Sniper
Tangina talaga! Kung saan saan na ako nakarating mailayo ko lang ang aking sarili sa tukso.
Kung ano-ano na lang ang hinahawakan! Tumakbo ako papalayo sa babaeng yun, bago pa magalit ang alaga kong mas mabangis pa sa mga hayop na nandito sa kagubatan ng Affogato Ancient Forest.
Muntikan niya pang pisilin si junjun, kaya napadasal ako ng wala sa oras! Anong mukha ang maihaharap ko bukas sa kanya!?
"Uuwi na lang ako! Bahala na siya do'n. Matanda naman na siya at isa pa, hindi ko na responsibilidad ang samahan siya pati sa pagtulog-- aba naman!"
Sobrang dilim at tahimik. Kung hindi lang ako sanay pumunta sa gubat na ito, eh malamang kumaripas na ako ng takbo. Wala nang naglakas loob mangaso dito, dahil nga sa ito ang usap-usapang kuta ng mga lalaking nakaitim na sumbrero at may tattoo na libro sa kanang braso bilang simbolo ng kanilang grupo.
Ang grupo na bigla na lamang nawala, matapos ang gabing naging mistulang bangungot sa mga taong naninirahan sa Cappuccino Avenue. Nang mahanap ng mga pulis ang tinitirhan ng mga lalaking nakaitim na sumbrero ay wala na ni anino nila, tanging mga sumbrero at mga matang nalusaw na sa mga aquarium ang kanilang naabutan. Mga larawan ng mga batang nag-aaral sa Aristocracy State University, maging ang mga guro na nagtuturo sa paaralang yun.
Inaalisan nila ng isang mata ang bawat tao na tinatarget nilang patayin at isinasalin ito sa loob ng isang aquarium na may kumukulong tubig at asido. Singkwentang katawan ang araw-araw na natatagpuang inuuod sa bawat sulok ng Cappuccino Avenue, halos mga kabataan ang nasasangkot sa karumal dumal na krimen na yun. Dumating pa nga sa punto na halos hindi na kami kumakain, dahil sa takot na lumabas. Isinarado lahat ng mga paaralan, matapos masunog ang paaralang sanhi nang pagkabuo ng isang grupong pumapatay sa lugar namin.
One Shot One Eye Cult.
Ang grupo na na naging pamilya ko noon.
*Flashback*
September 02, 2008.
Unang araw ko sa trabaho, bilang isang news reporter.
18 years old na ako ngayon. Mukhang birthday gift 'to sa'kin ni Lord! Napasakto kasi ang pagtanggap sa akin ng Global Institution of News Reporter sa mismong birthday ko.
"Kuya! Aalis ka po? Paano na lang yung promise mo na manonood ka ng role play namin sa school?" malungkot na lumapit sa akin ang nakababata kong kapatid na si Chacha na ready nang pumasok.
Sobrang mahal ng tuition fee sa Aristocracy State University, daig pa nito ang presyo ng bahay namin!
Lumaki kami ni Chacha sa isang bahay ampunan. Lumaki na hindi kilala kung sino ang mga magulang namin. Maski ang mga tagapag-alaga sa bahay ampunan na yun ay walang kaide-ideya kung sino nga ba ang mga magulang namin. Ang sabi lang nila sa akin, nakita nila kami ni Chacha na nakalagay sa isang kulungan ng aso. Umiiyak, habang ang ulan ay walang tigil sa pagbuhos.
Akalain mong mararanasan namin yun? Pinagkaitan magkaroon ng pangalan, magkaroon ng isang pamilyang ipaparamdam sa amin kung paano mahalin at alagaan, makapag-aral at maranasan kung gaano kasaya maging isang bata.
"Join us, little man. Let us know what your fun-size dick could do and taste like in exchange of money and rights."
"Watch us closely on how are we going to make ourselves come, while you jerking off out there."
"Don't fucking cry! I said take your clothes off!"
Bata pa lang ako ay marami ng pagsubok ang aking hinarap maibigay ko lang sa kapatid ko ang lahat ng mga bagay na pinagkait sa amin. Kahit ilegal na gawain ay kinagat ko na, magkapera lang. Naging tagapaligaya ng isang mag-asawa na parehong babae sa loob ng tatlong taon, hanggang sa inampon nila kami at binigyan ng pangalan. Binigyan ng matutuluyan at pinag-aral sa Aristocracy State University, ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang aking trabaho sa mag-asawang Davis. Bilang kapalit, kailangan kong ibigay ang hinihingi nila-- sex.
Natuldukan lamang yun nung namatay sila sa gera, parehong sundalo na naglilingkod sa United States. Kapatid ni Airish Davis si tita Allysa, kaya pinagkatiwala nila kami sa kanya.
Maswerte na rin siguro kami ngayon kahit papaano.
"Hahabol si kuya, bunso!" ginulo ko ang buhok niya at yumuko para di na siya tumingala habang kausap ako.
"Saan po ba kayo pupunta?" nakalabing tanong niya.
"Mapapanood mo na sa balita si kuya!"
Nanlaki ang mga mata niya at napayakap sa akin ng mahigpit.
"Ibig sabihin po non, hindi ka na bad guy?"
Oo bunso, hindi na isang prostitute at holdaper ang kuya mo... marangal na ang trabaho ko.
"Opo! Kaya hintayin mo si kuya mamaya sa school niyo at manonood ako, ha? Dapat galingan mo yung paglunok ng bato, tapos sisigaw ka ng Darna!"
Sabay kaming natawa ng kapatid ko at nangako sa isa't isa na gagalingan namin pareho. Isinabay ko na siya sa bike na hiniram ko kay Mj para makatipid ako sa pamasahe. Ang layo pa naman ng pinagtatrabauhan ko at ang school ni Chacha.
"Kuya! Sandali!"
Inihinto ko ang bike at pinuntahan siyang muli, baka may nakalimutan.
"Picture po muna tayo doon sa may photo booth!" hinila niya ako papasok ng school at nagpunta kami sa isang booth na maraming nagpapakuha ng litrato.
Foundation day din pala nila!
"1, 2, 3, smile!"
Nakangiti kong pinagmasdan ang picture namin ni Chacha, bago sumalang sa trabaho.
Naging successful naman ang unang araw ko bilang isang news reporter. Ang sabi pa sa akin ay mabilis ako makabisado ng sasabihin at kung gagalingan ko pa ay maaari na akong magbalita sa labas ng Manila. Nakiusap ako kung pwedeng umuwi na, tutal celebration lang naman ang gagawin at pumayag naman sila.
Bilhan ko kaya si bunso ng paborito niyang puto bungbong? O kaya, magsisimba na lang kami at papasyal pag-uwi!
Pinaharurot ko na ang bisikleta ko at tuloy-tuloy na pumasok sa school. Sampung minuto na lang at mag-uumpisa na!
"Aray! Bulag ka ba!?" pagalit na tanong ng isang batang babae na kulay berde ang mata.
"Sorry! Iyo na itong panyo ko pampunas sa natapunan mong uniform."
Tinalikuran niya ako at tuluyan nang nawala dahil sa dami ng tao.
Sungit! Malinis naman 'tong panyo ko eh!
"We're proudly introducing you, our students who are soon to be an actor and actresses! Please, welcome-- the Class-A Justice, who will role play the drama series titled "Darna"!"
Palakpakan.
Hinanap ako ng kapatid ko mula sa mga nanonood at nang makita ako ay masaya siyang nagpatuloy. Pumwesto sa gitna si Chacha upang lunukin ang bato, nang biglang mamatay ang mga ilaw. Putok ng baril at sigaw ng mga tao ang siyang maririnig mo sa loob ang teatro.
Si Chacha...
Dalawang buwan na pala ang lumipas nang mamatay ang kapatid ko. Isa siya sa mga nabaril at walang-awa na pinagsasaksak noong foundation day sa paaralang Aristocracy State University.
"Celine Abuella next target mo, Sniper."
Sumali ako sa One Shot One Eye Cult para makapaghiganti. Iisa-isahin ko ang bawat estudyante at guro sa Aristocracy State University. Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay nilang lahat.
Iisa lang ang mithiin ng grupong ito. Pumatay at maghiganti sa paaralan na nagtuturong pumatay, maging sa mga taong nasa loob nito na pilit nagpo-protekta't nagbubulag-bulagan kahit na alam nilang ilegal ang pagpatay.
At higit sa lahat...
Para sa asawa ng aming boss na pinatay at tinanggalan ng isang mata sa kaparehong paaralan.
YOU ARE READING
One Shot of Yesterday's Candlelight
Misterio / SuspensoA Psychological Romance - Mystery/Thriller Novel Monopolize Antidote is a kind of drug that can melt someone's body who will be inject by the use of it. It was made by the shrouded family of Balenciaga who experiment a lot of drugs and illegal medic...