Chapter 9: The Bloodshed Has Been Usher In

158 16 0
                                    

Akuji's P.O.V

September 24, 2018 (8 o'clock in the morning)

Bumalik kaming muli ni Sniper sa Espresso Asylum Institution para magtanong kung nakabalik na ba si lola Josefina. Nagbabakasaling naisipan na ni lola na bumalik dito. Pasara na kasi ito nung nagtanong ako sa nurse, kaya siguro hindi na niya lang napansin ang pangalan ni lola sa kanyang listahan.

"Inaantok pa ako, Akuji! Pwede naman tayo pumunta rito nang hindi ganito kaaga!" reklamo ng lalaking wala pa atang mumog.

"Pinilit ba kitang sumama dito? Edi, sige-- bumalik ka na sa kubo at matulog!"

Iniwan ko siyang nakanganga sa may gate ng Espresso Asylum Institution, dahil wala na akong oras para makipagbangayan pa sa kanya. Itinahak kong mag-isa ang daan papasok at napangiti ako nang makita kong muli ang kaparehong nurse na tinanungan ko kagabi tungkol kay lola Josefina.

"Magandang umaga po. Ako po yung nagtanong kahapon dito tungkol po sa lola ko."

Masaya akong hinarap ng nurse na abalang-abala sa pagkain ng biscuit na may hugis mata. Hinalik-halikan niya muna ito at nang-aasar na isinubo sa katabi niyang nurse na busy sa pag-inom ng red wine. Masayang nagpapalitan ang dalawa ng kanya-kanya nilang mga dala, pagkain na hugis mata at inumin na kakulay ng dugo. Kinalabit ng katabi niya ang nurse na sadya ko, inginuso ang pwesto ko at patulak itong pinapunta sa harapan ko.

"Ikaw ata ang sadya Mary Jane."

Pinagpag muna ang likurang parte ng uniform niya. Sumeryoso ang mukha niya at tuluyan nang lumapit sa 'kin.

"Magandang umaga rin! Ay, oo-- naalala kita! Ano nga ulit ang pangalan ng lola mo?" tanong niya habang kumakain ng biscuit.

"Josefina Balenciaga po," magalang na sambit ko.

Nabitawan niya ang hawak niyang ballpen at notebook. Takot na humarap sa akin at napailing.

"K-Kamamatay niya lang kagabi," nakayukong sambit niya. Bigla na lamang sinabunutan ang buhok at bumulong-bulong.

Naglikot-likot ang mga mata niya. Nanginginig ang buong katawan, maya maya'y bigla na lamang sumuka ng  masangsang na dugo na hinaluhan ng ipis at uod sa lamesang pumapagitna sa amin. Pinunit-punit ang mga pahina ng papel, kumuha ng lighter at sinunog lahat ng mga dokumentong makita niya sa harapan niya.

"Mata-- mamamatay ako kapag hindi ako nakakain ng sariwang mata!" paulit-ulit niyang sigaw sa amin.

Nakakatakot siya. Parang hindi na rin siya normal kung kumilos. Parang may mali sa kanya.

"Miss, hindi ba't sabi mo sa akin kagabi na hinahanap siya ng lola niya?" naguguluhang tanong ni Sniper sa nurse.

Dahan-dahang tumingala ang nurse sa amin. Laking gulat namin nang bigla niyang hablutin ang cutter sa katabi niyang nurse at tinanggal niya ang isa niyang mata gamit ito. Tawa siya ng tawa, hindi alintana ang dugong pinupuno na ang uniform niyang kulay puti. Napasigaw ang katabi niyang nurse sa nakita, kaya naman doon dumako ang tingin ng nurse na kanina'y nasa amin. Hinablot niya ang uniform nito, dahilan nang pagkakatanggal ng mga butones. Itinarak niya nang tatlong beses ang cutter sa mata ng babae at tuwang-tuwa na idinukot ang isa niyang mata bago isubo sa sarili niyang bunganga.

"H-Huminahon ka, Mary Jane," pagpapakalma ng kasama niyang nurse.

Napatulala ang babae habang pinagmamasdan ang kasamahan niyang sarap na sarap sa pagkain ng mata niya. Rinig na rinig namin ang tunog ng pagnguya niya at ang paglasap niya rito. Hinila niyang muli ang babae palapit sa kanya at dinilaan ang sariwang dugo na walang tigil sa pagbulwak. Hindi pa nakuntento ang nurse, itinarak niyang muli ang cutter sa isa nitong mata at mariin na pinaikot. Tumalsik ang mata niya sa front desk at sinunggaban ito ng nurse na para bang isa siyang hayop na hindi pa nakakakain.

One Shot of Yesterday's CandlelightWhere stories live. Discover now