Third Person's P.O.V
Ang buong pamilyang Balenciaga ay kasalukuyang kumakain ng tanghalin sa laboratory room. Masayang nagsasalo-salo at nagkukwentuhan tungkol sa mga karanasan nila sa kalgitnaan ng paggawa ng mga gamot. Ipinagpaliban muna ng mag-asawang Balenciaga ang pagsisimula na isubok ang Monopolize Antidote sa katawan ni Yosef, sapagkat nais nilang ilaan ang kanilang buong araw sa mga anak nila na labis ang kagalakan sa araw na ito.
"Alam niyo po ba mama... itong si kuya Yosef ay nakalimang girlfriend kahit hindi naman lumalabas!" sumbong ni Josefina na kasalukuyang hinihimay ang hipon.
Nabulunan si Yosef sa kinakain niya at pagalit na sinipa si Josefina sa ilalim ng lamesa at sinenyasan ito na manahimik. Binalingan siya ng tingin ni Josefina at inilabas ang dila nito bago nagpatuloy sa paghimay ng hipon.
Sabay na natawa ang mag-asawang Balenciaga at pinangaralan ito.
"Alam mo Yosef anak, hindi naman kami magagalit ng papa mo kahit magkaroon ka ng girlfriend," nakangiting saad ng kanilang ina. Sumandok ito ng ulam at inilagay sa plato ni Valentina na tahimik at nakayukong kumakain ng fruit salad.
"Hijo, nung ganyang edad ko nga eh, hindi pa ang mama niyo ang jowa ko!" proud na sabat naman ng kanilang ama.
Napatigil sa pagsandok ng kanin ang kanilang ina at mataray na tinignan ang kanyang asawa simula ulo hanggang paa.
"Syempre, pang-pitong beses na kita no'n binasted kaya naghanap ka ng ibang babaeng jojowain!" ganting sagot ng kanilang ina.
Napanguso naman ang kanilang ama at napakot na lamang ito sa kanyang batok.
"Nabasted ka po, papa?" inosenteng tanong ni Valentina sa kanyang papa na nabulunan.
"Nako, oo anak! Ang jejemon kasi manamit ng papa niyo noon kaya naman na-turn off ako sa kanya. Ultimo medyas kulay rainbow!" napahalakhak ang kanilang ina at nang-aasar na binalingan ng tingin ang asawa nito na namumula ang pisngi.
"Kulay rainbow ang laging suot-suot kong medyas kasi sumisilay lang ang ngiti mo sa tuwing nakakakita ka ng rainbow. Kahit mag-asawa na tayo noon, kinikilig ako lagi kapag nakasmile ka, Kierra," malumanay na saad ng kanilang ama sabay kindat.
Napaubo ang tatlong magkakapatid at tinukso-tukso ang kanilang ina na namumula na rin ang pisngi. Sa sobrang kilig na naramdaman nito dahil sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya napansin na salad na pala ang nilalagay niya sa ibabaw ng kanyang kanin.
Sabay-sabay na natawa ang mga kasalo niya sa hapag-kainan. Naguguluhan niyang tinignan isa-isa ang mga ito at napailing. Mabilis niyang isinubo ang kanin niya na lasang fruit salad. Nanlalaki ang mga matang iniluwa ang laman ng kanyang bibig at mabilis na tumakbo sa may lababo upang itapon ito.
"Nako, Kierra... 'yan ba ang hindi kinikilig?" mas lalong lumakas ang tawa ni Marco Balenciaga habang pinapanood ang asawa nito na nakayuko sa may lababo.
"Ibang klase ka naman pa lang kiligin mama!" gatong ng kanilang panganay na anak.
Umusok ang ilong ni Kierra at nanlilisik ang mga matang binalingan ng tingin ang kanyang pamilya na sobrang lakas ng tawa.
"Sinubukan ko lang kung masarap ulamin ang fruit salad!" nakalabing saad nito sa mga tao sa hapag na hindi pa rin natitigil sa pagtawa.
"Isa ka ngang chemist mama! Hahaha."
"Ano masarap ba?" pang-aasar muli ng kanyang asawa.
Napailing-iling 'to at bumalik muli sa kinauupuan.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Mystery / ThrillerA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...