Ashton Caesarea.Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse. Kinakabahan ako at parang ayaw ko ng matapos itong araw na 'to. Parang wala akong ganang pumasok ngayon dahil baka kapag nakita ko lalo si Hugo parang ayoko nalang sumama kila mommy.
Iniisip ko palang 'yung aalis na ako parang naiiyak na ako. Hindi ko kayang iwan mga kaibigan ko lalo na sya, hindi naman siguro ako magkaka-ganito kung hindi napa-mahal ng lubusan kay Hugo. Pero wala eh, nahulog ako sa sakanya lalo sa loob ng isang taon naming pag-sasama.
Ang tanga mo naman kasi Ashton eh. Alam mo namang hindi ka tatagal dito sa pilipinas hinayaan mo lang ang sarili mong mahulog sa isang tao lalo na sa kaibigan mo pa. Wala eh, hindi ko napigilan sarili ko. Masyadong malakas ang charms nya, ang lakas ng pang-akit nya.
Hindi na nga sana ako papasok ngayon dahil hindi ko kaya at tinatamad din ako since bukas na ang alis namin pero I think Rei deserves a proper good bye. Kailangan kong magpa-alam ng maayos sakanya lalo na't hindi nya alam na aalis na ako at bukas na ako mawawala. Sure akong magagalit sya saakin dahil tinago ko 'yun sakanya.
Gusto ko ring pumasok ngayon para makita ko ulit si Hugo one last time dahil mga 5 years more than that ko sya hindi makikita. Nakaka-lungkot pero alam ko makaka-move on naman ako sakanya kaya ngayon enjoy ko nalang na kasama sya—kasama mga kaibigan ko.
Also, may plano na akong umamin kay Hugo. Afterschool ako aamin gusto ko kaming dalawa lang. Dahil hindi ko kakayanin kapag meron sila Rei, Clive at Connor. Hindi ako sanay na umaamin lalo na sa harap ng mga kaibigan ko. So, kailangan ko syang maka-usap in private.
Iniisip ko palang mangyayari mamaya ay kinakabahan na ako. Speaking of confession. Bigla kong naalala si Brennen na umamin saakin kahapon sa Camp Euphoria. Wala akong alam na all this time ay may gusto sya saakin, I thought kaibigan lang turing nya saakin.
Hindi ko binibigyan ng meaning 'yung actions nya saakin dahil normal lang naman 'yun sa magka-kaibigan. Since we are close friends, hindi ko maalam na may gusto sya saakin. Yung asaran at pick-up lines, normal lang 'yun sa magka-kaibigan so wala talaga akong alam. Kaibigan lang din naman ang turing ko sakanya.
So, ang gagawin ko mamaya if ever na gusto nya kaming mag-usap. Hindi ko sasabihin sakanya na may gusto akong iba dahil alam kong masasaktan sya. Hindi ko din sya kayang i-reject dahil ayaw ko syang masaktan. Kakausapin ko nalang sya ng matino na ayaw ko muna sa relationship at hindi pa ako handa para 'dun.
I don't know if that will work pero kailangan ko syang ma-convince na wala akong gustong iba that's why I'm rejecting him. I don't like to think him that way so I have to convince him that I don't want a relationship... yet and not ready for that.
No hard feelings. Brennen is such a kind person. He is a good friend to me. Sobrang caring at protective nya. Lagi nya akong napapa-saya kapag malungkot ako. He's always there to lift me up so may pag-asa sya saakin pero hindi muna ngayon. Masyado pa akong bata para dyan.
My mom told me to get a boyfriend after I graduate in college. Payag naman ako sa sinabi nyang 'yun dahil mas priority ko rin naman ang pag-aaral at hindi pa pumapasok saakin ang pagbo-boyfriend na 'yan. Pero 'nung dumating si Hugo sa buhay ko, hindi ko na alam. Biglang nasira 'yung plano kong 'yan.
So ayun nga. Kahit laging sinasabi saakin ni Rei na mag-ingat kay Brennen dahil playboy sya at baka ginagamit nya lang pero hindi ko sya pinakinggan. Ayun ang sabi-sabi ng iba pero ako, ang ginawa ko eh kinilala ko muna ng maigi si Brennen before I judge him.
BINABASA MO ANG
Built for Love
RomanceAIREDAELE #1. Ashton Caesarea Sandoval, a well-known architect student and model in Spain. Until one day, her modeling agency abruptly fired her for a spiteful act. Hugo Zaiden Layton, a man she tried to avoid after she returned to Philippines becau...