Chapter 54: Yours

78 1 0
                                    



Ashton Caesarea.

After our honeymoon, our friends came here to also have fun. Gusto din daw nilang mag-swimming kaya pumunta sila dito after spending my time mostly with Hugo here in Pugad. We don't mind that our friends are here because they know what to do and not for us who just got married.

Alam naman nila ang gagawin nila dito. Magsasaya lang at magra-rambulan. Hindi din naman nakakasawa dito sa resort na'to dahil madami kang mapupuntahan at matr-try na mga rides. Most of them I hate. Okay na ako sa swimming pool at sa kubo keysa mamatay diyan kaka-sigaw.

"Hello newly weds! How's the honeymoon?" Bungad saamin agad ni Art na malawak ang ngisi.

"Itong asungot na 'to hindi matikom ang bibig eh! Bakit mo pa tatanungin 'yan eh obvious naman na ang sagot?! Malamang na nag-enjoy sila. Gilipollas." Pagsisigaw naman agad ni Leigh na halatang wala sa mood.

"Oh. Bakit mo naman ako inaaway? Kanina ka pa sa byahe. Cual es tu problema conmigo?" Kunot-noong sagot naman pabalik ni Art.

"Wow! Mali ata na tanungin mo saakin 'yan. Mucho! Hindi ko na mabilang dahil madaming problema sayo!" Sigaw ulit ni Leigh sakaniya. Nagkatinginan nalang kaming lahat atsaka muna lumayo sakanila.

Hinayaan nalang namin silang mag-away sa gilid dahil maya-maya magbabati din lang 'yang dalawang 'yan. "So, is it okay that we're here? Hindi kami nakaka-abala?"

"Of course not. You guys can go ahead and have fun with us." Nakangiting saad naman ni Hugo sakanila, assuring them that it's fine. May pupuntahan din naman kami ni Hugo kaya maso-solo ko siya kaya okay lang din na nandito silang mang-gugulo.

"Thank you bro. Might as well go to my room because I'm really tired." Saad naman ni Cayden atsaka na naglakad habang sumisipol na halatang nakatingin sa mga babae. Umiling nalang ako, abogado ba talaga 'to?

"Mabuti naman at naka-punta ka Vasper." May mapanlokong tono ang boses ni Hugo na tumingin sa kaibigan niyang nakasumbrero at sunglass.

"Psh."

Nagtawanan silang lahat dahil sa lumabas sa bibig niya. "Naku! Kung alam mo lang kung paano kami nagmukhang desperada na pilitin siyang pumunta. Lahat-lahat na kami pinilit siya pero ayaw. Tapos ito lang pala sagot para mapapayag siya." Hinila ni Rei si Kate na nakasimangot din.

"What do you mean para mapapayag siya?" Tanong ko naman. May hindi ba ako alam sa pagitan nilang dalawa?

"Ayokong namimilit eh. Kung ayaw sumama, h'wag ng pilitin. Alam niyo namang napaka-kill joy niyang kaibigan niyo!" Inis na saad naman niya atsaka na nag-martsa palayo saamin.

"Nag-away kasi sila." Bulong naman saakin ni Sariah atsaka hinila ang bagahe ni Kate na sinundan din siya. Natawa nalang ako ng mahina atsaka umiling.

Ano pa bang maaasahan mo sa dalawang 'yan, talagang mag-aaway 'yan kapag silang dalawa lang.

"Bro! I love you for inviting me here! Yehaaw! Tara, ligo na agad!" Halatang excited na excited si Carver na maligo na parang hindi naliligo ng isang linggo.

"Ikaw nalang mukhang mas kailangan mo kasi." Pang-aasar naman ni Rei sakaniya. Carver's smile dropped and put his hand on his waist while staring at Rei.

"Aba-aba."

"Sus totoo naman sinabi niya. Hindi ka naligo kahapon pa."

"Oo na Clive! H'wag mo ng ulitin. Aware ako sa amoy ko!" Sinaman ng tingin ni Carver ang dalawa bago umalis kaya nagtawanan naman kami.

Napangiti ako agad ng makita si Becca na tahimik na nagce-cellphone sa likod. She told me she's not going but here she goes, nagpa-pabebe na naman.

Built for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon