Third Person's P.O.V
Alas-singko pa lang ng madaling araw nang maunang bumangon ang mag-asawang Balenciaga.
Ngayong araw isasagawa ang pagturok ng Monopolize Antidote kay Yosef na pinagigitnaan ng dalawa niyang kapatid na mahigpit na nakayapos sa kanya. Nakangiting pinagmasdan ni Kierra ang kanyang mga anak at napagdesisyonan na kuhanan sila ng litrato habang nasa gano'ng posisyon sila. Masaya rin na napatitig si Marco sa asawa niya na nakangiting kinukuhanan ng litrato ang mga anak nila. Tumayo ito sa kama at kinuha sa may cabinet ang sarili niyang camera at lihim na kinuhanan ng litrato si Kierra na naka lingerie habang nakangiting hawak ang camera nito.
"Napakaganda pa rin kahit bagong gising lang. Nahuhulog na naman tuloy ako sa asawa ko, kahit na kuhang-kuha ko ang panis niyang laway," isa-isa niyang tinignan ang mga shots na kung saan nakangiti lagi ang kanyang asawa. Zinoom niya ang isang litrato na kagat-kagat nito ang labi, habang pinipigilan na 'wag matawa sa nakanganga nilang mga anak.
Nang mapansin ni Kierra na may nakatitig sa kanya ay napatingin siya rito at napasimangot nang makita ang asawa niya na kagat ang ibang labi nito habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa kanya.
"Good morning, baby!" masayang bati ni Marco sa kanyang asawa.
Mataray na tinignan ni Kierra ang kanyang asawa at napipilitang batiin ito pabalik.
"Edi, good morning din."
Napahalakhak si Marco at nilapitan ang kanyang asawa habang hawak-hawak pa rin niya ang camera. Hinalikan niya ito sa may sentido at sa labi naman pagkatapos. Inamoy-amoy niya ang buhok nito sabay halik ulit.
"Taray, amoy panis na laway ang baby ko!" pinisil niya ang pang-upo ni Kierra at mahinang kinagat ang kaliwang tenga nito.
"Umalis ka nga diyan! Umagang-umaga nag-iinit na agad ang ulo ko sa'yo!" tinulak niya palayo si Marco at mabilis na lumabas ng kwarto upang maghilamos.
Sinundan naman siya ni Marco habang humahalakhak. Nagtungo ito sa kusina upang ipagtimpla ng kape ang kanyang asawa na padabog na isinara ang pintuan ng banyo. Kumuha siya ng tatlong itlog at isang balot ng ham sa ref, para ipagluto ng almusal ang kanyang pinakamamahal na asawa't mga anak. Habang nakasalang ang kanyang niluluto, nagsaing na muna siya at naglinis.
"Himala nagluto ang unggoy?" natatawang sambit ni Kierra na ngayon ay pinupunusan ang kanyang mukha.
"Sino ba nagsabing belong ka? Magluto ka mag-isa mo!"
"Bakit? Sinabi ko ba na kakainin ko 'yan? Hotdog ang gusto ko!"
Napabaling ng tingin si Marco sa asawa niya na inuumpisahan nang papakin ang ham na naunang naluto, habang hawak ang isang tasa ng kape na kanyang tinimpla kanina.
"Wow, hindi raw kakainin-- eh, bakit subo-subo mo yang ham na expired na kaya hindi ko gaano pinirito?"
Nailuwa agad ni Kierra ang ham na nasa bunganga niya at ibinato ito sa asawa niya na tumatawa habang pinipirito ang itlog.
"Kahit kailan demonyo ka!" tinarayan niya ito at pumasok sa kwarto upang makapagpalit ng damit.
Nagising si Yosef nang maramdaman niya na may humahalik sa kanyang magkabilaang pisngi. Idinilat niya ang isa niyang mata at napangiti nang makita niya ang nanay niya na nanggigigil na hinahalikan ang pisngi nilang tatlo.
"Mama, good morning po," napahikab siya at seryosong inayos ang ulo ng kanyang mga kapatid na nakaunan sa magkabilaan niyang braso.
Natigilan ang kanyang ina na paalis na sana ng kama. Matamis itong ngumiti at hinalikan ulit siya sa pisngi.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Misterio / SuspensoA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...