Chapter 5: Proposal

236 11 50
                                    






Ashton Caesarea.


"Marami kang pag-pipilian ditong Modeling Management, Ashton. Hindi nga lang mas sikat sa buong mundo kagaya ng former agency mo sa Spain. Pero atleast itong agencies na'to ay magaganda ang pakiki-tungo nila." Si tita Adrienne.

Nandito kami ngayon sa Lockhart Tea Cafe shop ni Ate Aya. Naka-uwi na ako kahapon galing AD tapos kinausap ko si Tita Adrienne kung pwede siyang makipag-kita saakin ngayon dahil sabi saakin ni mommy na madami sIyang alam sa modeling so baka may maisu-suggest sya saakin kung saan ako pwedeng mag-model.

"Isa na dito ang Red Model Management. Itong agency na'to kilala worldwide. But they are not going to promote you well in that company because they really had a lot of models and artists there so, I'll suggest na h'wag nalang ang agency na'to but it's your choice." Ngumiti siya at tumango naman ako.

"Then it's a big no for me, tita. I want a company that will promote me well and other models. I want a company that will play fair for all of us models, hindi 'yong may favoritism ganoon." Ani ko sakaniya at napangiti naman siya ng matamis.

"Edi kunin mo na ang Union Ford Management! Nandoon lahat ng sikat na models, singers, actresses, atsaka banda. Sikat ang management na'to sa Asia. Maganda ang Management na'to, Ash! Kaya ito nalang ang kunin mo. Iyong iba nga lang sa mga models dito at actresses eh maarte atsaka may attitude pero madami sakanila ay mababait lalo na ang may-ari 'non!" Ngumiti naman ako atsaka tumango.

UFM, sikat nga ang management na'to sa buong Asia. Ito nga daw ang number one kalaban ng agency ko sa Spain pero mas natalo lang talaga ng Agency ko ang UFM. Masasabi ko na sobrang talented nga ng nandoon.

Bigla akong may naalala. Gaveriel's Band, Ford, is under UFM! So, ibig sabihin same management na kami ni Gav? I can't wait to tell him about this.

"Sige po tita, I'll take that management nalang po." Ngumiti naman siya atsaka siya may binigay na envelope saakin.

"Sign all of that then bigay mo nalang kay Kaiwen dahil ipapa-daan ko siya sa bahay niyo bukas. I'm not free tomorrow but my son will get that papers from you and I'll talk to the owner of that management that you wants to join their agency and I'm sure kukunin ka agad 'non dahil maganda ka, flawless atsaka sexy! Baka i-spoil ka 'non sa Beach photoshoots!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sige po tita, thank you po sa time niyo." Tumayo siya para bigyan ako ng yakap.

"Para sa'yo! Kung may kailangan ka saakin, h'wag kang mahiyang tawagan ako 'ha?" Tumango naman ako at ngumiti naman siya.

"Sige kailangan ko ng umalis dahil baka ma-late pa ako sa lunch namin ng tito mo. Ikaw kumain ka na ba?" Umiling naman ako.

"Kakain palang po sana. Susunduin ko po kasi 'yong kaibigan ko sa Liberty dahil baka kumain kami sa Reese." Nag-liwanag naman ang mukha niya.

"Restaurant ni Rashana?" Agad naman akong tumango.

"Doon din kami kakain! Sige 'ha? Kita kits nalang tayo doon." Tumango naman ako and we both giggled atsaka na siya umalis.

Tumayo naman ako atsaka ko kinuha ang bag ko at agad naman akong tinawag ni Ate Aya. "Hoy! Aalis ka na agad?"

"Yep. Susunduin ko si marupokpok sa Liberty eh, kakain kami sa Reesetaurant. Sama ka ate?" Ngumuso naman siya atsaka umiling.

"Uwi akong Airedale eh. Baka papunta na si Mordecai dito. Enjoy 'ha? Paki-kamustahan mo nalang din ako kay Lorelei." Ngumiti naman ako atsaka tumayo atsaka na ako umalis at agad na pumasok sa kotse ko.

Hiniram ko lang 'to kay daddy at buti naman pumayag siya. Tinahak ko ang daan papuntang Liberty Academía na kung saan nag-aaral si Rei sa Fashion Designing kahit na graduate naman na sya pero hindi naman Fashion Designing ang kinuha n'yang course 'nong college kaya ayan nag-aaral ulit siya. Paano ba naman kasi 'yan, gusto ng parents niya na maging Architect siya dahil halos lahat ng pamilya nya eh Architects o'di kaya Engineers.

Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon