Third Person's P.O.V
Magkahawak-kamay na tumatakbo ang dalawa papasok sa madilim na kagubatan ng Affogato Ancient Forest. Napakalas pa rin ng bugso ng ulan, maging ang hangin ay malakas rin ngunit hindi ito naging sanhi upang bumitaw ang dalawa sa isa't isa. Patuloy pa rin sila sa pagtakbo kahit na hindi nila alam kung saan sila maaring sumilong at magpalipas ng gabi.
Nilibot ni Sniper ang kabuuan ng kagubatan at naghanap ng pwesto na maaring maging panandaliang silungan nilang dalawa. Pansamantala na huminto ang dalawa nang makakita sila ng isang kubo sa may taas ng puno at hinabol ang kanilang mga hininga. Napatitig si Sniper kay Akuji na namumutla't nilalamig na, kaya hinatak niya ang palapulsuhan ni Akuji at ibinaon ang mukha nito sa kanyang leeg. Bakas ang gulat ni Akuji, kaya napaatras ito palayo kay Sniper.
"Uhm, ayos lang po ako kuya," nanginginig na saad ni Akuji. Pinagdikit niya ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis ito upang kahit papaano'y mawala ang lamig na kanyang nararamdaman.
Mariin na tinitigan ni Sniper si Akuji nang mapansin nito na labis na ang panginginig niya. Hinubad niya ang suot-suot niyang t-shirt at isinukbit ito sa kanyang balikat, sabay hilang muli kay Akuji palapit sa kanya. Nahihiya man si Akuji, hinayaan niya nang maglapat ang kanilang katawan at napangiti siya nang makaramdam siya ng init na nagmumula sa katawan ni Sniper.
"Huwag na matigas ang ulo. Parang sandal lang mahihiya ka pa? Buti nga balat lang ang naglapat ngayon hehe," binaba ni Sniper ang kanyang mukha at nakangising sinilip ang reaksyon ni Akuji.
"Oh, ba't namumula ka ata? Parang kanina lang ang putla-putla mo, ha?" asar niyang muli at itinikwas pa ang dulo ng buhok ni Akuji gamit ang pasmado niyang kamay.
Napaangat ng tingin si Akuji at pinantayan ang ngisi ni Sniper.
"Sino kaya ang namumula sa ating dalawa... kuya?" inginuso niya ang pisngi ni Sniper na mas doble ang pula sa mukha niya.
"You lie like a fool to my check and you keep, uh... looking to my handsome paste!"
Napaatras si Akuji nang biglang ilapit ni Sniper ang mukha niya habang nakanguso. Sa pag-atras ni Akuji, hindi niya napansin na may malaking bato pala ang nakaabang sa kanya sa likuran. Namali siya ng tapak kaya napasigaw siya ng "aray" at hinintay ang sarili na mahulog sa may bato. Napabilog ang bibig ni Sniper at mabilis niyang hinila ang kamay ni Akuji paangat sa kanya, sabay pikit.
"Kuya! Damit ko ang nahatak mo at hindi ang kamay ko!" napatalikod siya at mabilis na inaayos ang damit niyang nawarak. Tumakbo siya sa may puno ng saging at dinampot ang dahon na nasa lupa.
Inipit ni Sniper ang kaliwang braso niya sa may kanang kilikili niya at pumangalumbaba. Natatawang pinagmamasdan si Akuji na reklamo ng reklamo sa kanya.
"Ay, nawarak ko ba? Pasensya ka na, ha? Nakapikit kasi ako."
Sumama ang timpla ng mukha ni Akuji at mabilis na tumakbo sa may puno na may kubo sa itaas nito. Sinundan lang ni Sniper ng titig si Akuji na hirap umakyat sa lubid na nakakonekta sa itaas ng puno. Tumawa ito ng tumawa habang nakatingala sa kalangitan. Natigil lamang siya sa pagtawa nang pasukan ng bayabas ang bunganga niya.
"Potangina... ang bilis talaga ng karma!" napailing ito at pinuntahan si Akuji sa may puno na may malalim na iniisip. Hinawakan niya ang dalawang balikat ni Akuji at iniharap sa kanya.
"Oh, 'wag mo akong masyadong isipin. Sasama naman ako sayo, kahit sa loob pa ng puno na 'to," kinatok niya ang puno at malawak na ngumiti.
Namula si Akuji at mahinhin na napahagikgik.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Misteri / ThrillerA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...