Chapter 25

36 3 0
                                        


Hellishly Kaye Carion's POV 
Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay sa paligid. Minulat ko ang mga mata ko at tumampad sakin ang puting kisame napatingin naman ako sa taong nakahawak sa kamay ko.


Napangiti nalang ako ng makita ko ang taong mahal ko na natutulog habang hawak ang isang kamay ko. Pero bigla nalang napawi ang tingin ko ng makita ko ang mga pasa niya at maalala ang ginawa ko kena kuya.


Napahagulgol naman ako kaya nagising si Hideo pati na din ang mga tao sa paligid. Bakit ko ba nagawa yon di ko sinasadyang saktan sila humahagulgol na ani ko. Bigla naman akong niyakap ni Hideo.


"Sshhhh babe tahan na," Pag aalo sakin ni Hideo. Paulit ulit akong umiling iling.


"B-babe di ko sinasadyang saktan sila kuya," Umiiyak na ani ko.


"Bunso kang kasalanan okay? Kong di naman dahil sa needle di ka mawawala sa sarili," Asik naman ni Ate na kinatigil ko sa pag iyak.


"Ate anong needle?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"May nakitang needle na nakabaon sa braso mo babe at may gamot pala yon na kong ituturok sayo magiging agresibo ka yong gusto mo lang manakit ng tao yong parang di ka titigil hanggat hindi sila namamatay. Babe alam mo ba kong sino nagtapos sa braso mo ng needle?" Ani ni Hideo. Naalala ko yong biglang may tinapon si Farah sakin kasabay nun ang pagsakit ng braso ko. Umiling iling naman ako sa tanong ni Hideo. Ayoko na ng gulo alam kong susugurin na naman nila si Farah pagsinabi ko.


"Hindi ko alam babe eh di ko din naman kasi napansin,"Pagsisinungaling ko. Tinitigan niya ako ng mabuti kaya at maya maya pa bumuntong hininga siya.


"Nga pala ate asan sina kuya? Okay lang ba sila?" Tanong ko kay ate. Tumango naman siya.


"Oo bunso noong isang linggo pa sila okay."


"Teka- noong isang linggo? Eh diba kahapon ko lang sila nabugbog?" Napasapo naman silang lahat sa kanilang noo. Tama naman ako ah.


"Hahaha Kaye isang buwan kang tul-"


"Ano isang buwan!" Gulat na gulat na ani ko. Tangna ano daw? Isang buwan? 


"Teka- diba mas malala sina kuya sakin bat parang ako pa yong baldado?" Naguguluhang Saad ko. 


"Dahil daw yon sa side effect ng gamot na nasa needle," Sagot ni Hideo.


"Ate gusto ko makita sina kuya gusto ko lang humingi ng tawad," Ani ko sa kanila. Agad naman silang umiling iling.


Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon