Chapter 39: Who Will Gonna Live and Die?

85 14 0
                                    

Third Person's P.O.V

September 24, 2018 (1 o'clock in the afternoon)

Lahat ay kumakalam na ang mga sikmura at pagod na rin kakapalit-palit ng lugar na pinagtataguan. Isang oras na rin magmula nang magsimula ang palaro na walang sinuman ang maaaring makatakas mula rito. Gustuhin mo mang sumali o hindi, kailangan mong kumilos at magtago para makalabas ka sa Espresso Insane Asylum.

Nagsimula na namang dumilim ang kalangitan, dahilan nang pagdagdag sa kadiliman sa loob ng mental institution. Pundido na ang mga ilaw, marami na rin ang mga nagkalat at nagsibagsakan sa bawat pasilyong dadaanan mo, at lahat ng mga apparatus ay basag-basag na rin. Lahat ng mga naiwan sa loob ay nahihirapan sa paggalaw dahil nga sa maraming bubog at nakaharang sa mga naaapakan nila. Napakatalim ng kidlat at ang malamig na hangin ay pinapasok na ang loob. Ang mga kurtina na kanina ay nakikipagsayawan sa hangin, ngayon ay nilipad na palabas ng mga bintana.

*Boogsh!*

"Ano ba naman 'yan Fernando! Sinabi nang mag-ingat ka sa tuwing lilipat ka ng pwesto!"

Sunod-sunod na napalunok ng laway si Fernando habang nakapikit at nagdadasal matapos niyang masagi ang lumang cabinet sa ikatlong palapag. Magkalapit lamang sila ni Chester ng kwartong pinagtataguan para kung may ibang tao man ang babalaking patayin ang isa sa kanila ay agad nitong makikita at mauunahang patayin ang sinumang tatarget sa kanilang dalawa.

Dahan-dahang umatras pabalik si Fernando at dali-daling tumakbo papunta sa ilalim ng lababo para doon magtago pansamantala. Nakasimangot na napailing si Chester at nilingon ang paligid kung saan mas ligtas magtago. Bawat hakbang niya palabas ng glass partition ay napahiyaw siya sa biglaang pagkaramdam niya ng hapdi banda sa may braso niya. Nagmanhid ang buong braso niya at napaluhod siya sa may sahig habang nanlalaki ang mga matang ibinaling ang tingin niya sa braso niyang duguan.

"Nakapagplano na tayo kanina diba? Dapat hindi ka gaanong nagtiwala sa amin hahahah. Nasaan na ang pinakamamahal mong si Fernando?" sumipol-sipol si Jericho. Dinampot niya ang duguang kanang braso ni Chester sa may sahig at dinilaan niya ang dugong tumutulo sa may paanan niya.

Paimpit na umiyak si Chester. Hindi siya makapaniwala na tatraydurin siya ng isa sa mga tinuring na niyang kaibigan sa One Shot One Eye Cult. Gamit ang kaliwang kamay, binunot niya ang silencer sa may bulsa ni Jericho at mabilis niya itong ipinutok sa may sentido nito. Bumulwak ang napakaraming dugo ni Jericho sa may sahig at nakamulagat itong bumagsak sa may dibdib niya.

*A lot of footsteps coming near them*

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Chester. Tumakbo na siya papunta sa tinataguan ni Fernando at doon niya naisipang magpalit ng plano para makaligtas silang dalawa. Palinga-linga si Chester sa kanyang paligid habang tinatalunton ang kinaroroonan ni Fernando. Nang makakita siya ng nakayukong tao sa ilalim ng lababo ay mabilis siyang tumakbo at pinuntahan si Fernando. 

Napakunot ang noo ni Chester nang makita niyang tatlong tao ang nakayuko sa ilalim ng lababo. Lahat ay may warak ang dibdib, kitang-kita na ang laman at buto, at lahat ay naliligo na sa sari-sarili nilang mga dugo. Nanghihina siyang napaatras at napatakip ng bibig nang makilala niya kung sino ang mga ito.

Fernando, Ivan, at Mark Jun.

"Tumakbo ka na palayo dito, Chester. Ako na ang bahala sa mga katawan nila," malamig na usal ni Bryant sa may bintana. 

Natatawang napailing si Chester at masamang tinignan si Bryant na prenteng nakaupo sa may bintana habang nagpupunas ng itak, "S-Sino ang may gawa nito sa kanila? B-Bakit hinayaan mong mamatay sila?".

Umiwas ng tingin si Bryant at inihagis ang itak palayo sa kanya. Hindi niya pinansin ang tanong ni Chester at tahimik niya lamang binuhat isa-isa ang mga katawan nila Fernando, Ivan, at Mark Jun. Inilulan niya ang mga katawan nito sa tatlong malalaking plastic na tama lang ang laki para magkasya ang mga ito sa loob. 

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now