Chapter 13
3rd Person's POV
Pagkatapos ng pangyayari sa cafeteria bigla nalang hinila ni Hideo si Kaye palabas ng cafeteria. Naiwan naman si Liah at sina Hellion.Sobrang sama ng tingin nila kay Liah kaya napayuko ito. Bigla namang lumapit si Hellion at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Liah na parang anytime mababali na.
"Layuan mo ang kapatid ko kong ayaw mong maagang makipagmeet kay kamatayan," malamig na sabi ni Hellion. Nag angat naman ng tingin si Liah at bigla nalang ngumisi.
"Don't worry di ko idadamay si Kaye sa galit ko sa inyo mukha naman siyang mabait eh pwera nalang sa inyo-- ugaling demonyo nagbabait-baitan pagmay ibang nakatingin hahaha," Ani ni Liah habang nakangisi pa din.
Hinigpitan pa ni Hellion ang pagkakahawak sa braso niya nasasaktan siya pero di niya pinakita iyon nanatiling nakangisi lang siya. Bigla namang lumapit si Herron.
"Bro tama na yan andaming nakatingin oh ," bulong ni Herron kay Hideo.
"Di pa tayo tapos bitch," May diing sabi ni Hellion bago binitawan ang braso ni Liah. Ngumiti naman ng matamis si Liah.
"Matagal na tayong tapos Hellion," Ani ni Liah bago tumalikod kasabay non ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya. Di niya napansin na may isang tao na nakakita sa pasimpleng pagpahid niya sa mga luha niyang bigla nalang kumawala.
"Hanggang kailan ka magpapanggap Liah, hanggang kailan mo itatago ang katotohanan na di ikaw ang dahilan bat siya namatay," malungkot na saad sa utak ng taong nakakita sa kanya bago tumalikod at naglakad palayo.
Hellishly Gonzalez/ Hellishly Kaye Carion's POV
Andito ako ngayon sa classroom pagkatapos kasi akong hilain ni Hideo pinagbihis niya muna ako bago hinatid dito.Napatingin ako Kay Liah kanina pa siya tahimik simula ng dumating siya dito. Sinuri ko naman ang kabuuan niya maganda naman siya eh kung mag aayos lang siya. Napansin ko naman ang isang braso niya na may pasa nagkukulay violet na din ito.
"Liah anong nangyari diyan?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa braso niya na may pass. Bigla niya naman itong tinakpan.
"A-ahh wala yan Kaye nabunggo lang ako kanina,"Ani niya bago umiwas ng tingin. Alam kong nagsisinungaling siya kung nabunggo lang yan di ganyan kalala ang mangyayari sa braso niya.
"Okay sa susunod mag iingat ka ah," Ani ko. Nag angat naman siya ng tingin bago ngumiti at tumango tango. Haist Liah sino ba talaga may gawa niyan gusto kong itanong sa kanya yan pero pinigilan ko nalang ang sarili ko mukha namang Wala siyang balak na sabihin sakin.
Napaayos naman kami ng upo ng biglang pumasok si prof. Nagsimula na siyang magturo as usual ang mga kaklase ko di nakikinig ako lang ata at si Liah ang nakikinig. Makalipas ang ilang oras.
"Kringgggg!" "Kringgggg!" "Kringgggg!"
Haist sa wakas lunch time na. Nagsimula na kaming inayos ang mga gamit namin at tumayo bago naglakad palabas.
Habang naglalakad kami ganun pa din tingin ng mga studyante samin haist ano pa bang aasahan ko. Bigla namang may humarang na tatlong babae samin mga mukhang clown pft.
"Well,well,well hi loser's," Ani ng nasa gitna habang nakangisi. Ito ata ang lider sa kanila eh.
"Ano na naman bang kailangan niyo?" Mahinahong Ani ko. Bigla namang lumapit samin ang dalawa at hinablot ang bag namin.
"Teka! Anong gagawin niyo diyan!" Ani ko bago pilit na inaagaw ang bag ko si Liah naman nanatiling nakayuko lang at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya. Binigay ng isa ang bag ko sa babaeng nasa gitna kanina at nilapitan ako bago hinawakan ang magkabilang braso ko.
Ngumisi naman ang nasa gitna na lider nila habang hawak ang bag ko at binuksan bago binaliktad kaya nagkalat lahat ng gamit ko.
Ganun din ang ginawa nila sa bag ni Liah tinapak-tapakan pa nila ang mga gamit namin at binuhusan niya naman ang bag namin at mga notebook pati libro ng juice na nakuha niya sa isang studyante na dumaan.
Nagtatawanan silang umalis napaluhod nalang ako habang isa isang pinulot ang mga gamit ko. Sira na ang mga ballpen ko pati iyong cellphone ko na nasa bag di nila pinatawad basag basag na din ito. Yung mga notebook ko at 'yong Wattpad books di na din mapapakinabangan dahil basa na ito at punit na.
Napabuntong hininga nalang ako. Nagtatanong kayo kung bat di ako umiyak? Sanay na ako eh kakatamad ding umiyak. Pinulot ko na lahat ang sira sira kong gamit ganun din ang ginawa ni Liah at tinapon ko iyong akin sa basurahan si Liah naman sinilid niya pa din sa basang bag niya ang mga gamit niya na sira sira na.
"Liah itapon mo nalang yan di na mapapakinabangan Yan," Ani ko sa kanya. Umiling iling naman siya.
"Aayusin ko nalang toh tyaka alam mo namang mahirap lang kami diba wala akong pambili ng bago," Bigla naman akong naawa sa kanya. Yayain ko kaya siya magmall mamaya bibili kami ng school supplies nice idea self.
"Itapon mo na yan sama ka sakin mamaya pag uwian na punta tayong mall bibili tayo ng school supplies," Ani ko habang nakangiti.
"Naku wag na Kaye ikaw nalang," Ani niya. Hinablot ko naman ang bag niya bago tinapon sa basurahan at hinila na siya papuntang cafeteria kanina pa kaya ako gutom hhhmmp iyong mga clown kasi eh.
Nang makarating kami sa cafeteria agad kaming pumunta sa counter at nag order. Pagkatapos ay naghanap na kami ng table. Nakakita kami don banda sa likod.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa table ng biglang may pumatid sakin kaya nadapa ako natapon 'yong mga pagkain ko sa isang babae.
"Wtf!" Biglang sigaw niya.
"Hala lagot siya kay Aira."
"Gulo na naman toh."
"Tawagin mo ang Death gang bilis."
"Kawawa naman 'yong nerd."
"Bagay lang sa kanya yan noh."
"Oo nga nilandi niya kaya si Hideo."
Sobrang ganda niya pero mukhang maldita. Simaan niya ako ng tingin bago hinawakan ang buhok ko patayo.
"How dare you bitch! Look what you've done to me!" Pasigaw na saad niya.
"S-sorry di ko sinasadya may pumatid kasi sakin eh," Ani ko habang nakatingin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/277221466-288-k271754.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romance-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...