DISCLAIMER!!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Read at your own risk. If ever I indicated some topics that might offend you in all possible way and you find them as a sensitive one, I want to apologize in advance. It's not my intention to hurt nor give my readers a story that will cause them being distressed in a way that affect them negatively.
Happy reading, hoexerxs!
Akuji's P.OV
Madilim
Puno ng hikbi at sigawan
Nagkalat ang masangsang na amoy ng dugo at masalimuot na mga ala-ala mula sa nakaraan
Putok ng baril mula sa kung saan
Isang malamig na bangkay ang aking natagpuan sa lugar na siyang aking kinagisnan at kinalakihan
Kamalian
Kasakitan
Pagkalimot.
Sa likod nito, tinig ng aking lola ang biglang namutawi mula sa natutulog kong kahapon at sandali. Ang taong yumakap nang buo at walang pag-aalinlangan sa makasarili kong pagkatao. Ang nagturo kung paano pahalagahan at bigyang buhay ang isang bagay, gaano man ito kaliit at walang kapaki-pakinabang. Pakamahalin ang sarili at yakapin ang mga malulungkot at masasayang ala-ala, sapagkat yun na lamang ang natitirang paraan upang makabalik ka sa panahong iyon kailan mo man gustuhin.
Pagbabalik tanaw.
Ayoko nang kumawala sa munting ala-ala na aking kinakapitan sa araw-araw.
Kung kinakailangan na pumikit at isantabi muna ang hinaharap mabalikan ko lang ang panahong kayakap ko ang aking lola. Kasa-kasama ko pa ang aking ina at ama, nakangiti habang nagsisikap abutin ang ambisyon na kagaya sa kanila. Habang buhay ko na lamang itong ipipikit at dadamhin kung iyon na lamang ang natatanging paraan upang makabalik sa panahong habang buhay kong pipiliing mamuhay. Ngunit, sadyang may pagkakataon na kailanma'y hindi sasang-ayon sa iyo ang tadhana at panahon. Darating ang araw, hindi mo na namamalayan na unti-unti na pala kayong nasisira at nababago sa paglipas ng panahon.
"Huwag na kayo magtangkang tumulong pa sa matandang yan. Paniguradong isusunod kayo ng lalaking may itim na sumbrero!" sigaw ng isang ale sa babaeng papalapit sa aming kinaroroonan upang sana'y tumulong.
Natigilan ito, tila naintindihan niya ang gustong ipahiwatig ng ale sa kanya. Marahan niyang ibinalik ang tingin sa akin at malungkot na ngumiti. Sinuklian ko ito nang isang ngiti na nagsasabing "ayos lang" at tinanguan siya upang tuluyan nang makalayo sa lugar na ito.
Puno ng sigawan, halakhak, at putukan ang lugar na dati ay puro kasiyahan at katahimikan. Ang kaninang mahalimuyak kong damit ay napalitan ng amoy na masangsang, marahil gawa ito ng dugo na nagmula sa katawan ni lola.
"L-Lola..." nanghihina kong sambit at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.
Habang pinagmamasdan ko ang aking repleksyon mula sa dugo na umaagos papunta sa aking paanan, ako ay nanlumo at paimpit na humikbi sa pagitan ng mga kamay kong nanginginig sa galit at sakit. Napapaligiran ng mga taong walang ibang ginawa kundi pagmasdan ako at kaawaan. Ni isa walang tumulong at walang nag-atubiling dalhin ang malamig na katawan ng aking lola patungo sa malapit na gamutan. Hinayaan na lamang nilang kapusan ng hininga at tuluyang bawian ng buhay ang aking lola, habang katabi lamang nila ang taong naging sanhi ng pagkawala ng aking minamahal.
Hindi pa pala doon nagtatapos.
Isang putok muli ang umalingawngaw sa madilim na parte ng kalsada. Isang lalaki na may suot-suot na itim na sumbrero ang bigla na lamang tumakbo patungo sa isang bakery matapos paputukin ulit ang dala-dala niyang baril. Nakangiti na pumipili mula sa mga cake na nakadisplay habang pinapahid ang mga kamay niyang may bahid ng kasamaan.
"Aaaaaaaah! T-Takbo! Bilisan mo at 'wag kang tatanga-tanga diyan, ineng!" paghila sa akin ng isang lalaki na sumusuka ng dugo na hinaluan ng uod, ".... hayaan mo na ang l-lola mo, matutulad ka lang sa kanya kung mananatili ka pa dito!" siya na mismo ang nagkalas nang pagkakayakap ko kay lola at ibinalibag lang ang katawan nito sa kung saan.
"'Wag mo nang tulungan yan, Robert! Ang pagtulong sa batang 'yan ang siyang papatay sa-" pag-angal ng isang babae na ngayo'y naliligo na sa sarili niyang dugo, matapos mabaril ng lalaking nakaitim na sumbrero.
Nagkagulo na ang mga tao dahil sa biglaang pagsulpot ng lalaking nakaitim na sumbrero.
"Ayan na! Ayan na ang lalaking may itim na sumbrero!"
"Ang lalaking ipinaalis ang isa niyang mata para sa kanyang asawa!"
"Ang lalaking may tattoo na libro sa braso!"
"Teka... siya yung lalaking nagtuturo sa paaralang--- aaaaah!"
Dalawang bala, magkaibang katawan.
Napakaraming tao ang nawalan ng buhay nang dahil lang sa iisang lalaki na nagtatago sa ilalim ng kanyang itim na sumbrero kasama ang isa niyang mata na tila'y inuuod na. Ang tao na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Ang tao na wala akong kaide-ideya kung saan siya nagmula at kung minsan na bang nagkrus ang aming mga landas.
Nakatanaw lamang ako sa likuran ng lalaking may dala-dalang cake na unti-unti nang nilalamon ng kadiliman.
Ambisyon ang nais kong hagkan hindi katawan ng aking minamahal. Ambisyon, na kailanma'y hindi ko na maaaring pangarapin pa.
Pagtuturo ang aking ambisyon, hindi ang pumatay ng isang mamamatay tao na kagaya ko.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Misterio / SuspensoA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...