Chapter 23

31 3 0
                                        

Chapter 23
Hellishly Kaye Carion's POV
Andito kami ngayon sa hallway naglalakad papuntang classroom as usual masama na naman tingin sakin ng mga studyante dahil sa katabi ko na nakaakbay sakin.

"Don't mind them babe," Bulong sakin ni Hideo. Nginitian ko lang siya bago tumango tango. Nakarating na kami sa room ko hinalikan niya muna ako sa noo bago naglakad papuntang room niya. Alam niyo na di kami magkaklase.

Pagpasok ko pa lang sakin na lahat ng atensyon nila. Yumuko nalang ako bago naglakad papuntang upuan ko sa pinakalikod. Uupo na sana ako ng may kumuha ng upuan kaya napasalampak ako sa sahig.

Humagalpak naman ng tawa ang mga kaklase ko habang si Liah dali dali akong tinulungang makatayo.

"Hahaha antanga talaga."

"Nerd nga tanga naman hahaha."

"Buti nga sa kanya hahaha."

"Whoooo guys! Maghanda na!" Ani ng isang bakla sa mga kaklase namin. Naglabas naman silang lahat ng kong ano ano may itlog, kamatis, orange, at juice na nasa maliit na plastic.

Agad naming tinago ni Liah ang ulo namin sa loob ng bag Alam ko na ang gagawin nila Maya maya-

"Tira!"

At pinag babato na nila kami ng mga dala nila kanina. May naramdaman akong masakit na tumama sa braso ko alam kong apple yon di ko akalain na may apple pala sila di ko kasi nakita kanina yon.

Nang matapos sila kinuha na namin ang bag namin na nakatabon sa ulo namin. Para na kaming pulubi sa itsura namin. Bigla namang may pumasok pagtingin ko si ma'am ellaine pala. Nakita niya naman kong gaano kadumi ang classroom.

"Ano na naman toh!" Pasigaw na ani niya. Napatingin naman siya sa amin ni Liah na sobrang dumi. Kaya mas lalong umusok ang ilong niya.

"Ano na namang ginawa niyo kena miss Gonzalez at Miss Rostic?" Galit na sigaw niya. Wala namang sumagot sa mga kaklase namin habang kami naman ni Liah nakayuko lang.

"All of you! Linisin niyo toh except kena miss Gonzalez at pagkatapos pumunta kayo sa detention! Maliwanag!" Agad naman nagsikilos ang mga kaklase namin para maglinis.

"At kayong dalawa maglinis na kayo ng katawan," Mahinahong saad ni ma'am samin. Tumango naman kami bago kinuha ang mga gamit namin bago yon nagpasalamat muna kami kay ma'am.

"Salamat po ma'am," Sabay na wika namin ni Liah. Tumango naman si ma'am kaya lumabas na kami para pumuntang locker.

Habang naglalakad kami bulungan na naman ang maririnig namin mga matang nandidiri na nakatingin samin. Napabuntong hininga nalang ako.

Nang makarating kami sa locker kumuha na kami ng pamalit ay pumunta sa cr para maligo. Pwede namang maligo dito eh may shower naman.

Haist kailan ba titigil ang kalbaryo sa buhay ko napapagod na ako pero kailangan kong lumaban kailangan ko pang iligtas ang pamilya ko sa kamay ni Farah.

Alam kong may binabalak siya pero di ko alam kong ano. Pero alam kong masama yon sobrang sama sa kilos niya pa lang at pagpapanggap niya na mabait para makuha ang tiwala ng pamilya ko halata na.

Sana lang talaga di na magbulagbulagan ang pamilya ko. Namimis ko na sila lalo na sina kuya namimis ko na ang pagtawag nila sakin ng lil sis, bunso, at baby sis yong mga sweet gesture nila sakin haist.

Natapos na akong maligo kaya nagbihis na ako paglabas ko nakita ko pa si Liah na nagsusuklay. I thought di nagsusuklay toh pft. Pumunta nalang din ako sa salamin at nag ayos na.

Nang matapos kami ay sabay na kaming lumabas ng cr at pumunta na sa classroom. Wala na kaming nakikitang studyante na pagala gala class hour na pala. Pagdating namin sa classroom walang tao at malinis na. Oo nga pala pinapunta pala silang lahat ni ma'am sa detention.

"Tsk buti nga sa kanila," Naiiritang ani ni Liah na kinatawa ko lang at umupo na kami sa upuan namin.

"Taray ah bat pag inaaway tayo ng mga studyante tahimik ka lang," Natatawang saad ko. Napasimangot naman siya.

"Scholar lang kasi ako dito kaya hanggat maari ayokong manakit baka kasi mawalan pa ako scholarship Alam mo na," Naawa naman ako sa kanya gusto ko siyang tulungan pero wala din akong pera kinuha na kasi nina mom lahat ng credit card ko binibigyan lang nila ako ng pera na sakto lang sa pagkain ko.

"Bakit di kayo humingi sa daddy ni Hideo ama mo din naman yon diba?" Lumamig naman ang expresyon niya.

"Yan ang hinding hindi ko gagawin," Malamig na saad niya. Tumahimik nalang ako mukha kasing Wala na siya sa mood.

"Kringgggg!" "Kringgggg!" "Kringgggg!"

Ay salamat makakakain na din ako. Paglabas namin nakita namin si Hideo na nag aantay sa labas oo SIYA lang ewan ko di na din siya sumasama kena kuya siguro galit din siya.At sya nga pala okay na si Liah at Hideo syempre ako gumawa ng paraan hihi.

"Hi lil sis, hi babe," Ani ni Hideo bago kami hinalikan ni Hideo sa noo. Oh diba sweet niya na kay Liah hakhak.

"Oh kuya bat di ka na sumasama kina Hellion?" Biglang tanong ni Liah. Ginulo naman ni Hideo ang buhok niya.

"Wag ng magtanong lil sis haha Tara na nga babe halika," Ani ni Hideo. Lumapit naman ako sa kanya agad niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko habang si Liah naman nasa gild ko.

Sabay kaming naglakad papuntang cafeteria ayan na naman ang mga bubuyog nagsisimula na namang mag ingay.

"Ang landi talaga ni nerd."

"Oo nga tsk mas bagay pa nga si miss Farah at Hideo eh."

"Ginayuma niya siguro si Hideo."

"Oo nga haha mukha kasi siyang mangkukulam."

Di nalang namin pinansin ang mga bulongan nila. Pagkadating namin sa cafeteria agad kaming naghanap ni Liah ng table nakakita kami banda sa likod kaya naglakad na kami papunta dun.

Si Hideo naman dumiretso sa counter siya na daw mag oorder. Habang nag aantay kami kay Hideo biglang nagsitilian ang lahat. Sina kuya na naman Yan. Di nalang namin pinansin at nanatiling nakayuko lang sama kasi ng tingin ng mga studyante samin eh.

Maya maya may naramdaman akong malagkit kaya napatayo ako. Nakita ko naman si Farah na nakangising nakatingin sakin habang may hawak na milk tea.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon