Chapter 10: Who's the Real Killer Behind the Untold Killings? (PART ONE)

162 17 0
                                    

Third Person's P.O.V

*Part of the Past*

August 10, 2008

Ang araw ng kapanganakan ni Flynna, ang pinakamamahal na laruan ni Akuji.

Si Akuji ay anak nina Orpheus at Valeria Veles na parehong nagtuturo sa paaralang Aristocrasy States University. Walong taong gulang na si Akuji, ngunit hindi pa rin tanggap ng mag-asawang Veles na ipinanganak itong may sakit na "schizophrenia", isang uri ng malubhang karamdaman sa pag-iisip. Ang pasyenteng may "schizophrenia" ay may maraming personalidad o hating personalidad na nakakaapekto sa pag-unawa, pag-iisip, at emosyon nito na siyang nagiging sanhi ng abnormal na pag-uugali.

Ipinagkait lahat ng mag-asawang Veles ang karapatan ni Akuji. Noong isinilang siya, hindi nila ito inuwi sa kanilang tinitirhan. Bagkus, ipinaalaga nila ito sa nanay ni Orpheus-- si lola Herlitta. Tuwing kaarawan niya, tanging pandesal at gatas ng kalabaw lamang ang kanyang handa. Hindi siya binibisita ng mag-asawa, pero alam niya na ang mag-asawang Veles ang kanyang magulang na nagtuturo sa paaralang pinapasukan niya.

"Lola, hindi pa rin po ba ako pwedeng lumapit kila mama at papa?" malungkot na tanong ni Akuji sa lola niyang nagtatahi ng pulang blusa na ireregalo niya kay Akuji sa araw ng pagtatapos niya.

Napahinto ang matanda sa kanyang pananahi at malungkot na sinenyasan ang kanyang apo na lumapit sa kanya.

"Apo, balang araw unti-unti ka rin nilang matatanggap. Walang magulang ang kayang tiisin ang kanilang mga anak," masayang pahayag ng matanda kay Akuji. Marahan niyang hinimas-himas ang buhok nito at ikinandong sa nanginginig niyang hita para damayan ang kanyang apo na nakayuko dahil sa labis na lungkot.

"May family day po kami sa September 2, isasabay na rin po ang foundation day. Masaya po yun lola! Kaso nga lang po, kailangan daw po ng mama at papa bago makasali sa mga palaro," malungkot na sambit ni Akuji.

Gustong-gusto sumali ni Akuji sa araw na iyon dahil gusto niyang anyayahan ang mga magulang niya na magpapicture sa booth na naka-assign sa section nila-- ang photo booth. Kasama niya ang kanyang nag-iisang kaibigan na si Charity Davis sa pagpapaganda ng booth nila para sa foundation day. Makakakuha ng tig ta-tatlong ticket papuntang Hongkong ang bawat estudyante na mananalo para sa "The Best Booth For This Year".

Kahit na malungkot si Akuji ay napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang napag-usapan nila ni Chacha tungkol sa tatlong ticket na prize papuntang Hongkong.

"Pst! Chacha ko!" kinalabit ni Akuji ang kaibigan niyang abala sa paglalagay ng kurtina na magsisilbing background ng mga estudyanteng magpapa-picture sa nalalapit na foundation day.

Inayos muna ni Chacha ang kanyang salamin at mabilis na iniwan ang kanyang ginagawa para malapitan ang kanyang best friend.

"May kailangan ka pa ba, Akuji ko?" nakangiting tanong ni Chacha kay Akuji.

"Wala, uy! Itatanong ko lang sana kung may mama at papa ka?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Chacha at napaiwas ng tingin. Ito ang pinaka iniiwasan ni Chacha, ang mga katanungan na maski siya ay hindi niya kayang sagutin.

"W-Wala. Pero may kuya ako!" ang kaninang malungkot niyang mukha ay unti-unting nagkabuhay nang banggitin niya ang kanyang kuya na si Sniper Davis.

"Wala kang mama at papa? Paano ka lumabas kung gano'n?" inosenteng tanong ni Akuji.

Tumawa ng malakas ang bungal-bungal na si Chacha at ginulo nito ang buhok niya.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi ko sila kilala."

Napatingin sa kanya si Akuji at napabuntong-hininga.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now