Still Heavishly Mae Carion's POV.
Andito kami ngayon sa loob ng room ni bunso dito sa hospital buti nalang lumaban siya kanina. Napatulo na naman ang luha ko di ko kayang mawala pa siya samin kahapon nga lang siya dumating samin tas ito pa ang nangyari.
Sabi ng doctor comatose daw siya dahil maraming dugo ang nawala sa kanya at andami ding nabali sa katawan niya pero Sabi ng doctor may chance naman daw na makalakad siya.
Ako lang ang nandito umalis sina mom alam kong pagbabayadin nila ang gumawa nito kay bunso. Tinawagan ko din kanina sina kuya, triplets sila at katulad ng reaction ni dad galit na galit din sila at sabi din nila bakit daw di agad namin sinabi sa kanila na nakita na pala namin si bunso-- sabi nila uuwi agad sila ngayon.
Asher Shun Carion's POV. (Dad nila Hell)
Nandito na kami ng asawa ko sa torture room at andito lahat ng gumawa nun kay princess tatlong babae at dalawang lalaki napatay na kasi ni Mae ang isa kanina. Pinabagsak na din namin ang mga negosyo ng pamilya nila.
Tiningnan ko naman ang asawa ko na walang emosyong nakatingin sa kanila. tumingin naman siya sakin na parang humihingi ng permiso tumango nalang ako bago siya hinalikan sa noo.
Lumapit naman siya sa lima na nakaupo habang nakagapos sininyasan niya ang mga tauhan ko na gisingin ang lima sabay sabay naman silang binuhusan ng malamig na tubig ng mga tauhan ko.
"Nasan ako? sino kayo? pakawalan niyo ako dito," nagpanic na din ang iba pa niyang kasamahan.
"Tahimik!" bigla naman silang napatigil ng sumigaw ang asawa ko.
"M-mrs Carion a-anong g-gagawin n-niyo s-samin wala kaming kasalanan sa inyo!" Sigaw ng isang babae kita naman ang takot sa mata niya nagtatapang tapangan pa.
"Samin wala pero sa anak namin malaki! malaking malaki," may diin at malamig na sabi ng asawa ko prente lang akong nakaupo sa gilid habang nakatingin sa kanila di naman ako nakikita ng lima dahil sa madilim dito sa parteng inuupuan ko.
"Ibitay ang mga yan," utos ng asawa ko nanlaki naman ang mata ng lima at nagsisigaw ang OA nila wala pa nga eh tsk.
Agad na kumilos ang tauhan ko at tinalian sila isa isa sa kamay bago ibitay. Ang kamay nila nasa ibabaw buti nga naawa ang asawa ko hindi ang leeg nila ang tinalian tsk tsk.
"Akin na," bigla naman agad binigay ng tauhan ko ang isang latigo takot na takot namang nakatingin ang lima sa latigong hawak ng asawa ko.
"Pakawalan niyo kami dito ano ba talagang problema niyo wala kaming ginawa sa inyo!" napangisi naman ng malademonyo ang asawa ko.
"Wala? Naalala niyo? Yung nerd na palagi niyong binubully at BINUBOG kani- kanina lang!" Nanlaki naman ang mata nung babaeng sumigaw kanina.

BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romansa-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...