Third Person's P.O.V
Kasalukuyang nakasakay ang mga Balenciaga sa kanilang private plane kasama ang kanilang butler na si Grayson. Inutusan nila ang kanilang butler na nasa france na dalhin kaagad ang isa sa mga private plane ng mga Balenciaga matapos sumabog at gumuho ang kanilang bahay sa New York. Maswerte na lamang sila dahil nakalayo na sila bago tuluyang sumabog ang kanilang bahay.
"We're heading at the Philippines wherein Cappuccino Avenue was located," magalang na saad ni Grayson sa mga Balenciaga.
"Kuya Grayson!" nagulat si Valentina nang makita niyang muli ang butler nila. Nginitian niya ito at mabilis na nilapitan upang mayakap.
Si Grayson ay kasing-edad lang rin ni Yosef. Naging magkasundo ang dalawa noon, dahil si Grayson ang nagluluto at nag-aasikaso sa mga magkakapatid na Balenciaga. Pinalipat ng mga Balenciaga si Grayson sa France, dahil ayaw nila na may makaalam na ibang tao ang tungkol sa isinasagawa nilang Monopolize Antidote.
Limang taon nang naninilbihan ang kanilang butler sa mga Balenciaga. Nakatoka lamang ito sa mga sasakyan na pagmamay-ari ng mga Balenciaga, maging sa mga bahay nila sa iba't ibang panig ng bansa. Maraming mga ari-arian ang pamilyang Balenciaga, ngunit hindi sila maaaring magpunta sa lugar na maraming tao. Mas lalong magiging kumplikado kung isasagawa nila ang Monopolize Antidote sa mga matataong lugar.
Nirekomenda ni Grayson ang Cappuccino Avenue sa mag-asawa dahil mayroon siyang bahay na itinayo sa may Affogato Ancient Forest na malapit sa balon.
"Oh, my favorite chemist is hugging me now," yumuko si Grayson at nakangiting ginulo ang buhok ni Valentina.
"Namiss po kita, kuya Grayson!"
"I missed you too! So... how are you, my little chemist?" kinapa-kapa niya ang bulsa niya at mas lalong napangiti nang makapa niya ang regalo niya para kay Valentina, isa itong key chain na may disenyong paniki.
Napakurap-kurap si Valentina at nagniningning ang mga mata na kinuha ang key chain sa kamay ni Grayson.
"That's my gift for you on your last birthday, Val. I hope you liked it."
"Of course, I do! Thank you so much for this lovely gift, kuya!" napagdesisyonan na ilagay ni Valentina ang key chain sa kanyang maliit na back pack.
"Oum, kuya? Sasama rin po ba kayo sa amin sa Cappuccino?"
Natatawang napailing si Grayson. Hinawakan niya ang mga balikat nito at iniupo sa isang plane seat.
"Nah. I'll just drop you all at Cappuccino then I will leave after."
Lumungkot ang mukha ni Valentina at napaiwas ng tingin nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Tinitigan niya na lamang ang mga ulap na kanilang nadadaanan sa himpapawid at hindi na muling kinausap si Grayson.
Mahinang napahalakhak si Grayson. Napanguso ito at kinalbit si Valentina na mukhang wala na sa mood. Nang hindi niya pa rin ito pinapansin, hinawakan ni Grayson sa ulo si Valentina at inikot ang ulo nito papunta sa kanyang direksyon. Bumaba ang kamay ni Grayson sa labi ni Valentina at pinwersa itong ngumiti.
"Talk to me," nanlalambing na saad ni Grayson habang sinusundot-sundot nito ang ilong ni Valentina.
Nakatitig lamang sa kanya si Valentina at hindi pa rin siya nagsalita. Wala pa rin itong reaksyon, kahit na kinikiliti na siya ni Grayson sa tagiliran.
"You mad?" nag-aalangan na tanong ni Grayson.
Still. No response.
"Of course, you are."
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Mystery / ThrillerA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...