Chapter 17: Umbrella

144 8 204
                                    




Ashton Caesarea.

"Anak, nag-text ba sayo si Hugo?" Tinignan ko naman si daddy sa salamin at nag-taka sa tanong nya. Inaayos ko ang buhok ko at bigla syang pumasok sa kwarto ko.



"Hmm, what for dad?"



"Oh. Hindi nya ba sinabi sayo na sasabay sya sayo papuntang Cypress?" And this time humarap na ako kay daddy dahil sa sinabi nya. Wait what? Si Hugo sasabay saakin papasok sa school? What's gotten into him?




"No..."





Tinagilid ko ang ulo kong humarap muli sa salamin dahil hindi pa ako tapos mag-ayos ng buhok. Ano namang nakain ng lalakeng 'yun at sasabay sya saakin? Baka naman may sakit 'yung driver nila o ibang rason kung bakit sya sasabay saakin.





Aish basta! Whatever the reason is basta hindi kabilang 'yun doon 'yung kaya sya makiki-sabay saakin dahil gusto nya akong maka-sama or baka iniisip nya na galit pa ako sakanya at baka bumabawi lang. Napa-buntong hininga ako sa iniisip ko. Ano ba naman 'yan Ashton naga-assume ka na naman eh! Nakakainis naman.





"Her mom texted me that they're on their way here so dalian mong mag-ayos dyan, honey." Singit naman ni mommy at tumango nalang ako atsaka na sila umalis sa kwarto ko dahil para na rin siguro hintayin sila Hugo sa labas.





Pagka-tapos kong mag-ayos ay kinuha ko na ang gamit ko lahat-lahat. Bago ako lumabas ng kwarto ko ay humarap muna ako sa salamin para tignan muli ang mukha ko at baka nagulo na naman ang buhok ko dahil lang sa simpleng galaw. Kailangan kasi maganda ako sa harapan ni Hugo para naman maisip nya na masyado akong maganda para magustuhan ko sya.





Pero masyado naman syang gwapo para magustuhan nya ako. Pero bagay naman kami dahil pareho kaming maganda at gwapo. Big time magiging anak namin. Atsaka hindi naman ako nage-expect na magustuhan nya ako pero normal lang naman siguro 'yung bigla-bigla kang maga-assume diba? Kasi hindi mo maiiwasan 'yun eh...





Pagkarating ko sa labas ay sakto lang na kakadating nila Hugo. Agad akong napatingin sakanya na tinutulangan maka-baba ang kapatid nya. Pagkatapos nyang kunin lahat ng gamit nila sa loob ng kotse nila ay walang alinlangan syang tumingin sa gawi ko kaya agad naman akong umiwas ng tingin.





"Pasensya na talaga 'ha? Ka-kailanganin lang talaga namin ng driver kaya hindi namin sila mai-hahatid." Saad naman ni Tita Kendra. Ah kaya pala. Ayun naman pala eh. Kailangan nila ng driver kaya hindi sila mai-hahatid ng driver nila.





"Dumiretso nalang sana kayo para i-hatid sila. Hindi ba kaya?" Tanong naman ni mommy at napanguso naman si Tita Kendra na umiling.





"We have an important meeting today at baka madatnan kami ng traffic." Saad naman ni Tito Jayden at napatango-tango naman sila mommy at daddy.





"Oo nga naman.." Saad naman ni daddy.





"Zaiden, wag mo kakalimutang kausapin teacher ni Cleo. Gusto daw ako maka-usap pero wala naman akong time kaya ikaw nalang." Pagpapa-alala ng mommy nya sakanya at ngumiti naman si Hugo na tumango.





"Yap, I will mom. Take care. May magsu-sundo ba saamin mamaya?" Tanong ni Hugo at nagka-tinginan naman ang mag-asawang Layton atsaka tumingin sa panganay nila.





"We're not sure, magte-text nalang kami sayo mamaya." Sagot naman ng daddy nya at tumingin naman si Hugo sa kapatid nyang si Altaire.





Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon