Chapter 33: Katrina's Mislaid Demise

109 15 0
                                    

RATED SPG Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only.

Amadaeus' P.O.V

6:30 am.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ni Sniper. Ngayon kasi ang kaarawan ni Orpheus at may usapan kami na alas-syete pa lang dapat ay magkikita na kami sa Veles Seashore. Nagpapatulong kasi siya sa akin sa pagluluto ng kanyang handa at sa paggayak ng buong venue. Marami raw siyang lulutuin dahil ang lahat ng mga naninirahan sa Cappuccino Avenue ay kanyang inimbitahan. Hindi rin siya matutulungan nila Tita Herlitta dahil sa may flight ang mga ito papuntang Japan mamayang alas-dyes kasama ang iba naming kamag-anak na nagma-manage ng kumpanya.

Napagpasyahan kong linisin muna ang buong kubo at paliguan si Sniper bago ko ayusin ang mga gamit na kakailanganin ni Katrina. Nagluto rin ako ng paboritong chicken curry ni Katrina para kung sakaling gutumin siya sa sasakyan, eh may kakainin siya. Susunduin ko muna si Katrina sa Espresso Insane Asylum para sabay kaming bibili ng regalo para kay Orpheus. Kahapon pa sana ako bibili ng ireregalo ko kay Orpheus, tutal umalis kami ni Sniper para bumili ng kanyang gatas at pampers. Binisita rin namin si Katrina kahapon at nabanggit ko sa kanya na ngayon ang kaarawan ni Orpheus, ang matalik niyang kaibigan. Tinanong ko sa kanya kung anong gusto niyang iregalo kay Oprheus para sana maisabay ko na sa pagbili ko, ngunit nakiusap siya na sabay na raw kaming bibili.

*Onga-Onga-Onga*

Bababa na sana ako ng kubo para maligo nang biglang umiyak si Sniper. Pilit itong tumatayo sa crib na niregalo ni Orpheus sa kanya.

Nasa tyan pa lang ni Katrina si Sniper, bumibili na si Orpheus ng kung ano-ano para kay Sniper. Mas nauna pa niyang nalaman kaysa sa akin na nagdadalang-tao si Katrina. Nasa kalagitnaan siya ng pagtuturo nang itext daw siya ni Katrina about sa pregnancy niya, kaya kahit na nagkaklase pa siya, walang pagdadalawang-isip na iniwan niya ang kanyang mga estudyante para lang mamili ng mga gamit na kakailanganin ni Sniper.

"What do you want, Sniper?" inayos ko ang tuwalya sa aking balikat. Nakangiti akong bumalik muli sa loob ng kubo at binuhat ko si Sniper sa aking mga bisig.

*Onga-Onga-Onga*

Umiiyak siya pero walang luha. Nakatingin lang sa akin ang kulay ang amber niyang mga mata. Nakasalpak sa bibig niya ang kanyang hinlalaki at sinisipsip niya ito habang nakasibi. Namumula rin ang kanyang mga kilay at pisngi, maging ang tungki ng matangos niyang ilong ay kulay pula na rin.

"Maliligo lang si papa sa baba tapos susunduin na natin si mama, okay?" hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. Napahalakhak ako nang biglang tumahimik si Sniper sa pag-iyak at unti-unting sumilay ang kanyang ngiti. Hinawak-hawakan ko ang dalawang maliit niyang dimples sa gilid ng kanyang labi at aking pinisil ang matataba niyang mga pisngi.

Kamukhang-kamukha ng nanay! Maski kulay ng mata ni Katrina ay nakuha niya. May parte naman ng mukha niya na nakuha niya sa akin, pero halos ay kay Katrina niya namana lahat pagdating sa features.

Dimples lang ata ang namana niya sa akin!

Napatingin ako sa sa family picture namin. Nakapatong ito sa maliit na lamesa, kasama ang mga pictures nila Sniper at Chacha.

Gustuhin ko man na alagaan si Chacha kasama ang kuya niya ay hindi maaari dahil sa abala rin ako sa pagtatrabaho at pag-aalaga kay Katrina dito sa bahay, maging sa tuwing nasa Espresso Insane Asylum siya. Wala akong sapat na pera para sana lumuwas sa ibang bansa upang mamasukan bilang isang nurse, o kahit anong trabaho ang maaaring ibigay sa akin doon. Umaasa lang kami sa kinikita ko mula sa pangingisda sa dalampasigan na pagmamay-ari ni Tito Lincoln. Nang malaman kasi ni Tito Lincoln ang ginawa nila mama at papa, agaran siyang umuwi dito sa Cappuccino at nirekomenda sa akin ang kanyang dalampasigan sa may Latte. Napagpasyahan rin ni Orpheus na mamasukan bilang isang mangingisda kila tito para may kasama raw ako. Inaabot abutan rin ako ng mga pinsan ko ng pera para sa mga pangangailangan ng mga anak ko, kaya malaking pasasalamat ko dahil nanatili sila sa aking tabi.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now