Third Person's P.O.V
Madaling araw pa lang ay gising na ang mag-asawang Veles na sina Arkanghel at Herlitta dahil ngayon ang kaarawan ni Orpheus. Alas-syete na ng umaga, ngunit mahimbing pa rin ang tulog ni Orpheus, napagod ito dahil sa buong araw na pangingisda at pagtitinda ng mga isda sa palengke. Mamayang alas-dyes ng umaga ang alis ng mag-asawa papuntang Japan kasama ang iba pang mga Veles at gusto nila na ipagluto si Orpheus bago man lang sila umalis ng mansyon para hindi na ito gumastos pa upang makabili ng mga pagkain sa labas.
Imbis na magrenta si Orpheus ng isang resort, sinuggest ni Lincoln Veles na ang Veles Seashore na lang ang ang magiging venue ng birthday ni Orpheus para kahit ilang bisita ang gustong imbitahin ni Orpheus ay pwede. Maagang nagtipon-tipon ang mga pinsan ni Orpheus para i-decorate ang Veles Seashore, sabay-sabay silang bumyahe pauwi ng Cappuccino upang surpresahin si Orpheus sa pamamagitan ng simpleng paggayak ng paborito nilang tambayan.
Si Stutter at Oslo ang naka-assign sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan na ipapalibot nila sa kabuuan ng dalampasigan, dahil tyak na marami ang dadalo mamaya kaya naisipan nilang dagdagan ang paglalagay ng mga lamesa at upuan. Sina Lorelei at Ember naman ang nakatoka sa paggawa ng cake at mga cupcakes, maging sa iba pang mga dessert na paborito ni Orpheus. Sina Grecia at Aviva naman ay abala sa pagbibigay ng mga invitations sa bawat street sa Cappuccino. Samantala, sina Maverick at Mang Kanor naman ang taga-ayos ng mga gamit sa bawat cottage, sila rin ang nakatoka sa paggawa ng mga inumin na gawa sa fresh na mga prutas na kanilang pinitas sa plantasyon nila Orpheus. Tumulong rin ang mga trabahador nila Orpheus sa paglilinis ng dalampasigan, habang ang iba naman ay nagdala ng mga naglalakihang speaker.
Ang mga kasamahan na mangingisda ni Orpheus ay nag-volunteer na magpe-perform daw sila mamayang dapit-hapon, since bihasa sila sa pagsu-surfing at skim boarding. Maaari raw malibang ang mga tao sa panonood at willing din silang turuan ang mga bisitiang gusto matutunan ang surfing.
"Ilang cup of cake flour ang need kong ilagay, Ember?" nakabusangot na nilapitan ni Lorelei si Ember na abala sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes.
"One cup is enough, Lei."
Napatango si Lorelei at excited na bumalik sa kanyang ginagawa.
Biglang kumalabog ang pintuan dahil sa pag-uunahan nina Stutter at Oslo sa pagpasok ng cottage na kung saan nagbe-bake sina Lorelei at Amber. Hindi nila pinansin ang magkambal na lagi na lang nagbabangayan at pareho lagi ang gusto sa kahit na anumang bagay.
"Oh, damn--- my stomach is growling. Can I try it already?" hinihingal na tanong ni Oslo kay Ember habang pasimpleng kumukuha ng isang cupcake sa may dining table.
Tamad naman na pumangalumbaba si Stutter sa harapan ni Lorelei habang pinagti-tripan ang hair net na suot-suot nito. Isinawsaw niya ang hintuturo niya sa icing na nakalagay sa mangkok at ipinahid ito sa pisngi ni Lorelei.
"'Wag ka ngang magulo, Stutter! Nakikita mong may ginagawa ako eh!"
Hindi siya pinansin ni Stutter, inilibot niya ang tingin niya sa mga ingredients na nasa lamesa at agad niyang inilipit sa kanya ang isang tray ng itlog.
"Lend me that mini mocha cake then I will not bother you anymore," kumuha si Stutter ng isang itlog at pinukpok ito sa noo ni Lorelei.
"Ugh! Alright, Alright--- here!.... after this, leave me alone!" padarag na kinuha ni Lorelei ang mocha cake sa dining table at pagalit niya itong iniabot kay Stutter na mukhang walang balak na kunin ito.
Kunot-noo na tinignan ni Stutter ang nakalahad na cake sa kanyang harapan. Tumagilid ang kanyang ulo at walang emosyon niyang iniangat ang tingin niya kay Lorelei na masama ang tingin sa kanya.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Mystery / ThrillerA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...