Chapter 11: Protect

32 1 0
                                    


A/N: Sorry, need to add this.


***


Third Person.


Habang naglalaro si Connor ay puro hiyawan ang naririnig sa buong basketball court. Todo naman ang suporta ni Ashton sa kaibigan niya at minsan pa ay tumatalon pa 'to at winawagayway ang kamay sa ere at sinisigaw ang pangalan ni Connor.

May party kasing magaganap sa bahay nila Rashana at Bryelle, Reunion Party. Pero may laro naman si Connor ng basketball at magiging isa siyang representative ng Phaxton laban sa Westville. Ganito ang laging ginagawa ni Connor tuwing uuwi sila ng Las Pinas. Makiki-laro sa side ng Phaxton kahit na hindi naman siya nag-aaral doon but he still felt that he is because that is where his parents studied.

Minsan-minsan namang napapatingin si Connor sa gawi ni Ashton para bigyan ito ng magandang ngiti at kapag nakaka-shoot siya ay bigla siya nitong kikindatan na kina-tawa naman ng mahina ni Ashton.

Si Hugo naman 'tong naka-upo lang at nakasimangot dahil sa naririndi sya sa kasama niyang grabe makasigaw sa pangalan ni Connor at isama mo na din ang mga kababaihang nasa likudan nila na sinisigaw din ng pangalan nya. Ayaw na ayaw niya sa mga ganito lalo na sa maiingay dahil naririndi siya but he had no choice but to support his friend.

Hanggang sa mapagod naman si Ashton sa pagtalon at pag-sisigaw sa pangalan ni Connor. Baka mapaos pa siya kaya umupo muna siya. Hindi kasi siya makanood ng maayos kasi nakatayo sa harapan nila ang mga cheerleaders. Hindi din siya matangkad para maka-panood.

"Nakakapagod naman palang sumigaw at tumalon." Napabuntong-hininga si Ashton atsaka siya tumingin 'kay Hugo na nakatitig ng diretso sa kung saan na hindi malaman ni Ashton.

Napakunot-noo naman si Ashton. 'Saan naman ito nakatitig eh nakaharang nga ang mga cheerleaders sa harapan namin. So saan siya nakatitig?'

Dahil nga nacu-curious si Ashton ay tinignan nya ang tinitigan ni Hugo at halos lumuwa na ang eyeballs nya dahil sa tinitigan ni Hugo ng diretso. Hindi niya alam kung doon nga ba nakatitig si Hugo or baka nakatunganga lang at hindi niya napansin na nakatingin na siya sa pwetan ng isang cheerleader.


'Such a pervert!' Sigaw niya sa isipan nya atsaka siya tumikhim para kunin ang atensyon ni Hugo.


"Eyes up here, Mr. Hugo." Sarcastic na saad nya atsaka siya ngumisi. Hindi naman nakinig si Hugo kaya agad niyang siniko ang binata. Napangiti naman siya ng lumingon na ang binata sakaniya. "What?"

"What do you mean, what? Are you eye-rapping that cheerleader in front of us?" Madiing tanong niya atsaka niya ito pinandilatan. Hugo just stared at her and Ashton doesn't have any idea what Hugo is thinking. "Ano? I clearly saw you! Titig na titig ka doon sa pwe—"

Hugo scoffed at mas lalo lang napasimangot sa narinig niya galing 'kay Ashton. "So, you think of me as a pervert now?"

"Yeah? Excuse me! Halatang-halata ka kaya. That's why you stop pretending to be ugly in school kasi nagugustuhan mo na ang atensyon ng girls, ganoon ba?" Napahawak sa bibig si Ashton atsaka bahagyang napa-iling.

Halos 4 months na silang magka-klase ni Hugo. Pansin niya ang daming pagbabago ni Hugo lalo na sa buong appearance niya. Nagsimula na siyang mag-damit ng maayos, he now looks presentable whenever he's going to school, uniform looks clean and neat as well as his hair na dati lang ay nagsusuot siya ng wig pero ngayon. Napansin niyang minsan-minsan nalang niya ssinusuot ang wig niya that made Ashton confused.

Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon