Chapter 21: With Me

122 6 100
                                    





Ashton Caesarea.



It's been a week since Hugo gave me that necklace, he told me that it's his promise necklace for me. I have no idea what he's saying and what promise he's gonna fulfilled. Basta ang sabi nya lang saakin eh gagawin nya 'yung promise nya saakin which is hindi ko alam dahil hindi naman nya nabanggit saakin.








I asked him what promise and he just told me to wait because he will tell me soon. He's just not that ready to tell me about that at tumango nalang ako, saying yes that I'm willing to wait. I never take this necklace off pwera nalang kapag maliligo ako dahil ayoko 'yun masira. This is important to me dahil galing 'to sa importanteng tao sa buhay ko which is—Hugo.








Like girl! Crush mo na nga nag-bigay ng necklace sayo as his promise necklace for you tapos tatanggalin mo pa? Paano nalang kapag nawala mo diba? Edi end of the world na. Nawala mo 'yung isang bagay na bigay sayo ng crush mo. Besides this is the first gift that Hugo gave me and I'm so thankful to him because this is a blessing.








Gosh! Basta bigay ni Hugo blessing na agad 'yun!





Though these past few weeks was confusing the hell out of me. Hugo is confusing me by his actions because day by day nagiging sweet sya lalo. It's not that I'm assuming that maybe he like me pero 'yung actions nya para na syang nanliligaw saakin which is confusing me. Gusto nya ba ako?











I don't want to get into a conclusion that is only my imagination because I don't want to get hurt. I can't handle the pain if one day I can be able to confess my true feelings for Hugo and what if our feelings aren't mutual. Fuck! That will break my heart. I can imagine myself hurting more and I know that's toxic but that's the way I move on and heal fast. That's so dumb and immature, I know and I'm sorry for being that person.








Atsaka kami din ni Brennen ay mas lalong naging close ngayong nakaraang araw dahil lagi nya akong niyayang gumawa ng homework sa library tuwing umaga. Minsan nag-uunahan sila ni Hugo at sumasama nalang ako kung sinong mauunang magyayaya saakin eh 'dun ako.





Mabait naman si Brennen at walang masamang intensyon saakin. He's a joker pero lagi naman syang nagsasabi ng sweet words. Like everyday may pick-up line sya saakin na lagi ko naman ng naririnig but I just go with the flow.








Ngayon kasama ko si Brennen dahil sya ang naunang yumaya saakin and wala din akong natanggap na mensahe galing kay Hugo and I wonder why... pero baka natapos nya na lahat ng homework nya. Pero dati kahit na tapos na sya sa homework nya eh sinasamahan nya parin ako sa library at tinutulungan pero ngayon bakit wala syang yaya? That's odd.








Minsan iniiwasan ko din si Hugo dahil nga may nararamdaman na akong iba na parang mas lalo akong nahuhulog sakanya which is scary. Pero the more I'm staying away from him, sya naman itong lalong lumalapit saakin at naiinis ako na parang gusto ko din na patuloy syang lumalapit saakin. Ewan ko! Naiiyak na ako...








"Tapos meron pa 'yong kahapon. Hanap ng hanap 'yung pinsan ko sa isa nyang airpod tapos ang hindi nya alam nasa kanan nyang tainga, halos sampung minuto pa syang nag-hanap. Ang tanga." Natawa naman ako sa kuwento nya. Hindi nya ba naramdaman 'yun?





"Grabe naman 'yan. Hindi nya man lang naramdaman? Naka-patay ba 'yung sounds nya?" Natatawa kong tanong sakanya at agad naman syang umiling habang inaayos ang buhok nyang nagulo dahil humangin ng malakas.





"Sumasayaw kasi sya. Gfriend daw tapos nahulog 'yung airpods nya. Ang akala nya eh nahulog 'yung dalawa pero ang totoo isa lang nahulog. Halos maiyak pa sya ng hindi nya mahanap." Mas lalo akong natawa sa sinabi nya dahil naalala ko 'yung panahong hinanap ko 'yung singsing ko eh nasa kamay ko lang pala. Muntik na akong maiyak.





Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon