Chapter 14: I'll Stay

174 10 0
                                    





Ashton Caesarea.

Nandito kami ngayon ni Hugo sa library, gumagawa ng homework. Dumiretso kami agad dito ng nag-tanong saakin kanina si Hugo kung nagawa ko ba mga homeworks namin tapos sabi ko naman eh. Ginawa ko 'yung iba except lang 'yung science.


Eh paano ba naman kasi 'yan. Chemical equations 'yung homework namin 'dun. I tried my best answering some of the equations and luckily may nasagutan naman ako. Pero kaunti lang 'yung nasagutan ko. 'Yung mga madadali lang. Hehe.




Ilang ulit kaya ako kagabi para sagutan 'yan pero agad din lang akong sumuko kasi naman ang hirap 'nung iba eh. Tapos meron pa 'yung fill in the blanks na hindi ko naman alam kasi hindi naman namin napag-aralan 'yang Chemical Equations sa Valencia, Spain.




Alam kong sagutan 'yung madadali lang kasi tinuruan ako dati ni daddy about dyan tapos minsan nag-aaral din ako online para alam ko agad kung ano 'yung sunod na topic namin sa klase. Tapos nakalimutan ko na din 'yung iba kasi medyo matagal na din naman 'yun.




"Yun lang ba ang hindi mo nagawa? Chemistry?" Tanong saakin ni Hugo atsaka kami sabay na umupo dito sa may table sa loob ng library.



Agad naman akong tumango. "Oo. Though nasagutan ko na 'yung iba 'dun. 'Yung madali lang pero." Ani ko atsaka ako tumawa.



Ngumiti naman syang nilabas ang mga gamit nya at ganun din ang ginawa ko. I tilted my head when I saw him opening his notebook for our history class. Hindi nya ba nagawa homework namin 'dun?



"Hindi mo din nagawa work mo?" He glanced at me then nodded.


"Hmm-mm, history..." Sagot nya sabay tingin ulit saakin. "I'm just gonna answer this, okay? Don't be shy to ask me if you're having a hard time answering that. Hmm?"



Ngumiti naman akong agad na tumango. Kahit na sabihin nyang wag ako mahiya 'e nahihiya parin naman ako. Gusto ko sanang sabihin sakanya na tulungan na nya ako kasi halos sumabog utak ko kaka-sagot dito kagabi.




Pero wag muna akong padalos-dalos kasi may ginagawa sya. Alangan naman sabihin kong tulungan na nya ako eh wala pa syang nasusulat ni-isa sa homework namin sa history. I'll just wait him finish up his work first before ask him to help me do this chemical equations shit.



Nakatingin lang ako sakanya habang seryoso syang sinasagutan ang homework namin. Hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako habang nakatitig sakanya. 'Yung pilik-mata nyang ang kapal na ang haba, gandang i-curl eh. Tapos 'yung labi nyang medyo full lips na mapula-pula na parang naka-liptint.



Grr. Ang pogi.



Agad akong nag-iwas ng tingin ng bigla syang napatingin saakin. Nag-kunwari nalang akong nagsasagot habang nakanguso pa ako. I tried solving the problem inside of my head pero hindi ko talaga makuha 'yung sagot. Argh!




And then Hugo suddenly chuckled kaya napatingin ako sakanya. "Here. Don't just solve it in your head. You need a extra paper." Ani nya atsaka nya ako nilapagan ng papel sa harap ko.




"Focus, Ash..." He said then smirked.




Palihim akong umirap. Paano naman ako makaka-focus kung gan'tong ka-gwapo ang nasa harapan ko? My gosh. I feel like he is beside me, staring at me or staring at what would I answer for the equations. Nakakahiya kapag nakita nyang mali 'yung isasagot ko.




Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon