Chapter 27: Goodbye

79 6 1
                                    






Ashton Caesarea.


Napatingin ako kay Rei habang kumakain kami. Tahimik lang syang kumakain ng lunch nya but she's too aggressive eating. Sobrang kalat nya kumain kaya natawa ako ng mahina dahil sa daming kanin na nag-kalat sa paligid nya.


"What? Why are you laughing?" Tanong nya habang punong-puno pa ng pagkain ang bunganga nya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng to.




"Kalat mong kumain. Kung makakain ka parang hindi ka kumain ng ilang years." Natatawang saad ko sakanya. Napanguso naman syang tinignan ang kalat nya atsaka na rin natawa.




"Sorry, ganito lang talaga ako kapag gutom na gutom. Ganda na sana ng kain natin sa gym kung hindi lang 'dun sa pesteng Haskell na 'yun." Oh I see, Haskell ang pangalan ng Vage na 'yun.




Hanggang sa may naalala akong sinabi ng Haskell na 'yun. May nabanggit sya about kay Farrah at Connor? Hindi ko alam kung narinig din ni Rei 'yun pero may nasabi sya na, 'His grade 7 girlfriend rejected him.' and so on?





Hindi kaya dahil sa kahapon na pa-surprise ni Connor kay Farrah sa Camp Euphoria? Hindi naging successful 'yung surprise? Impossibleng ni-reject sya ni Farrah. They were so in love! I can see it in their eyes especially Connor. Bakit kaya? Anong nangyari?




"Hey, narinig mo ba 'yung sinabi ni Haskell? Na kaya nagkaka-ganun si Connor dahil ni-reject sya ni Farrah?" Tanong ko sakanya. Napanguso naman syang tumingin sa taas at inisip ang nangyari kanina.






Hanggang sa biglang nanlaki ang mata nyang tumingin saakin. "Oh my gosh! So ibig sabihin hindi naging successful 'yung surprise kahapon? Hindi sya sinagot ni Farrah?!"






Napabuntong-hininga ako atsaka nag-kibit balikat. I'm not sure kasi hindi ako naniniwalang ni-reject sya ni Farrah. That is just so impossible! Okay naman sila netong mga nakaraang araw eh. Ang sweet-sweet pa nga nila eh tapos ganun?





"Sabi sayo there's something wrong yesterday! Connor looks so sad and down at kaya siguro sya naki-sakay sa bus natin because the surprise didn't end well." Ani nya atsaka nya pa ako hinampas at kumain.





"I don't know. Hindi ako naniwala sayo agad kasi impossible na ni-reject sya ni Farrah. They were okay and sweet these past few days diba? I even saw them kissing tapos biglang ganun?"






"Bilisan mo nalang kumain dyan at pupuntahan natin 'yung tatlong unggoy! Kailangan nating malaman kasi baka maiiyak ako kapag totoo ngang hindi sila nagka-tuluyan!"






Ginawa ko ang sinabi nya. Pagka-tapos naming kumain ay nilinis ko na ang pinag-kainan namin. Pinulot ko na rin 'yung mga kanin na kalat ni Rei habang kumakain. Okay lang naman dahil ganito din ako minsan.






"Asan nga kayo?! Bakit ayaw mong sabihin?! Ganyanan pala 'ha?! May pa-secret-secret na kayo, eh kung sabihin ko kaya sayong may secret boyfriend ako?!" Gulat akong napatingin kay Rei dahil sa sinabi nya.






Ano daw?! May secret boyfriend sya?! Tapos hindi nya man lang sinabi saakin? Ayos naman! Halos one year na kaming mag-kaibigan tapos may tinatago pala sya saakin?! Kailan ba sya nagkaroon ng boyfriend?






"What? May boyfriend ka?!" Gulat kong tanong sakanya pero hindi nya ako pinansin bagkus ay tinalikuran nya ako.






Tignan mo naman talaga 'tong babaeng 'to napaka-bastos! Kinakausap tapos bigla akong tatalikuran?
"Andito sa cafeteria sa may bench!" Sigaw nya sa kausap atsaka na nya binaba at humarap saakin.





Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon