Chapter 23: Ocularis Infernum

122 16 0
                                    

Third Person's P.O.V

Eye of Hell.

Ito ay isang mata na matatagpuan sa impyerno. Ang sino man na may hawak nito ay maaaring kontrolin at humiling ng mga bagay na iyong ninanais na siyang tatanghalin bilang pinakamakapangyarihan sa lahat. Magkakaroon rin ito ng kapangyarihan na kung saan maaari niyang makita ang lahat na nangyari sa nakaraan at mga pangyayari na maaaring mangyari sa hinaharap... sa langit at lupa, ang mga pinagpala at isinumpa.

Si Apollyon ang kauna-unahang diablo na nanirahan sa The Abyss. Siya ang gumawa at nagpatupad ng mga batas at siya rin ang lumikha sa mga Abyss na habang buhay na niyang makakasama sa impyerno. Ilang taon niya inisip ang magiging itsura at kaanyuan ng mga Abyss at kung paano ito makikitungo habang nasa puder niya ang mga ito. Hinati niya ang The Abyss sa dalawa, dahil dalawang anak ang gusto niya at yun ay sina Amad at Orph. Gamit ang kanyang imahinasyon, una niyang nilikha ang dalawa niyang anak na may magkaibang kaanyuan... isang paniki at isang cheetah.

Ang paniki na siyang sumisimbolo ng muling pagsilang at isang bagong simula, samantala ang cheetah naman ay simbolo ng isang aspeto ng kanyang personalidad.

Si Apollyon ay isang uri ng diablo na hindi gumagawa ng mga bagay na maaaring makapanakit, sa kauri man niya ito o sa mga tao. Ipinadala lamang siya sa impyerno upang pagsisihan at maitama ang kanyang kasalanan sa nakaraang buhay niya. Noon, isa siyang tao na takot na hindi masuklian ang kanyang pagmamahal, kaya kapag may mga taong hindi tinatanggap o hindi ibinabalik ang kanyang pagmamahal ay pinapatay niya ito sa paraang brutal. Nakatira siya noon sa isang mental institution dahil maski sarili niyang pamilya ay takot na mahalin at alagaan ang isang kagaya niya. May naging asawa rin ito noon, ngunit pinatay niya ito matapos malaman na binayaran lamang siya ng kanyang mga magulang upang mahalin at pakasalan ito.

Labis na nagsisi si Apollyon nung nakita niya ang kanyang sarili na pinupugutan ng ulo ang sarili niyang asawa. Hindi niya nakayanan ang takot at pagsisisi kaya naman pinatay niya rin ang kanyang sarili, kasabay ng asawa niya na naliligo sa sarili nitong dugo. Nang malaman niya na sa impyerno ang kanyang tungo, ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya magpapatalo sa pagmamahal at hinding-hindi na siya nito masisira sa paraan na nawawala siya sa kanyang sarili at nakakapanakit ng ibang tao.

Na ang pag-ibig ay hindi na magiging isa sa kahinaan niya...

Doon nagmula ang isa sa mga batas na isinaad niya sa The Abyss, na hindi maaaring umibig ang mga namumuno na kagaya niya maging ang mga Abyss sa mga hindi naman nila kauri, dahil iniiwasan niya na magkaroon ng isang kaguluhan sa mundong binuo niya na puno ng pagmamahal. Ayaw niya na matulad ang mga nasasakupan niya sa dating siya na handang pumatay at manakit makaranas lang ng pagmamahal. Kaya imbis na lumikha siya ng isang asawa ay lumikha na lamang siya ng mga Abyss na mayroon na kaagad na katuwang sa buhay, upang hindi na sila humanap pa ng mamahalin at sa huli ay matatagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili na nasasaktan at nananakit ng dahil sa pag-ibig.

Naging masaya naman si Apollyon sa likha ng kanyang imahinasyon. Naging kuntento rin siya sa mundo na akala niya ay magpapahirap sa kanya. Unti-unti rin siyang napabago ng impyerno, lalo na sa tulong ng kanyang dalawang anak na laging pinapaalala kung gaano nila kamahal ito, na hindi na nila kailangan ng isang ina maramdaman lang ang pagmamahal na pinagkait ng mga tao sa kanya noon.

"Papa! Maaari ko po bang malaman kung ano ang itsura ng isang mangkukulam? Nabasa ko po kasi ito sa isang libro, ngunit hindi dinetalye ang itsura at kaanyuan nito!" pangungulit ni Amad sa kanyang ama habang pilit na pinapakita sa kanyang ang libro.

Napahalakhak si Apollyon sa kakulitan ng kanyang panganay na anak. Pumikit ito at inilika niya sa kanyang imahinasyon ang isang mangkukulam na kalahati ay tao at kalahati Abyss. Wala pang isang minuto ay may biglang lumapit kay Amad na isang babae na may dalang walis. Takot na binalikan ng tingin ni Amad ang kumalbit sa kanya at namangha ito sa labis nitong kagandahan, maging si Orph ay napanganga sa babae na nakasimangot na nakatayo sa harapan nila.

Pinisil-pisil ni Amad ang pisngi ng babae at napaatras ito ng ihampas ng babae ang hawak nitong walis sa ulo ni Amad.

"Aray! Hindi naman kita inaway, ha?" kamot-kamot na saad ni Amad na malapit ng umiyak.

"Hindi ko na uulitin. Basta, huwag mo na ulit gawin iyon dahil hindi ako magdadalawang isip na ulitin ang ginawa ko!" galit na saad ng babae.

Sabay na natawa sina Orph at Apollyon sa dalawang nagbabangayan. Inasar-asar pa nila si Amad na mahina dahil natahimik at hindi na muling nagsalita matapos siya sagutin ng babae.

"Ganyan ba talaga kayong mga babae? Mapanakit?" tila nakabawi na sa pagkakagulat si Amad, kaya naman nagbigay ulit ito ng panibagong katanungan sa babaeng mangkukulam.

Napataas ang isang kilay ng babae at ambang ihahampas ulit ang hawak niyang walis nang hawakan siya ni Orp sa may braso at inilagay ito sa kanyang likuran. Sinilip ng babae si Amad at natawa ito nang makita niya na nakapikit ito habang nasa ulo niya ang dalawang kamay niya. Nanginginig ang mga pakpak at ang maliit nitong ilong ay may lumalabas na tubig.

"Anong pangalan mo?" malamyang tanong ni Orph habang tamad rin na nakalingon ang kanyang ulo sa babae na nakasandal ang noo sa may balikat niya. Inilapit nito ang kanyang mukha at hinipan ng malakas ang sabog-sabog na buhok ng babae.

"Ano ba!?" naiinis na saad ng babae. Tuluyan na niyang inilayo ang kanyang sarili kay Orph at napataas ang kilay nito habang pinagmamasdan ang kabuuang itsura ni Orph.

"Ang sabi ko, anong pangalan mo?" iwinagwag nito ang kanyang buntok at nang-aasar na inilapit ito sa mukha ng babae na masamang nakatingin sa kanya.

"F-Fina..." hindi siguradong sagot ng babae.

Lumapit si Amad sa kanyang kapatid at natatawang bumulong sa kaliwang tenga ni Orph. Napatango-tango si Orph habang marahan ring natatawa sa kung anong ibinubulong ni Amad sa kanya.

Napailing si Apollyon sa kalokohan ng kanyang mga anak kaya naman masaya niya itong pinanood habang nakikipagpusta sa manok na nilikha niya na naman gamit ang kanyang imahinasyon.

"Ah, Fina pala ang pangalan mo?" napatakip ng bibig si Amad at tumalikod upang tumawa ng malakas.

Napatalikod rin si Orph at sinabayan ang kanyang kapatid na namumula na kakatawa. Napakunot ang noo ni Fina at nanggigil na ibinato ang hawak niyang walis sa dalawa. Mabilis na napahinto ang mga ito at sinubukan ang mga sarili na magseryoso.

"Anong nakakatawa sa Fina? Ang g-ganda kaya ng pangalan ko!"

Napataas rin ang isang kilay ni Amad at inihampas-hampas ang kanyang pakpak.

"Oo nga, maganda."

"Oh? Maganda naman pala eh! Bakit kayo natatawa kung gano'n?"

"Ang cute mo lang kasi kapag naiinis," natatawang sabat ni Orph.

Tila inaantok na si Apollyon, kaya tumayo na siya at pumagitna sa mga nagbabangayan.

"Tama na yan. Halina kayo at umuwi na sa bahay upang makakain at makapagpahinga na kayo. Bukas ay ipapasyal natin si Fina at hahanap tayo ng magiging pamilya niya."

Napasimangot ang magkapatid at mabilis na umapila.

"Hindi po pa pwede na tayo na lang ang pamilya niya, papa?" nakalabing tanong ni Amad habang kinakati-kati ang gilid ng kanyang labi.

"Mas magiging ligtas po siya kung nasa atin siya," sangguni naman ni Orph sa kanyang ama.

Napabuntong si Apollyon at mabilis na umiling sa mga kagustuhan ng kanyang mga anak.

"Hindi ba't napag-usapan na natin ito mga anak? Inilikha ko lamang siya bilang isang mangkukulam at hindi bilang isang kapatid niyo. Ngayon pa nga lang nagtatalo na kayong tatlo."

Hindi pa rin sumuko ang magkapatid. Pinilit pa rin nilang patirahin si Fina sa kanilang bahay, ngunit ayaw talaga ni Apollyon.

"Papa, sige na! Kapatid naman ang ituturing namin kay Fina!"

"Kami po ang po-protekta sa kanya kapag inaway siya ng mga Abyss!"

Napatampal sa noo si Apollyon at napilitang tumango sa magkapatid. Nanlaki ang mga mata nila Amad at Orph at agarang nilapitan si Fina na naguguluhan sa nangyayari. Magkabilaang kamay nilang hinila si Fina at sabay-sabay silang tatlo na tinahak ang daan pauwi ng kanilang bahay.

"Sana nga lang kapatid lang ang turingan niyong tatlo," bulong ni Apollyon sa sarili at sinundan ang tatlo na ngayon ay masayang tumatakbo pauwi.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now