Third Person's P.O.V
Maingat na nakatanaw ang grupong One Shot One Eye Cult sa maliit na siwang ng pintuan sa may madilim na kwarto na kinalalagyan nila Orpheus, Akuji, at Sniper. Kapwa nagtatago sa may madilim na parte ng second floor ng mental institution at sabik na sabik na makatanggap ng senyales nang paglusob mula sa boss nila na si Orpheus Veles na ngayon ay nangangalaiti nang iputok ang baril sa ulo ni Akuji. Matagal na nilang pinaghahandaan ang araw na ito sapagkat may idea na ang boss nila kung sino at kung nasaan ang mangkukulam na nagnakaw ng Eye of Hell mula sa tatay nitong si Apollyon.
"Nakakainip namang panoorin sila boss hahaha," natatawang napailing si Chester habang pinupunasan ang balisong na kanina pa niya nilalaro-laro sa bibig niyang may naiwan pang parte ng mata ng announcer na pinatay niya kani-kanina lang.
Mahinang hinampas ni Fernando si Chester ng baseball bat at nakabusangot na naki-usyoso sa nangyayari sa loob ng kwarto, "Kung ako kay boss, kanina ko pa 'yan ipinutok sa ulo ng baliw niyang anak."
Ramdam ng grupong One Shot One Eye Cult na hindi lang sila ang mga taong narito sa loob ng Espresso Insane Asylum, dahil batid nila na nandito na rin ang mga The Abyss na inaabangan ang pagdating ng mangkukulam nang sa gayon ay maumpisahan na ang pinakahihintay na higwaan sa pagitan ng mga The Abyss at ng mangkukulam.
"Nakakasiguro ba tayo na darating nga ang mangkukulam sa araw na 'to?" mahinang tanong ni Mark Jun sa kanyang mga kasamahan na seryosong nakaabang sa mga nangyayari sa loob ng kwarto.
Ni isa ay walang sumagot sa katanungan ni Mark Jun, dahil maging sila ay walang ideya kung sisipot nga ba ang mangkukulam sa mental institution. Nagkibit na lamang ng balikat si Mark Jun at inilibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng second floor. Napaatras siya nang makita niya sa may hagdanan paakyat ng second floor ang maraming mga mata na umiilaw, lagpas sa trenta ang mga matang nakamasid sa kanila at mukhang inaabangan ang bawat pagkilos nila.
Dahil sa biglaang pag-atras niya, hindi niya namalayan na nasagi pala niya ang isang lumang picture frame na nakasabit malapit sa infirmary room. Ang larawan ng mangkukulam at ni Apollyon.
September 25... our anniversary & death.
"S-Sino ba ang mga 'to? Anong meron sa araw na ito at isinulat pa talaga nila sa ibaba ng picture?" nakalabing tanong ni Mark Jun sa hangin habang naguguluhang inoobserbahan ang mga nakasulat sa picture. Pinagmasdan niya ng mabuti ang kabuuan ng punit-punit na larawan at dahan-dahang ibinalik ang kanyang tingin sa may hagdanan.
Nawala ang mga matang nakamasid sa kanila.
*Sounds of numerous strange noises & footsteps nowhere*
Sunod-sunod na mga nakakapangilabot at mabibigat na yapak ang tanging naririnig ng One Shot One Eye Cult sa bawat parte ng palapag. Mga kahindik-hindik na halakhak na pinupuno ang bawat sulok ng pangalawang palapag ng mental institution ang siyang kumuha ng atensyon ng bawat isa. Lahat ay naalarma at nakaramdam ng takot na baka bigla na lamang silang umatake mula sa dilim at patayin sila. Ni hindi na nila marinig ang pag-uusap ng mga taong nasa loob ng kwarto dahil sa sunod-sunod na pagkahulog at pagkabasag ng mga kagamitan, maging ang mga gamot at apparatus na mukhang hindi na nagagamit.
"Naririnig mo ba 'yun, B-Bryant?" napapalunok si Ivan habang mahigpit na nakagapos sa braso ni Bryant na abala naman sa pagtatali ng mga plastic na siyang pinaglalagyan ng mga sariwang matang naipon nila sa pagpatay ng mga nurses at pasyente kanina.
Natigilan sa pagtatali ng mga plastic si Bryant at pagalit na itinulak si Ivan palayo sa kanya, "Sa akin ka pa magtatanong, eh alam mo namang naka earphone ako!" mahinang singhal ni Bryant kay Ivan na namumuo na ang pawis sa sobrang takot.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Mystère / ThrillerA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...