Chapter 30

41 2 0
                                        

Chapter 30
Hellishly Kaye Carion's POV
Huminto naman ako at nilingon siya. Ay taray tinaasan pa ako ng kilay eh peke naman burahin ko kaya yon tsk.

"Stupid. Malamang lalabas diba sabi mo get out, Teacher kapa naman pero tanga"Ani ko sa kanya. Mas lalo namang umusok ang ilong niya.

"DETENTION NOW!" Sigaw nito na parang puputok na ang ugat sa leeg. Inirapan ko nalang siya at nagsimula ng lumakad papuntang likod ng school duhhhh anong akala niya sakin pupunta talaga sa detention tsk.  

Pagkadating ko sa likod ng school umupo agad ako sa ilalim ng puno. Dito nalang ako tahimik pa tsk matutulog nalang ako. Pipikit na sana ang mata ko ng may biglang nahulog na saging teka saging? Puno ng mangga kaya ang punong toh.

Agad namang umangat ang tingin ko at tiningnan ang taas ng puno. At ayun may nakita akong unggoy na kumakain ng saging=_= bigla naman itong tumalon pababa.

"Oh ms ganda andito ka ulit,"Nakangising sabi nito sakin. Teka naalala ko siya yong nakasex ni Airah na pinuntahan ko din dito. Pagkakataon ko ng magtanong.

"Anong alam mo kay Airah?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Hahaha oh cold kana kung magsalita. Nga pala ang alam ko tungkol sa kanya? Marami pero di ko sasabihin,"Nakangisi niya pa ding saad pero makikita mo sa mata niya ang galit. Bago umakyat ulit sa puno.

"Magtulungan tayo! Alam kong galit ka din sa kanya at nakikita ko 'yon sa mga mata mo,"Malamig na saad ko. Ang nakangisi niyang mukha napalitan ng walang emosyon.

"Di mo kilala kong sino ang kinakausap mo,"Walang emosyon niyang asik sakin.

"Then magpakilala ka,"Walang emosyon ko ding saad sa kanya. Nakipagtitigan pa siya sakin pero di ako nagpatalo hanggang sa siya na ang umiwas at tumawa with matching palakpak pa.

"Alright tama ako iba ka sa kanila, sige makikipagtulungan ako sayo pero wag tayo mag usap dito delikado,"Ani niya habang nililibot ang tingin. Kanina ko pa din nararamdaman na may nakatingin samin. Maya maya nawala na yong presensya 'nong sinabi siguro ni Mr unknown guy na delikado umalis na siya.

"Sige magkita tayo mamaya 6:30pm sa bahay ng kaibigan ko ito ang adress,"Ani ko bago binigay ang papel kong saan nakasulat ang adress ng bahay nina Liah. Bumaba naman ulit siya at kinuha ang papel.

"Btw ako nga pala si Dark,"Pakilala niya bago naglahad ng kamay. Agad ko namang tinanggap toh.

"Kaye,"Ani ko tumango nalang siya. At binitiwan na ang kamay ko.

"Kringggg!" "Kringggg!" "Kringgggg!"

"Sige una na ako baka hinahanap na ako ng bf ko,"Paalam ko sa kanya.At nagsimula ng lumakad.

"Sige see you mamaya!"Pasigaw na sabi niya. Kumaway nalang ako habang nakatalikod sa kanya. Lakad takbo naman ang ginawa ko dahil baka inaantay na ako ni Hideo sa room.

Malayo pa lang ako nakita ko na sina Hideo at Liah na nasa harap ng pinto nag uusap. At teka bakit parang ang dilim ng mukha ni Hideo at may hawak siya na litrato?kanino naman 'yon? Agad akong tumakbo palapit sa kanila.

"Babe kanina ka pa ba?"Agad na tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako gamit ang walang emosyong mata pero nabigla ako ng may isang butil ng luha ang tumulo sa mata niya.

"Babe totoo bang niloloko mo ako?" Tanong niya sakin na kinatakha ko.

"niloloko?" Naguguluhang tanong ko. Inabot niya naman sakin ang mga litrato na kanina niya pa hawak. Pagkakita ko gusto kong matawa hahaha tama nga ako may kumuha ng litrato samin ni Dark kanina.

At tama kayo kami nga di Dark ang nasa litrato halata namang nag uusap lang kami psh. Nilingon ko naman si Hideo na sunod sunod na tumulo ang luha. Agad akong lumapit sa kanya at pinahidan ang luha niya bago siya matamang hinalikan sa labi.

"Di kita niloloko okay? Itong lalaki na kasama ko sa litrato ito ang magiging kakampi natin sa pagpapabagsak kena Airah tyaka halata namang nag uusap lang kami diba? At nga pala pupunta siya mamaya sa bahay nina Liah para makapag usap daw kami ng walang nakakarinig total naman diba konti lang naman ang mga kapitbahay nina Liah,"Ani ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya. Agad namang siyang sumimangot bago ako niyakap.

"Akala ko talaga niloloko mo ako," Ani niya na kinatawa ko.

"Sabi ko naman sayo diba di ko magagawa 'yon kasi ikaw lang ang mahal ko."

"Aray naman andaming langgam ano ba yan,"Reklamo ni Liah habang nakatingin samin. Sabay naman kaming napatawa ni Hideo bago kumalas ng yakap.

"Don't worry Liah irereto ko sayo si Dark,"Nakangising wika ko.

"Sino naman si Dark?"Malamig na tanong ni Hideo.

"Babe siya 'yong lalaki na tinutukoy ko sa litrato kaya relax okay mas gwapo ka sa kanya,"Napatango tango naman siya bago pinulupot ang kamay sa bewang ko.

"Gwapo ba?"Nangiting wika ni Liah kaya napangiti naman ako at tumango tango.

"Bagay nga kayo eh yieeeee," Ani ko. At kumindat pa sa kanya.

"Tama na muna yan tara na sa cafeteria nagugutom na ako,"Biglang singit ni Hideo my labs hahaha.

At 'yon nga lumakad na kami papuntang cafeteria. Wala ng estudyante na pakalat kalat at panigurado na nasa cafeteria na lahat. Nang makadating kami sa cafeteria at agad kaming pumasok as usual puro panlalait na naman ang sinasabi nila samin.

Di nalang namin pinansin at pumunta sa counter para mag-order. Pagkatapos naming mag-order agad kaming naghanap ng pwesto. May nakita naman kami sa likod kaya napagdesisyonan namin na dun nalang umupo.

Pagkaupo namin agad na kaming kumain hahaha gutom din ako noh bakit ba. Maya maya may naramdaman na naman akong malamig sa ulo ko. Ito na naman baka gusto niya ulit makatikim ng suntok. Nilingon ko naman si Farah at ang bruha nakangisi lang paduguin ko kaya nguso nito.Tatayo na sana sina Liah ng sumenyas akong ako na.Tumayo na ako at tiningnan siya gamit ang walang emosyon na mukha.

"Ano na naman ba problema mo Farah,"Cold tanong ko sa kanya.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon