Chapter 25: Sunrise

94 3 0
                                    





Ashton Caesarea.


Many months had pass and I'm now a grade 11 student. Ang daming araw na ang lumipas at heto ako ngayon ine-enjoy nalang ang natitirang araw na kasama ko ang mga kaibigan ko kasi hindi ko alam kung kailan kami aalis. Kung kailan kami babalik sa Spain basta sabi ni mommy this year. She didn't tell me what month basta i-handa ko nalang daw ang sarili ko.



And here I am enjoying the days with my friends dahil baka bukas eh ayun na pala ang araw na makakasama ko sila. Hindi ko din alam kung anong mangyayari kapag umalis ako dito pero syempre malulungkot sila dahil matagal-tagal pa kaming makaka-balik dito sa Pilipinas. Hindi ko alam...




Ilang months din ang nag-daan at medyo nahahalata ko na rin si Hugo sakanyang kilos sa'twing nakakasama ko sya. Minsan pinapagalitan nya ako ng hindi ko alam 'yung dahilan nya kapag nakikipag-asaran ako sa mga lalakeng classmate ko. Minsan naiinis nalang sya basta-basta kapag nakikita nya akong may kasamang ibang lalake.





Alam nyo 'yung para syang selosong boyfriend ko na magagalit kapag nakita nya akong may kasamang ibang lalake? Ayun 'yung ina-akto nya. Hindi naman sa naga-assume ako pero ayun 'yung nakikita ko eh. Tapos ang sweet-sweet nya pa saakin na akala mo may kami pero wala naman.





Hindi ko maintindihan pero sobrang maalaga nya saakin na akala mo asawa nya ako ganoon. Alam kong baka kaibigan lang ang tingin nya saakin pero 'yung actions nya sobra na 'yun para isipin kong may gusto sya saakin. Hindi sa naga-assume ako pero nakaka-halata na ako eh.




Magagalit sya saakin or mag-tatampo kapag hindi kami magka-tawag or magka-videocall. Ewan ko ba 'dun kung anong nangyari sakanya. Mukha syang baliw. Minsan kasi late ng umuuwi parents ko, siguro gusto nya lang akong samahan kasi wala akong kasama sa bahay. Pero mukha na kaming mag-jowa sa inaakto naming 'yun.






Syempre ako nakiki-sabay nalang ako kasi syempre crush ko 'yun. Mag-iinarte ka pa eh crush mo na 'yung niyaya kang mag-call kayo or facetime. Ayaw mo pa? Duh! Atsaka sinusulit ko na din 'yung mga araw na 'yun bago kami pumuntang Spain.




Tapos meron pa 'yung time na magagalit sya saakin kapag nakakalimutan ko syang i-text ng 'naka-uwi na ako' or 'good night' or 'good morning' ewan ko pero natatawa ako dahil sa ka-kyutan nya. Sobrang confuse ko rin dahil bakit hindi pa sya umaamin saakin? Ano 'yung mga inaakto nyang 'yun kapag wala syang gusto saakin diba?




Pero sure akong may gusto 'yun saakin. Wala syang karapatang magalit saakin kapag nakakalimutan ko syang i-text about sa buhay ko kung friends lang kami. Para na syang boyfriend ko. Oo na, sabihan nyo na akong assuming pero ayun talaga ang naiisip ko. May gusto sya saakin.




Syempre mas naging close din kami lalo ni Brennen. Para na kaming Lorelei at Clive sa sobrang closeness namin pero never na sumagi sa isipan ko na magka-gusto sakanya kasi hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya eh.





'Yung sinabi kong iiwasan ko si Hugo lalo at pipigilan ko na 'yung nararamdaman ko sakanya? Wala. Hindi natuloy kasi syempre marupok ako. Mas lalo nga akong nahulog sakanya, actually, nahulog na ako sakanya eh. Mas napamahal na ako sakanya.



Sa'twing umiiwas ako sya naman itong lalong lumalapit saakin na parang naka-kabit sya saakin. Para syang linta na sunod ng sunod saakin kapag iniiwasan ko sya. Meron pa 'yung mga araw din na nag-away na naman sila ni Brennen ng dahil saakin.





Nagalit sya saakin kasi patuloy kong tinatanggihan 'yung aya nyang gumawa ng homework sa library kasi kay Brennen na ako lagi sumasabay. Ayun nahuli nya kaming laging magka-sama sa umaga sinuntok nya. Bakit daw puro si Brennen lagi ang nakakasama ko. Iniiwasan ko daw ba sya ganyan-ganyan. Bakit ayaw ko daw sumabay sakanya tuwing umaga.




Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon