2years passHellishly Kaye Carion's POV
2 years na ang nakalipas simula ng pumunta kami dito sa canada para sa training namin at masasabi ko Lang sobra hirap ng pinagdaanan namin.Pinahirapan talaga kami nina Kuya Merco. Naalala ko Pa nun nasa ilalim kami ng dagat at dapat matapos namin ang 30min bago kami umahon. Syempre patagalan ng hininga. Nakaya naman namin lahat at ngayon.
"Miss Hellish may meeting po kayo mamaya with Mr.Gomez,"Magalang na saad ng secretary ko habang nakayuko. Tama ang iniisip niyo naging successful na ako binigyan kaming dalawa ni Hideo ni Kuya Merco ng maliit na company pagkatapos naming makasal haha tama kayo kasal na kami ni Hideo pero magpapakasal ulit kami pagnaging okay na kami ng pamilya ko at napalago din namin ang binigay ni kuya Merco.
Sa tulong na din ng pagiging gangster namin may GW din kasi dito at kami ang rank1 apat kami ako si Hideo si Leah at syempre si Dark. Lahat ng napapanalunan namin hinahati namin at yung amin ni Hideo dito namin nilalagay sa company.
ganun din kena Liah hanggang sa lumago ng lumago madami Pa kaming company meron din sa pilipinas pero si Kuya Merco naghahandle nun. 'Nong nakaraang buwan umuwi na sila sa pilipinas gawa 'nong may mission Pa sila. Remember mga assassin ang mga yun. Wala na din ako balita sa pamilya ko mis na mis ko na sila.
"Umiiyak ka na naman,"Ani ni Hideo na hindi ko namalayan na nandito na pala. Pinahidan niya ang pisngi ko bago ako hinalikan sa noo.
"Mis na mis ko na sila,"Ani ko bago niyakap ang bewang niya. Di ko na mapigilan ang mapahagulgol. Kahit naman tinakwil nila ako mahal na mahal ko pa din sila ni minsan di din ako nagtanim ng galit sa kanila.
"Gusto mo na bang bumalik sa pilipinas?"Malambing na ani niya na agad Kong kinatingin. Malapad akong ngumiti.
"Pwede hubby?"Excited na tanong ko. Pinisil niya naman ang ilong ko.
"Ofcourse wife besides may mga company tayo dun at syempre meron na rin tayong bahay dun,"Nakangiting sabi niya na kinakinang ng mata ko.
"Thank you hubby,"Malambing na saad ko. Kinis niya naman ako sa noo.
"Basta para sa asawa ko."
Hellion Shin Carion's POV
"Aggrrhhh!""Arrgghh shit"
"Arggghhh tama na"
Araw araw nila itong ginagawa samin ang latiguhin kami kung titingnan ang itsura namin daig pa namin ang ermitanyo sa haba ng buhok at balbas at sobrang payat na din namin.
Pagkatapos kaming palayasin sa mansyon namin 2yrs ago pumunta kami sa bestfriend ni mom para pansamantalang makitira at ng makahanap si dad at mom ng malilipatan namin lumipat na kami. Maliit na kubo lang siya di din makakatulong ang mga kaibigan ko kasi pati sila hawak na sa leeg nina Farah.
Naging labandera si mom at si dad naman driver sa isang taxi at kami namang tatlo sumasideline sa palengke taga buhat ng gulay o kung ano ano pa. Si Mae naman nasa bahay lang. Di na kami nakakapag-aral kasi pinatalsik na kami nina Farah kahit saang university di na kami tatanggapin dahil sa kanila.
Sila na ngayon ang top2 na pinakamayaman ang top1 hindi ko kilala pero sabi sabi mag-asawa daw yun at walang anak. 'Nong isang araw habang naglalakad kami pauwi kaming tatlo biglang may humintong van sa gilid namin at bigla nalang kaming sinakay.
At ito dito kami dinala sa abandunadong gusali na ito. Araw-araw nilalatigo di nila kami pinapakain puro tubig lang. Pagod na pagod na ako gusto ko ng mamatay pero hindi pwede gusto ko pang makahingi ng tawad sa bunso namin na alam Kong impossible dahil di na ata kami makakaalis dito.
"Hahaha tama na muna yan tara na,"Ani ng isa sa lumalatigo samin bago tumawa sumabay na din ang iba sa pagtawa at nagsialisan na. Tiningnan ko ang mga kakambal ko at nakita ko si Herron na nakapikit na si Heirron naman na nakatulala at kitang-kita ko pa ang pagtulo ng isang butil ng luha niya.
"Makakaalis pa kaya tayo dito,"Wala sa sariling sambit ni Heirron na kinamulat ni Herron.
"Wag ka ng umasa Heirron dahil dito na tayo mamamatay,"Malamig na sabi ni Herron.
"Gusto ko bago ako mamatay, makahingi muna ako ng tawad sa bunso nation at makita ko sina mom,"Ani ko na kinatingin nila. Nginitian ko lang sila ng mapait.
"Sobrang tanga natin, mas pinaniwalaan natin ang ibang tao kesa sa sarili nating kadugo,"Ani ko habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha. Nakita ko din sa mata nila ang sobrang lungkot at pagsisisi.
"Sana lang mapatawad niya tayo kung sakali man na makausap natin siya,"Mahinang sabi ni Heirron.
"I miss you our princess,"Sabay naming bulong.
Hellishly Kaye Carion's
Napabangon ako dahil sa masamang napanaginipan ko. Okay lang naman siguro sina kuya dun. Malalakas sila alam ko."Wifey okay ka lang?"Tanong ni Hideo. Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa eroplano na kami.
"Haha sorry wifey di na kita ginising kanina sarap ng tulog mo eh kaya binuhat nalang kita pasakay dito,"Natatawang sabi niya. Napasimangot naman ako.
"Dapat ginising mo ako,"Nagtatampo na sagot ko.
"Haha sorry na sarap kasi ng tulog ng asawa ko eh,"Ani niya bago ako hinalikan ng mabilis sa labi.
"Hhmmp pasalamat ka mahal kita,"Saad ko bago nagcross arm.
"Salamat,Salamat hahaha,"Ani niya bago tumawa na mas lalong kinainis ko.
"Bad ka! Di tayo bati hhmmp,"Asik ko sa kanya. Natatawa niya naman akong niyakap.
"Haha ang wifey ko nagtatampo sorry na bati na tayo,"Malambing na sabi niya pero inirapan ko lang siya.
"Ayaw!"
"Wifey naman."
"Ayaw!"
"Edi kay Cathy nalang ako,"Ani niya na mas lalo Kong kinagalit. Btw si Cathy yung dating secretary niya na malandi kaya pinatikim ko ng lumilipad na kamao.
"Edi dun ka magsama kayo che!" Asik ko. Okay lang naman na ganito kami kasi private naman toh at kami lang Nina Liah ang nandito.
"Joke lang dito lang ako sa asawa ko noh,"Malambing na sabi niya bago ako hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romance-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...