"Ano na naman ba ang problema mo Farah," Ani ko sa kanya. Pasimple naman siyang tumingin sa paligid ng makita niya na nakatingin sina kuya at papalapit na si Hideo samin. Nakita ko pang parang may tinapon siya sakin pero di ko alam kong ano. Bigla naman akong may naramdaman na parang may tumusok sa balikat ko pero di ko na yon pinansin. Nang bigla naman siyang umiyak.
"Magtatanong ka pa! Tingnan mo tong pisngi ko hanggang ngayon di pa gumagaling dahil sa pagsampal mo at itong braso ko may pasa pa din dahil sa paghawak mo ng mahigpit," Umiiyak na Ani niya bago pinakita ang pisngi niya na namumula at ang braso niya na nagkukulay violet pero ano daw?
"Excuse me? Pati ba naman yan ibibintang mo sakin ha ganyan ka na ba kadesperadang gawin akong masama sa lahat ng tao dito," Naiinis na ani ko.
"Anong nangyayari dito? Shit babe bat basa ka?" Ani ni Hideo bago nilapag ang mga pagkaing dala niya at nilapitan ako. Lumapit nadin sina kuya sa pwesto namin at chineck nila si Farah. Nakita nila ang pasa nito kaya tiim bagang nila akong tiningnan.
"Ano na naman ginawa mo Kay Farah bitch,"Malamig na ani ni Kuya Hellion. Nabigla naman kami ng biglang sinuntok ni Hideo si Kuya Hellion.
Babawi pa sana si Kuya Hellion pero agad na siyang hinawakan nina Vleen. Agad ko din naman hinawakan ang braso ni Hideo para patigilin siya.
"Wala kang karapatang sabihan si Kaye ng bitch dahil kahit kapatid ka niya di ako magdadalawang isip na patayin ka!" Galit na sigaw ni Hideo. Pinahidan naman ni Kuya Hellion ang labi niya na pumutok dahil sa pagsuntok ni Hellion.
"Wag na wag mo kong pagsasabihan ng ganyan Hideo baka nakakalimutan mo leader mo ko at totoo naman eh bitch talaga yan at kahit di ko kapatid yan dahil Wala akong kapatid na malandi," Nakangising saad ni Kuya Hellion. Pagak naman na tumawa si Hideo.
"Hahaha idol pa naman kita Hellion pero ngayon di na antanga niyo sobra. Nagpapaniwala kayo sa babaeng yan? Kong tutuusin mas bitch pa nga yan eh nagpapatira kong kani-kanino para lang magkapera haha," Nakangisi ding saad ni Hideo. Bigla namang lumapit si Farah sa kanya at-
"Pak!" Sinampal niya si Hideo.
"How dare you para sabihin sakin yan!" Lumuluhang Sabi ni Farah nakita ko namang namula ang mukha ni Hideo dahil sa pagsampal niya. Ngumisi naman si Hideo sa kanya.
"Bakit Hindi ba? BITCH," Nakangisi pa ding Sabi ni Hideo at diniin pa talaga ang salitang bitch. Bigla niya naman ulit sinampal si Hideo kaya di na ako nakatiis at sinapak siya na kinahimatay niya.
Napasinghap naman ang lahat dahil sa pagsuntok ko kay Farah na kinahimatay nito. Agad naman siyang nilapitan nina kuya.
"How dare you bit-" di ko na pinatapos si Airah magsalita at sinuntok ko na agad na kinahimatay din niya. Hindi ko makontrol ang sarili ko feeling ko gustong gusto kong mambugbog ng tao.

BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romansa-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...