Chapter 5: Grow Old With You

175 17 0
                                    

Akuji

Tumingin ako sa orasan na malapit sa aking higaan.

8:58 am

Dalawang minuto mula ngayon, mag-uumpisa na ang graduation na noon ay gabi-gabi kong pinapanalangin na maidiwang kasama ang pamilya ko.

Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang yun.

"Malapit nang mag-umpisa ang seremonya, ngunit hindi pa rin bumabalik si lola."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa katagalan ni lola bumalik. Ang sabi pa naman niya kanina, may dadaanan lang siya saglit pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

"Baka napasarap ang kwento niya sa kumare niya at tuluyan na niyang nakalimutan ang graduation namin? Salamat naman kung ganon."

Bumangon na ako, yakap yakap ang paboritong unan ni mama. Napansin ko na may isang paper bag na nakapatong sa lamesa at isang lumang papel na mukhang letter. Bagama't nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba 'to, nakita ko na lamang ang aking sarili na binabasa ang kung anong nakasulat sa lumang papel.

Para sa aking paboritong guro,

Para ba sa'kin 'to?

Hindi man sigurado, pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Isinangla ko muna ang singsing na ibinigay sa akin ng iyong lolo noong kami ay ikinasal. Wala akong sapat na pera pangrenta ng toga mo, kaya ito na lang ang natatangi kong naisip na paraan may maisuot ka lang sa araw na ito-- ang pinakahihintay mong araw. Huwag ka sanang magdamdam kung pilit kitang kinukulit dumalo sa seremonya na naging isa sa mga kinakatakutan mo. Nais ko lamang makita kang makapagtapos bago man lang ako sumunod sa nanay mo. Nauunawaan kita apo kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa paaralan na dati ay itinuturing mong ikalawang tahanan. Sa ganitong paraan, makakapagtapos ka na walang takot at pangamba, walang lungkot at galit-- tayong dalawa lamang habang nakangiting nagdiriwang.

Ipagpatuloy mo ang pangarap na pilit ipinagkakait sayo. Balang araw, makakapagturo ka rin kagaya ng nanay at tatay mo sa paaralang naging bahagi na ng buhay niyo. Lagi mong piliing magpatawad gaano man ito kasakit at kasama, mahal na mahal kita apo.

Laging umuunawa at naghihintay,

Lola Herlitta.

Paano lola? Paano magpatawad?

Basang-basa na ang hawak kong unan, dahil hindi ko kayang magpigil ng luha habang binabasa ko ang sulat ni lola para sa akin. Binuksan ko ang paper bag at naibagsak ko ang unan at liham nang makita ko ang isang toga at diploma na sulat kamay ni lola. Gawa lamang ang diploma sa isang papel de hapon, kasama ang larawan ko na nakangiting nakatayo sa harapan ng aking mga kaklase habang pinapakita ang iginuhit kong propesyon.

Ako, bilang isang guro.

Tumakbo ako palabas ng silid at napahinto sa nakita.

"Maligayang pagtatapos apo!" nakangiting bati ni lola.

Nakasuot siya ng isang pulang bestida at may hawak hawak siyang isang plato ng pandesal. Ngiting-ngiti na nakatingin sa akin, sabay kindat. Iginala ko ang mga mata ko sa aming sala at kusang huminto ito sa kartolina na may nakasulat na "Congratulations, My Future Teacher!" at ang larawan ng aking mga magulang sa gilid nito.

"Hindi ka ba masaya apo? Kasabayan lang natin ang graduation niyo sa school! Sinakto ko talaga sa alas nwebe ang surpresa ko sayo mwehehe," labas pustisong ngiti ni lola.

"Ang araw-araw na hinihiling ko-- makakapagtapos na po ako? Hindi... ayokong makapagtapos! Walang kwenta ang paaralang yun... pinatay nila ang pangarap at si ma—"

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now