Amadaeus' P.O.V
One year ago
Sa loob ng isang taon, napakaraming nangyari sa buhay ko. Napakaraming trahedya at pagbabago na hindi ko inaasahang dadanasin ko dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Ang pagbabago na sumubok sa mga buhay namin. Ang trahedya na kahit sino sa amin ay hindi ito makakayanang bigyan ng solusyon at matuldukan.
Isang taon na ang nagdaan matapos mamatay ang aking asawa sa kamay ng mga magulang ko. Isang taon na magmula nang mahiwalay rin sa akin sina Charity at Sniper. Isang taon na puno ng pasakit at kalungkutan. Isang taon na tanging sarili ko lang ang aking karamay. Isang taon ko na rin hinahanap ang aking sarili... ang aking sarili na ngayon ay binalot na ng takot at pangamba. Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula muli--- kung kaya ko pa bang magsimula ulit.
Ang mga tao na nagturo ng wastong direksyon patungo sa panandaliang kalayaan ay siya rin pa lang magiging sanhi ng aking pagkaligaw at pagkawala. Ang pagkaligtas ko mula sa bangungot ng nakaraan ay siya pa lang papalit sa pagkaligtas ko sa kasalukuyan.
Ang tiwala na buong puso kong ibinigay sa kanila ay napunta lamang sa wala.
"Hello, Marco? Yeah... I'll be there at exactly 9 am," walang emosyon kong tinitigan ang marungis kong itsura sa isang basag na salamin dito sa may kagubatan. Tinapik-tapik ko ang cellphone ko na nasa kaliwang tenga ko habang pinagmamasdan ko ang kubo na puno ng mga masasayang ala-ala kasama ang pamilya ko.
Laking gulat ng mga Balenciaga nang tawagan ko sila. Sa loob ng isang taon, pilit nila akong hinanap sa buong Cappuccino para tulungan akong makabangon mula sa aking sinapit. Nalaman nila ang biglaan kong pagkawala noong araw na sabay na nawala si Katrina at ang mga anak ko. Ginamit nila ang kanilang kapangyarihan at koneksyon, dahilan kung bakit nakita nila ako na nagtatago dito sa Affogato Ancient Forest.
"Amadaeus, anak!" hinihingal na pagtawag sa akin ni tatay Apollyon. May bitbit siyang isang plastic at isang pares na bota.
"Tatay!" nilingon kong muli ang basag na salamin bago ko siya sinalubong ng isang mainit na yakap.
"Maligo ka na! Hindi ka na pwedeng umatras dahil nakahanap na ako ng susuotin mo para sa job interview mo mamaya."
Kinuha ko ang inabot niyang plastic at tinignan ko kung ano ang laman nito sa loob. Napaangat ang sulok ng labi ko nang makakita ako ng isang black tuxedo na may kasamang black neck tie at black pants na mukhang mamahalin. Binalik kong muli ang tingin ko kay tatay Apollyon na nakangusong inaayos ang retasong tela na siyang pantakip niya sa isa niyang mata.
"Saan niyo po galing ito?" isa-isa kong inilabas ang laman ng plastic. Nawindang ako ng muntikan nang mahulog ang puting t-shirt na nakaipit pala sa black pants.
"Nakalimutan mo na ba na isa akong basurero, anak? Sa loob ng isang linggo, inisa-isa ko ang mga dump site sa buong Cappuccino. Nagbabakasakali akong makahanap ng maisusuot mo para sa job interview mo!" napadaing siya nang aksidente niyang matamaan ang mata niya na nag-uumpisa na namang dumugo.
Noong makita ko siya dito sa kagubatan, nakaramdam ako ng takot dahil sa hindi pangkaraniwan niyang itsura. Kapansin-pansin ang malaki niyang bukol sa likuran at ang mga paa niya na higit sa dalawa. Nawala lamang ang takot ko nang halos araw-araw ay siya ang nakakasama ko sa gubat noon. Naging kumportable ako sa kanya. Inalukan niya rin ako ng matitirhan sa loob ng kagubatan, maging ang pagkain ay siya rin ang sumasagot bilang pasasalamat daw sa pagtitiwala ko sa kanya.
Ngayon ang araw ng aking pagbangon at paghihiganti. Ang araw na isang taon kong hinintay bago ko simulan ang aking mga pinlanong kilos laban sa sarili kong pamilya. Ang araw na tatanggapin ko ang imbitasyon na matagal nang itinabi ni Orpheus para sa akin.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Mystery / ThrillerA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...