Chapter 13: Who's the Real Killer Behind the Untold Killings? (PART FOUR)

156 17 0
                                    

Third Person's P.O.V

September 02, 2008 (Foundation Day)

Ang araw ng pagkamatay ni Chacha, ang matalik na kaibigan ni Akuji at ang nakababatang kapatid ni Sniper.

Matapos ang araw na nabalitaang pinatay ng mga estudyante ang isa sa mga kilalang guro sa Aristocracy States University na si Mrs. Valerie Veles ay marami na ang lumipat ng eskwelahan. Iilan pa lang ang nakakaalam tungkol sa kumakalat na issue, kaya naman nakayanan pa rin ng Aristocracy States University na pagtakpan at ibasura ang pagpatay ng mga estudyante sa kalunos-lunos na guro. Lahat ng mga nakapanood sa kumakalat na video at nakaalam sa krimen na nangyari ay binigyan ng tig sa-sampung libo kapalit ng kanilang pananahimik. Isang araw lang ang nagdaan at tuluyan nang kinalimutan ang nasabing pagpatay.

Natatakot silang masira ang pangalan ng paaralan, lalo na't may mga dadalo na mga bisita na nanggaling pa sa iba't ibang bansa kaya naman hindi na nila pinatagal pa ang pagsasara ng eskwelahan. Hinayaan nila maging abala ang mga estudyante na hindi nakakaalam ng issue sa foundation day na gaganapin ngayon.

May mga naglalakasang speaker, iba't ibang mga makukulay na banderitas ang nakasabit simula sa gate ng paaralan, iba't ibang uri ng mga palaro na nakakalat sa kung saan, mga nagtitinda ng iba't ibang mga pagkain, at mga booth na pinaghandaan ng husto ng mga estudyante na gustong makapasyal sa Hongkong.

"Akuji ko! Bakit bigla kang umalis? Sayang, nagpicture pa naman kami kanina ni kuya Sniper!" nakakarinding salubong ni Chacha kay Akuji na mukhang wala sa mood.

"Bibili sana ko ng pagkain natin, tapos may isang lalaki na nakabunggo sa akin at natapunan ng juice ang uniform ko. Napakahaba pa ng pila sa may banyo kaya natagalan ako sa pagbibihis," hinihingal na sambit ni Akuji.

"Oh, ito-- tubig! Mukhang hiningal ka sa pagtakbo bessy."

Maagang pumasok ang dalawa para tapusin ang pagde-design ng kanilang booth. Naisipan nilang photo booth ang magiging booth nila sa taong ito dahil isinabay ang family day sa foundation day, kaya tsak na maraming bibisita sa kanilang booth upang magpakuha ng litrato. Nagbigay din sila ng isang free na shot para sa mga estudyanteng may kasamang nanay at tatay.

"Picture muna tayo Akuji habang hindi pa nagsisimula! Ipapa-frame ko ito kasabay nang picture natin sa graduation-- Dali!" hinatak ni Chacha ang laylayan ng t-shirt ni Akuji at pinatayo sa harapan ng camera, habang masayang namimili ng mga palamuti na ilalagay nila sa kanilang ulo.

Naghouse to house sila para makahingi ng mga pinaglumaan na palamuti sa ulo. Kagaya na lamang ng mga lumang sumbrero, headbands, mga bulaklak, at iba pa na siyang makatutulong sa pagkuha ng atensyon ng mga tao. Naisipan rin nilang tumugtog para hindi mabored ang mga tao habang nakapila. Nag-isip ng mga katanungan patungkol sa pamilya at magbibigay ng papremyo. Halos mga teenager ang mga nakikita nilang lumilibot sa mga booth, kaya naman naisipan ni Chacha na papremyo ay free date sa kuya niyang si Sniper.

"Hindi ganyan Akuji! Ang jejemon naman ng pose mo, hmp."

"Eh, paano ba kasi? Hindi naman ako maalam sa mga pose pose na ganyan Chacha!"

"Ibaba mo sabi yung isa mong daliri Akuji!"

Patuloy sa pagbabangayan ang dalawa. Rinig na rinig sa mga katabing booth ang kalakasan ng kanilang mga boses kaya nagtatakang napatingin ang mga tsismoso't tsismosang estudyante sa dalawa. Maya-maya, may lumapit na isang batang lalaki sa booth nila. May suot-suot itong salamin na kagaya kay Chacha, naka-jumsuit pajama na may design na duck, nakatsinelas, at supladong nakatingin sa kanila. Hawak-hawak niya sa kaliwang kamay niya ang isang DSLR camera at pacifier naman sa kanang kamay. Lumapit ito sa booth nila at kinalabog ang lamesa, dahilan nang pagkakagulat ng dalawa.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now