Chapter 22: The Abyss of End Vs. Buried Abyss

129 17 0
                                    

Third Person's P.O.V

Ilang minuto na lang at uumpisahan na ng mag-asawang Balenciaga ang pagturok ng Monopolize Antidote kay Yosef na walang emosyong nakatingin sa mag-asawa na mababakas ang pagkatuwa at excitement sa kanilang mga mukha. Gabi pa lang ay pinaakyat na ng mag-asawa si Yosef sa ikaapat na palapag, upang siguraduhin na hindi ito makakatanggi bilang subject ng illegal syringe na ilang taon nilang isinagawa at pinlano. Tahimik lamang na nakahiga si Yosef at pinagmasdan ang iba't ibang mga apparatus na nakakalat sa bawat sulok ng palapag. Mga halaman na may iba't iba ring amoy, mga kumukulong tubig at naglalakihang usok na nagmumula sa mga naglalakihang salamin na mistulang isang aquarium. Sa bawat malalaking aquarium ay may iba't ibang hayop ang nakalubog rito, iba't ibang size ng mga utak at puso, maging ang iba't ibang parte ng katawan ng mga tao na nakalagay sa iba't ibang malalaking container na may nakalagay na label. Sa kabilang gilid naman ay sampung mga katawan ang nakahiwalay din na kumukulong aquarium at ang isa rito ay wala pang laman.

Masayang hinarap ng mag-asawa si Yosef habang hawak-hawak nila ang isang syringe na may kumukulong itim na tubig sa loob nito. Dahan-dahang lumapit ang kanyang ina at madiin na hinawakan ang baba nito upang maiharap sa kanya ang tingin niya na nakapokus sa isang aquarium na may nakalagay na "Josefina".

"Look at me son," malambing na saad ng kanyang ina habang mas lalong dumidiin ang hawak nito sa pisngi ni Yosef.

Pilit na binabaling ni Yosef ang kanyang mukha sa misteryosong aquarium na may nakasulat na "Josefina". Nakaramdam ito ng takot nang maisip niya ang kapatid niya na mahimbing na natutulog nung daanan niya ito kagabi sa kanyang silid. Yakap-yakap ni Josefina ang stuff toy na isang abogado na may hawak na maliit na gavel. Iniregalo ni Yosef ito kay Josefina noong kaarawan niya, dahil sa mismong kaarawan niya ipinaalam ng mga magulang nila na hindi pa rin daw sila payag na paaralin ito sa isang paaralan kahit na nakagawa siya ng isang gamot.

"Huwag mo akong hawakan, mama," malamig na usal ni Yosef sa ina niya na napapalakpak.

"Ganyan ba kita pinalaki, Yosef Lee Balenciaga?" natutuwang sambit ng kanyang ina habang minamasahe ang kanyang sentido.

"The question is... pinalaki mo nga ba ako?" napataas ang sulok ng labi ni Yosef at malugod na hinintay ang isasagot ng kanyang ina.

Nawala ang pagkatuwa sa mukha ng kanyang ina. Napalitan ito ng isang malamig na tingin at sarkastikong ngisi. Tinitigan ng kanyang ina ang hawak-hawak nitong syringe at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ni Yosef. Inalog-alog nito ang kemikal na nasa loob ng syringe at wala sa sariling idinampi ang dulo ng syringe sa leeg ni Yosef.

"You don't know what you're saying, Yosef."

Pagak naman na natawa si Yosef at itinukod ang dalawang siko upang makaupo ito ng maayos. Binalingan niya ng malamig na tingin ang syringe na nakatutok sa kanyang leeg at mas idiniin ito.

"I do know, mom. Kailan ba namin naranasan yung "pag-aalaga" mo sa amin? Bata pa lang kami ay namulat na ang aming mga kaisipan sa medisina-- kahit hindi naman dapat. Maski maglaro ay hindi man lang namin naranasang tatlo! Puro na lang gamot, droga, experiment... tangina! Pagod na pagod na kami mag-isip ng mga formulas, pagod na kaming magbasa ng mga articles, pagod na kaming unawain ang lahat... sundin ang lahat, habang ang sarili naming mga pangarap-- ayon... binasura na namin!" pumiyok ang boses ni Yosef. Pulang-pula na rin ang mga mata nito dahil sa nagbabadyang mga luha.

Napatulala ang kanyang ina at napaiwas ito ng tingin. Nakaramdam siya ng awa sa kanyang panganay na anka, ngunit alam niya na para rin sa kanila ang mga ginagawa nilang eksperimento.

"Balang araw, maiintindihan niyo rin kami ng papa niyo."

"Maiintindihan? Ang alin mama? Sige... ipaintindi mo sa amin kung ano ang magandang maidudulot ng Monopolize Antidote sa mga tao!? Sa tingin niyo ba ay hindi tayo sasaktan ng mga tao kapag nalaman nila na tayo ang may gawa ng drogang iyon!?"

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now