Chapter 50: Together

69 4 3
                                    







Ashton Caesarea.


"They sent you?" I chuckled when I saw Gav standing in front of our door wearing a hoodie while his gig bag was on his back.

"No. I willingly go here. You mentioned giving you three days. Three days had passed." He shrugged then went inside. Mukha pa siyang may hinahanap. "Grandma went somewhere. She'll be back in any minute."

He's right. It's been three days since that "Efren problem" medyo magaan ng kaunti ang pakiramdam ko dahil wala akong natatanggap na balita na may nangyaring masama sa isa sakanila so ibig sabihin, the plan is working. Walang ginawang krimen si Efren.

I'm glad.

Pero hindi pa rin ako maka-limot sa biglaang pag-patay ni Brennen. Wala parin akong alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyare sakaniya. Hindi ko matanggap na wala na siya at bakit sobrang dali naman ata niyang wakasan ang buhay niya.

Hindi man lang ako nag-sorry sakaniya dahil napagkamalan ko din siyang culprit sa lahat ng nangyayare pero ang totoo... biktima din siya ng laro ni Efren.

Brennen has been a great friend for me. Alam kong naging crush niya ako but I won't deny the fact that he's been a great human-being for me. He's always been there for me to make me happy. Pero ako? Wala man lang akong nabigay sakaniyang mabuti and yet, pinunta ko siya sa kulungan.

I'm so sorry Brennen but I'll promise you this. Whoever made you end your life, I will make sure that they will rot in hell.

Rest in peace, my friend.

"How are you feeling?" He asked while deeply staring at me like he's scanning my whole face. Para siguro makita ang reaksyon ko.

"I'm almost there. Are you here to convince me to go back?" I straightforwardly said because I know he's just here to try to change my mind to go back.

All of my friends were. Araw-araw silang nagse-send saakin ng voice message, asking how I'm feeling, updating me with their day, trying to change my mind. I don't hate them for trying to change my mind, I just don't like that they don't like my decisions.

"No. I'm here to ask and see if you're doing fine."

"Partially. Do you want to eat something?"

"Even if I answer. Magluluto ka ba?" Napakurap-kurap naman akong napa-isip sa sinabi niya. Tama naman siya. Natawa nalang siyang umiling. "That's what I thought."

"We have breads. I'll make you tea if you want." Umiling naman siya. "No. Aalis din naman ako agad. Napag-pasyahan ko lang na bisitahin ka."

Ngumiti naman ako ng kaunti. "Thank you. Kumusta naman 'yung iba?"

"Rei's graduating. She's expecting you to show up. Leigh... I'm not sure.. she's been casually meeting someone else." Tumaas naman ang kilay ko, I didn't know about that but she mentioned in one of her voice messages that she's meeting another guy.

Akala ko si Art 'yun pero ibang lalake pala?

"Si Art? Nag-sawa? Baka napagod." Sino ba namang hindi mapapagod kung araw-araw kayong nagse-s*x diba?

Gav just shrugged. "I don't know. Hindi naman sila nagsasalita tungkol sa isa't-isa. Carver... napahiya sa harap ng crush niya." Nagtawanan kaming dalawa sa sinabi niya.

"Really? Napaka-tanga talaga. Anong nangyare?"

"Gusto niyang magpa-pansin sa crush niya. Bumisita siya sa school ni Calli. Siya 'yung nag-serve ng pagkain ni Calli pero napunta naman 'yung pagkain sa mukha ni Calli. Aksidente naman ang nangyare pero napahiya ng sobra si Carver doon." Hindi ko mapigilan ang matawa ng malakas.

Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon