Chapter 22: Kiss

106 4 108
                                    




Ashton Caesarea.


Lunch time na. 'Yung ibang kaklase namin ay lumabas na pero nandito parin ako sa room kinakausap mga ka-grupo ko. We are now planning what are we doing to our project and what kind of art should we do. I suggested Renaissance Art or Realism. Anything works fine to me since I'm good at Art.





Majority of my members chose Renaissance Art so ayun na ang ginawa namin. I'm glad that I have two members who knows how to draw and paint like me. Para hindi din ako mahirapan at sublatan nalang kami. I'll start the art and then kahit na sino na sakanila ang sumunod.





I have an art materials at home pero hindi 'yun sapat sa gagamitin namin. Kulang 'yun and I want this art or project to be perfect. Ayoko ng pangit or lack of effort lalo na't ang pipiliin daw ng Art Teacher na project namin eh ipo-post sa dingding ng school. Yung mananalo eh ilalagay daw sa museum.






So, naisip ko na gusto kong gawing perpekto ang project na 'to lalo na't ilalagay sa Art Museum ang mananalo at pinaka-maganda. Bruh, this is my and our chance now to show to people what we made at kung ano pinag-hirapan namin. Madaming makaka-kita sa mananalo lalo na't sikat na museum ang napili nila.





Base sa narinig ko sa grupo ni Rei na ang may-ari ng Art Museum na 'yun ay pamilya ni Artfael. Mayaman pala 'yung lalakeng 'yun eh. That museum is the most popular and best sellers in Asia especially in Spain! Tatlong arts lang nabili ko 'dun dahil ang mamahal ng benta nila. Like literally their arts are the best. I don't know who made them though.






"Ashy. Tara na." Pagyayaya saakin ni Rei. I smiled at her and signal her to wait outside.



"This will be quick. I just have to talk to my mates." Tumango naman sya atsaka kinuha ang gamit nyang lumabas na. Hinarap ko ang mga ka-grupo ko at nakatingin lang saakin ang dalawang babae na hinihintay ang sasabihin ko.



While Brennen is using his phone—texting someone. Tapos si Macen naman ay masama ang tingin saakin na parang pinapatay na nya ako sa isipan nya. I just rolled my eyes at him and I cleared throat.




"Okay. So, ako nalang ang bibili ng materials tapos sisimulan na natin bukas 'yung project. Since sila Brennen at Macen ay hindi alam mag-drawing or painting. Tayong tatlo nalang ang magsa-salit-salitan sa pag-gawa netong project na 'to. Okay lang ba sainyo, girls?" Tanong ko sakanila at ngumiti naman silang tumango.




"Can I go now?" Iritadong tanong ni Macen na hindi mapakali na kanina pa nakatingin sa mga kaibigan nyang tumatawa sa labas. Eto talagang punyetang 'to hindi makapag-hintay.



"I'm not done talking."



"Then make it fast!" Madiing saad nya atsaka nya ako inirapan. Napanganga ako sa inasta nya saakin. Mukhang pinipigilan nyang sigawan ako. Ano ba kasing problema neto at atat na atat ng umalis? Madami pa namang oras para sa lunch.




"Can you be more patient? I'm doing this for our grade so please be cooperative." Madiing saad ko din sakanya. His jaw clenched atsaka nya kinuha ang bag nya. Hindi ako takot sakanya 'no. Duh! Kaya ko nga din syang suntukin eh.




"Well. Gotta run, leader. Kahit anong gawin mo hindi ako tutulong at wala kayong maaasahan saakin. Losers." Mapang-asar na saad nya and he stick his tongue out while giving us the L sign gamit ang daliri nya.



"Macen—wait—" Huli na ang lahat dahil tumakbo na sya palabas at nag-hiyawan ang grupo nya sa hallway. Napabuntong-hininga akong umirap at tumingin sa mga ka-grupo.



Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon