Chapter 10: Promise

172 10 59
                                    





Ashton Caesarea.

Papunta na kami ngayong Cypress at nahatid na din namin si Altaire sa school nya. Wala parin kaming imikan hanggang ngayon at hindi ko din maintindihan kung bakit hindi nya ako pinapansin eh ang alam ko wala akong ginagawang masama sakanya.


Basta ang alam ko lang na kinaka-galit nya ay 'yung pag-sama ko o pag-tutulong ko kay Brennen sa homework namin. Ayun lang ang alam ko dahil nga malaki ang galit ni Hugo sakanya sa 'di ko malamang dahilan. Tatanungin ko pa si Rei tungkol dyan dahil alam kong may alam 'yun.




Dakilang tsismosa 'yun eh. Baka pati lovestory ng principal namin eh alam nya.



Kung hindi nya ako papansinin edi wag. Bahala sya dyan. Ako pa ngayon ang may kasalanan eh nagmamagandang loob lang naman ako diba? Wala namang masama doon. Hindi purke crush ko 'yan eh papansinin ko sya. Kung ayaw nya akong kausapin. Edi wag. Manigas sya dyan.



Nag-cellphone nalang ako dito at sya naman itong naka-kunot ang noo na nakatingin lang sa labas habang ang siko nya ay nakapatong sa may bintana at ang nakasara nyang kamao ay nasa pisnge nya. Kulang nalang suntukin nya mukha nya dahil sa inis.



Bakit ba kasi sya nagagalit saakin?! Napaka-timang naman ng lalakeng 'to. Hindi pa nga kami tapos nagkaka-ganito na sya. Paano nalang kaya kapag naging kami na? Baka palayasin na ako sa bahay kung sakali. Baka hiwalayan nya din ako kahit na sobrang babaw ng dahilan. Letseng 'yan.



Pag-dating namin sa Cypress ay agad na akong bumaba ng bigla na din syang bumaba. Nakita kong tatawid na sya kaya naman akong lumapit sakanya. Teka? Hindi ba sya kakain? Eh paano 'yan? I skipped my breakfast kasi ang alam ko kakain kami sa Tapsilogan?



"Hugo," Pagtatawag ko sakanya. Akala ko hindi nya ako papansinin pero napa-lingon sya saakin sabay taas ng kanan nyang kilay.



"H-hindi ka ba kakain?" Wow 'ha? Asan na 'yung hindi mo sya papansinin Ashton? Asan na 'yung sinasabi mong manigas dapat sya dyan kapag hindi mo sya pinansin?



Pero nagugutom na talaga ako!


Umiling naman sya bilang sagot. "I have to do something important in the library." Sagot nya at nahulog naman ang balikat ko.



So hindi kami sasabay kakain! Hmp!


"Pero nagugutom ako. Pwede mo ba akong samahan muna? Promise, bibilisan ko ang pagkain ko. Wala akong kasama eh," Ani ko atsaka ngumuso na nagpa-cute pa na sana pumayag sya.



Pero kita ko ang pag-angat ng dibdib nya na parang huminga sya ng malalim atsaka sya lumapit saakin. Kinuha nya ang phone nya at may tinawagan.


"Where are you?" Tanong nya sa kausap nya sa phone nya habang nakatingin saakin.


Hindi ko marinig kung anong sagot 'nung kausap nya at hindi ko din alam kung sino 'yun dahil wala akong pake. Gutom na ako, gusto kong kumain. Binaba na nya ang phone nya at nilagay sa bulsa nya.


Tumingin sya sa likod ko. "They're here. Sakanila ka nalang sumabay. I really have to do something, this can't wait. Bawi ako sayo, pangako 'yan." Ani nya atsaka nya tinanggal ang tangkay ng buhok ko na dumikit sa labi ko.



Tumingin ako sa likod ko at napangiwi ako ng makita ko ang dalawang epal na magka-akbay sa isa't-isa na malawak ang ngising palapit saamin.



"Kayo na ang bahala kay Ashton. May gagawin lang akong importante. Make sure that she'll eat 'ha?" Pagpa-paalala ni Hugo sakanila.



Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon