Chapter 19: Josefina & Amadaeus

158 16 0
                                    

Hi, everyone! This whole chapter is all about the love story of Josefina and Amadaeus. Since, bitin yung kwento ni Akuji kay Sniper tungkol sa kanila, itutuloy ko na dito. I want to indicate their past story in this chapter 'cos connected sila sa main characters and their past will somehow enlighten you all in some parts of this novel of mine.

Sa next chapter na lang ulit ang Akuji and Sniper kalandian moments... pinagbabawal na landi HAHAHAHA char.

Happy reading, hoexers!

Third Person's P.O.V

Cappuccino Avenue.

Ang lugar na kung saan walang puwang ang mga normal na tao... mga taong takot pumatay para sa pag-ibig at karapatan.

Ang Cappuccino Avenue ay isang tagong lugar sa may Maynila. Hindi ito sakop ng kung sino man ang namumuno sa kamaynilaan, sapagkat ang lugar na ito ay pinamumunuan ng isang marangya at makapangyarihan na pamilya.

Ang pamilyang Veles.

Ang pamilyang Veles ay tila isang misteryo para sa mga mamamayan ng Cappuccino. Kilala lamang nila ang pamilyang ito bilang isang tagapamuno ng kanilang lugar, ngunit hindi pa nila ito kailanman nakakasalamuha't nakikita. Para sa kanila, ang pagpapakalat ng kapirasong impormasyon at larawan tungkol sa mga Veles ay maituturing na isang krimen. Walang sino man sa kanila ang maaaring manghimasok sa misteryoso't pribadong buhay ng mga Veles.

Hindi makakapasok basta-basta ang mga taong hindi kabilang sa lugar na ito. Bago ka makapasok sa Cappuccino Avenue ay kailangan mo munang lagpasan ang isang lawa na may lason at sumpa. Pagkatawid sa lawa ay dadaanan mo rin ang isang kagubatan na napapaligiran ng mga bangkay, lamang-loob, putol-putol na bahagi ng katawan, at higit sa lahat... mga halaman na maaaring gawing droga. Kapag nakatawid ka na sa sa kagubatan, bubungad sa iyo ang isang makalawang at maalikabok na gate na may taas na 20 ft.

Mabubuksan mo lamang ang gate kung makakayanan mong kumain ng nilalangaw at masangsang na mga lamang-loob ng tao at hayop na nakalagay sa bungad ng gate. Kailangan mong itutok ang iyong sarili sa isang tagong camera habang inuubos ang nakaserve na pagkain sa bungad ng gate. Kapag hindi mo ito naubos, may isang tao na biglang lalabas sa iyong harapan at kukunin ang iyong lamang-loob, maging ang iba pang parte ng iyong katawan.

May mga iilang mangangaso ang nakaalam sa misteryosong lugar, ngunit wala ni isa sa kanila ang pinagpalang mabuhay at makabalik pa pauwi. Dahilan, kung bakit wala nang nagtangkang manghimasok sa Cappuccino Avenue.

"S-Senyorito Amadaeus, h-handa na po ang inyong almusal," kabadong saad ng katulong sa lalaking kasalukuyang isinusuot ang itim na roba habang nakatanaw sa labas ng beranda.

Bahagyang nilingon ng lalaki ang katulong na pinagpapawisan habang hawak-hawak ang pintuan ng kanyang silid. Napataas ang sulok ng labi nito at inihinto ang pagsusuot ng kanyang itim na roba.

Nanlaki ang mga mata ng katulong habang pinapanood ang pagbagsak ng itim na roba sa sahig. Napaiwas ito ng tingin nang makita niya ang marahang paglapit ng lalaking nakasalamin at may kagat-kagat na wooden pipe papunta sa kanyang kinatatayuan.

Walang emosyon ang kanyang berde at bilugan na mga mata. Napakatangos ng ilong at kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Manipis at maputla ang kanyang mga labi. Ang kanyang buhok ay kulot na hahaba hanggang sa balikat at ang kulay nito ay golden brown. Matangkad at may matipunong katawan.

"Lock the door and lay yourself on my bed with ease," malamig na saad ng lalaki.

Napailing ang katulong at ambang aalis na ito palayo ng silid nang mariing higutin ng lalaki ang palapulsuhan ng katulong at siya na mismo ang nagsara ng pintuan habang seryosong nakatitig sa kanya ang berdeng mga mata ng lalaki.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now