Chapter 9
Hellishly Kaye Carion's POV
Sh*t nakakahiya yun andito kaming lahat nakaupo sa sofa dito sa loob ng kwarto ko may sofa din kasi dito dalawa na pahaba tas sa gitna isang maliit na table.Nasa kabilang sofa silang lahat habang kami ni hideo nasa harap nila malamig pa din kaming tinitingnan nina kuya.
"So now hideo explain!" Napalunok naman si hideo dahil sa sobrang lamig na pagkakasabi ni kuya Hellion.
"Ganito kasi yun king," ani ni hideo bago kwenento ang buong pangyayari kanina simula ng pumasok siya na di ko naman napansin.
"So? Pwede naman kayo maghiwalay agad bat pinili niyong maglaplapan?" Nakangising saad ni Aiser. Namula naman ako sa word na laplapan grabi nakakahiya. Binatukan naman agad siya ni Vleen.
"Malamang unggoy masarap ang halik lalo na kung laplap na talaga," pasigaw na ani ni Vleen at humalakhak pa.
"Shut up asshole!" Malamig na saad ni kuya Hellion. Tumahimik naman agad si Vleen at parang batang yumakap sa kakambal niya.
"Okay then simula ngayon mag fiancee na kayo kakausapin ko sina mom at tita Cristine about dito,"ani ni kuya Hellion. Nanlaki naman ang mata ko.
"Kuya kiss lang naman yun tyaka bata pa po ako para magpakasal at di nga kami magjowa ni hideo tas fiancee na agad!" Ani ko kay kuya habang nakakunot ang noo langya naman simpleng kiss lang papakasal agad.
"Princess sa ating pamilya kung Sino ang makakakuha ng first kiss mo siya ang papakasalan mo. Tyaka di pa naman ngayon-- pagkagraduate niyo dun kayo magpapakasal."
"Pero di ko siya mahal!" Pasigaw na saad ko. Nabigla naman sila sa pagsigaw ko maski ako nagulat din sa biglaang pagsigaw ko. Napatingin kami kay hideo ng bigla itong tumayo at tumingin sakin ng walang emosyon.
"Di ko naman ipapaalam sa iba na fiancee kita don't worry. Kala ko pa naman may pag-asa na ako kasi tumugon ka sa mga halik ko kanina-- akala ko lang pala. Kung may makikita ka mang iba na masasabi mong mahal mo talaga sabihin mo lang sakin at ako mismo magpapacancel ng kasal natin," malamig na sabi niya bago naglakad palabas ng kwarto ko.
Natulala naman ako sa mga sinabi niya kailangan ko bang magsorry? Pero totoo naman kasi di ko siya mahal at tyaka kakakilala ko pa lang sa kanya di pa din naman ako handang pumasok sa isang relasyon.
"Ang sakit nun," ani ni Kaizer. Napayuko naman ako nasaktan ko ba talaga siya? Tumingin ako sa kanila.
"Kailangan ko bang m-magsorry sa kanya?"ani ko. Agad naman tumayo si ate.
"Aba dapat lang bunso nasaktan mo yung feelings nung tao hindi mo ba alam na simula ng dumating yun dito Wala ng ibang inatupag yun kundi ang sundan ka kahit saan," Nakacross arm na sabi ni ate sakin.
"K-kailangan talag-"
"Just follow him princess," ani naman ni kuya Herron. Tumingin naman ako sa iba at kena kuya tumango lang sila. Bumuntong hininga muna ako bago lumabas at hinanap si hideo.
Kanina pa ako naghahanap sa kanya pero di ko siya makita anlaki pa naman ng bahay haist. Nakita ko naman si manang agad akong tumakbo papunta sa kanya. Nang makita niya ako agad siyang yumuko.
"Manang nakita mo ba si hideo?"
"Ahh si young master hideo ba? Nakita ko siya kanina papuntang garden."
"Ganun ba sige manang salamat!" Tumakbo na agad ako pababa para pumuntang garden. Pagdating ko dun-- Tama nga si manang andito siya nakaupo siya sa ilalim ng puno habang nakayuko.
At parang umiiyak siya kasi gumalaw galaw ang balikat niya naguilty naman ako kasi dahil sakin umiiyak siya ngayon.
Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya nang makalapit ako bigla siyang napaangat ng tingin at tama ako umiiyak nga siya. Agad akong lumuhod at niyakap siya mukhang nagulat naman siya dahil sa pagyakap ko.
"I-i'm s-sorry hideo sa nasabi ko nabigla lang ako at tyaka di pa kasi kita masyadong kilala then di pa ako sigurado kung mahal kita," ani ko habang nakayakap pa din sa kanya. Niyakap niya naman ako pabalik.
"Handa naman akong mag antay kaye basta bigyan mo lang ako ng panahon para mapatunayan sayo kung gaano kita kamahal," wika niya. Kumalas naman ako sa pagkakayakap at tiningnan siya habang nakangiti.
"Sige patunayan mo ah wag lang puro salita."
"Noted boss hahaha babaliwin kita para wala ka ng kawala," nakangising saad niya.
"Sus di ka pa nagsisimula yan na agad naisip mo," natatawang Sabi ko.
"Nagsisimula na ako ngayon noh tingnan mo napapatawa na agad kita hahaha ano in love kana ba sakin?" Hinampas ko naman siya sa dibdib na kinatawa niya lang.
"Ulol! Porket tumawa lang in love agad manligaw ka muna aba kahit magfiancee na tayo gusto ko pa din maexperience kung pano ligawan," natawa Naman siya.
"Hahaha syempre naman liligawan kita at ihaharap kita sa altar na kusang pumayag ka hindi lang dahil sa magulang natin at mga kuya mo," ani niya. Napairap naman ako.
"So kailan ka magsisimula sa panliligaw aber?" Nakataas kilay na ani ko.
"Syempre ngayon na agad," nakangising saad niya bago tumayo at pumunta sa mga bulaklak bago bumalik at nilagay sa ibabaw ng tenga ko.
"Para sa magandang binibini na nasa harap ko ngayon."
Parang gusto Kong tumakbo sh*t anlakas ng tibok ng puso ko kasi Naman sobrang lapit niya sakin at panigurado sobrang pula ko na ngayon.
"Ayyiieeeee kinikilig siya namumula ka oh," ani niya habang nakangising nakatingin sakin.
"Hindi ah," nahihiyang saad ko bago tumayo at tumalikod habang tinatakpan ang namumula kong mukha.
"Weehhh? Patingin nga," sinilip silip pa niya ang mukha ko.
"Tumigil ka nga!"
"Hahaha di daw pero bat tinatakpan mo mukha mo?"
"Ayoko lang Makita ang pangit na nasa harap ko ngayon," ani ko habang nakatakip pa din ang dalawang palad sa mukha ko pero may iwang sa gitna ng mga daliri ko para Makita ko siya.
"Ouch! Pangit daw"ani niya habang umacting na nasasaktan may pahawak hawak pa sa dibdib niya.
"Di mo ba alam my love na andaming babaeng nagkakandarapa sa taong nasa harap mo ngayon na sinabihan mo ng pangit."
"Edi bulag sila," Tumatawang saad ko. Napasimangot naman siya dahil sa pagtawa ko. Nabigla naman ako ng bigla niyang kunin ang mga kamay ko.
"Hahaha oyyyy namumula siya,"natatawang Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romance-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...