Chapter 10

57 5 0
                                        

Chapter 10
Hideo Rostic's POV
Pagkatapos kong sabihin yun bigla nalang siyang tumakbo papasok ng mansyon nila.

Napangiti naman ako sa wakas pumayag na din siya na ligawan ko siya. Hindi ko alam pero nung unang kita ko sa kanya sa hospital nahulog agad ako.

Ito siguro yung tinatawag nilang love at first sight. Nakangiti lang ako habang papasok ng mansyon. Pagdating ko sa sala andun lahat ng grupo as usual nag sasagutan na naman si Aiser at Vleen.

"Oyyy Hideo para kang tanga na baliw naglalakad ng nakangiti? Pareho lang kayo ni kambal ano nagdadrugs na ba kayo?" Napapokerface nalang ako dahil sa sinabi ni Vleen.

"Mind your own business asshole!" Sabay naming sabi ni Vieen.

"Ang sasama ng ugali niyo hhmmmp sabihan ko kaya si Kaye at Mae na wag kayo sagutin," ani niya. Sinamaan naman agad namin siya ng tingin ngumuso naman siya bago tumabi kay Aiser at yumakap habang nagsusumbong.

"Aiser oh inaaway nila ako huhuhu," ani niya habang nakasiksik kay Aiser. Bakla ba ang mga toh.

"Tsk wag niyo nga awayin si Vleen ako lang pwede umaway sa kanya noh," ani ni Aiser samin. Nagkatinginan naman kami ni Vieen.

"Edi ikaw na!" Sabay naming saad ni Vieen. Ngumiti naman ng matamis si Aiser habang hinahaplos haplos ang buhok ni Vleen.

"Tigilan niyo nga yan nakakadiri kayo," ani ni Kaizer. Nandidiri siyang nakatingin kena Aiser at Vleen na magkayakap na parang magjowa.

Nakita ko naman ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Aiser teka lungkot? Ano naman ang dahilan? umiling iling naman ako siguro namamalikmata lang ako.Bumitaw naman si Vleen kay Aiser bago lumipat ng upo.

"Gag* anong nakakadiring sinasabi mo mukha ba kaming bakla?" Nakataas kilay na sabi ni Vleen.

"Kung magyakapan kasi kayo para kayong magjowa," ani ni Kaizer. Napangiwi naman si Vleen at Aiser.

"Mag jowa?? Di ako pumapatol sa unggoy!" Pasigaw na Sabi ni Vleen. Tumawa naman si Aiser.

"Aba bata! parehas lang tayo noh bulag nga ata siguro ang mga babaeng nagkakagusto sayo," natatawang saad ni Aiser at humalakhak pa.

Napapokerface naman kaming lahat dahil nagsimula na naman silang mag asarang dalawa na umabot na sa suntukan nagpagulong gulong na nga sila sa carpet eh tsk tsk parehong isip bata.

"So hideo, Vieen anong nangyari kanina? Bakit kayo nakangiti?" Nakangising wika ni Kaizer. Napangiti naman ulit ako.

"Pumayag na si kaye/Mae na ligawan ko siya," sabay ulit na sabi namin ni Vieen. Nagkatinginan naman kami at napailing nalang habang nakangiti pa din sh*t nakakabakla pero ansaya ko talaga ngayon.

"Kaya naman pala hahaha then congrats sana lang sagutin kayo pft," natatawang ani niya.

"Siguraduhin niyo lang na di niyo sila sasaktan kundi kami makakalaban niyo," Ani ni Herron. Napalunok nalang kaming dalawa ni Vieen ng sobrang lamig ng tingin ng triplets samin.

"Syempre naman bro ayaw pa naming mamaya noh tyaka papakasalan ko pa si Kaye," napailing naman sila sa sinabi ko hahahaha totoo naman eh.

"As if naman papakasalan ka ni Kaye," biglang sabat ni Vleen. Napapokerface naman ulit ako itong isip batang toh. Bat ba ang hilig sumabat ng batang toh.

Di ko nalang siya pinansin tsk. Napatingin kami sa hagdan ng marinig namin ang boses ni Kaye at Mae na nagtatawanan.

Nang makababa sila napalingon sila samin at ngumiti sh*t bat ba sobrang ganda niya. Parang nag slow motion ata ang lahat ng magtama ang mga mata namin ni Kaye. Nakangiti pa siya habang papalapit dito.

"Mga tol yung mga mata niyo pumupuso," nakangising ani ni Kaizer samin. Sinamaan naman namin siya ng tingin. Panira ang gag*ng toh.

"Hello kuya's," sabay nilang saad ni Mae at Kaye bago hinalikan isa isa sa pisngi ang triplets at umupo na katabi ko pa si Kaye sh*t nakakabakla talaga.

"Oh Hideo, bal kalma hahaha tinabihan lang kayo para na kayong may bulati sa pwet di mapakali," Ani ni Vieen at humalakhak pa. Bwes*t talaga ang isip batang toh.

"Tumahimik ka muna Vleen," Ani ni Heirron sa mahinahong tono. Agad namang tumahimik si Vleen.

"Okay ganito, bukas papasok na tayong lahat sa school okay naman na si princess," malamig na sabi ni Hellion.

"School na naman haist boring yun," nakapout na sabi ni Vleen.

"Kung ayaw mong mag aral umalis kana lang din sa grupo," malamig pa ding saad ni Hellion. Ngumiti naman ng alanganin si Vleen.

"Ito naman si Lider nagbibiro lang eh hihi."

"Ahhmm kuya pwede bang magdisguise ako as a nerd?" Gulat naman kaming lahat na napatingin kay Kaye dahil sa sinabi nito.

"And why princess?" Kunot noong tanong ni Herron. Napakamot naman sa ulo si Kaye.

"Ayoko ng atensyon tyaka sabi nga nila mommy diba andaming gustong pumatay sakin dahil sa position ni dad. At pwede bang Gonzalez pa din ang dadalhin kong surename?"

"But princess andito naman kami kaya ka naming protektahan," Ani ni Heirron.

"Kuya mas delikado pagkasama ko kayo kaya nga ako magdidisguise diba para di ako mahanap ng mga kalaban ng pamilya natin tyaka ako lang kasi ang weak sa atin di din ako marunong lumaban."

"Edi tuturuan ka namin," Biglang saad ni Mae. Napangiti naman si Kaye.

"Sige pero magdidisguise pa din muna ako habang tinuturuan niyo ko ititigil ko lang ang pagdidisguise pag kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko," Nakangiting saad ni Kaye. Napabuntong hininga naman ang triplets bago tumango. Bigla namang tumayo si Kaye at niyakap ng mahigpit ang mga kuya niya.

"Matulog na kayo princess maaga pa tayo bukas at kayo naman magsiuwi na kayo," malamig na sabi ni Hellion.

"King naman di mo man lang ba kami papakainin?" Nakapout na saad ni Vleen. Tinaasan naman siya ng kilay ni Hellion.

" Sa pagkakaalam ko si Kaizer lang ang PG sa grupo, pati din pala ikaw."

"Hhmmp wag na nga lang tara na nga bal," Nakasimangot na sabi niya bago hinila si Vieen palabas na kumaway nalang kay Mae.

"Sige mga bro una na kami," paalam ni Aiser sa kanila. Tumango naman sila.

"Bye Kaye," Ani ko bago kumaway at sumunod na kena Aiser palabas ng mansyon.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon