, isa rin siyang kilalang nurse sa Cappuccino Medical Center. Pumapasok lamang siya roon sa tuwing bibisitahin siya ng kanyang magulang upang mangamusta.

Nang malaman ni Amadaeus na ang Cappuccino Medical Center ang siyang naging dahilan kung bakit hindi naging isang nurse ang kanyang namatay na asawa ay napagdesisyonan niya itong bilhin at gamitin laban sa magulang niya na walang kaalam-alam sa totoo niyang trabaho. Triple ang ibinayad nito, kaya naman hindi nagdalawang-isip ang nagmamay-ari ng hospital kung hindi ipaubaya at tuluyan nang hayaan ang Cappuccino Medical Center sa mga kamay ni Amadaeus dahil sa malaking pera na inoffer sa kanya. Maliban sa kilala ang pamilya niya, kilala rin siya bilang isang sikat na arkitekto sa New York City at Mexico. Maraming mga bansa ang pinag-aagawan siya dahil sa labis na kagalingan niya sa larangan nang arkitektura at ang matunog nitong pangalan sa edad na 30.

"Doc. Veles, our subjects were experiencing involuntary shaking and having a congestive heart failure whenever our chemists try to assess the Monopolize Antidote on their bodies. They become worst more than we expected," malamig na saad ng sekretarya habang sinusuot ang puting gloves.

Tinignan lamang ni Amadaeus si Kim sa gilid ng kanyang mga mata habang seryosong isinusuot ang chemical resistant shoe protectors.

"It's nothing, Kim. As long as our subjects are still alive and kicking... we don't need to worry. It's just normal-- since, the people who's under the possession of drugs are also experiencing those kind of symptoms you've mentioned earlier."

"I know... I just wonder the possible outcomes after we completed the needed recipes of the potion called "Monopolize Antidote"... I don't want my family to become the subjects from this moment forth."

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now