Chapter 39

40 3 0
                                        

Chapter 39

Hellishly Kaye Carion's POV
Kinuha ko ang envelope na binigay ni butler Chan at tiningnan. Unang bumungad sakin si Vieen na nakabitay at puno ng sugat. Pangalawa ang kay ate na pinalilibutan ng mga lalaki. Hindi na mabilang kung ilan. 

Tiningnan ko pa ang laman ng brown envelope puro mga picture nina ate. Maya maya pa may nakapa akong dalawang usb kaya agad ko itong kinuha. Tiningnan ko ng mabuti ang dalawang usb. Red at black ito— pinili ko ang red bago kinuha ang laptop ko at sinaksak ang usb. Btw ako lang mag isa dito sa office nasa bahay kasi si Hideo. 

Nang magplay ang video, naggitgit ako matapos makita kong paano umiyak si ate at Vieen sa pagmamakaawa lang. Tangna niyong lahat papatayin ko kayo. Iyak lang ako ng iyak habang pinapanood sila ni ate na nagdudusa sa kamay ng mga demonyo. 

Nang matapos ko na ang video. Kinuha ko ang black na usb at isinaksak sa laptop. Nang magplay ang video parang gusto kong sumuka dahil sa kadirihan na ginagawa nina Farah. So ito pala secreto nila tsk. 

"Tingnan ko lang kung hindi kayo lumubog," nakangising sabi ko habang pinapanood ang video kung saan pareho silang nagsasarapan. Nga pala nalaman kong mas naging sikat sina Farah at sila na ang top 1 na pinakamayaman dito sa pilipinas. 

Yumaman lang naman sila dahil kinuha nila lahat ng ari-arian ng mga Carion. Pero dahil andito na ako babawiin ko lahat ng kinuha nila kasama na doon ang buhay ni ate. 

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Nag-pop ang pangalan na Hubby kaya sinagot ko agad ito. 

"Yes hubby?" ani ko ng masagot ko ang tawag. 

"Nandito sina Vleen," ikling sabi niya na kinatigil ko. Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko bago tumakbo palabas. 

"Papunta na ako," ani ko bago pinatay ang tawag. Gusto kong makausap sina Vleen kung ano ba talaga ang nangyari kena ate at bakit humantong sa ganon. Nang makalabas ako sa elevator agad akong tumakbo palabas ng company.

Tumungo ako sa parking lot at pinuntahan ang kotse ko bago pumasok at paandarin ito. Pinaharurot ko ang kotse ko papuntang mansion. Nang makarating ako doon may nakita akong kotse na hindi familiar na nagmamatyag sa mansion. 

Dahil nasa unahan ko ito— pinatakbo ko ng mabilis nag sasakyan ko at binunggo ang kotseng yon. Kinuha ko nag baril ko sa kotse bago lumabas at tingnan kung sino ang nasa loob ng kotseng yon. Napangisi ako ng makita ang mukha ni Farah na tuguan pero humihinga pa naman. 

"Well, well, well ikaw na ang lumapit sa akin hindi na ako nahihirapang hanapin ka," nakangising sabi ko na kinalaki ng mata niya. Maya maya pa nandito na ang mga tauhan ko kasama sina Hideo. Mukhang narinig nila ang tunog ng pagbangga ko sa kotse ni Farah. 

"Buhatin siya at dalhin sa  basement," malamig na utos ko na agad naman nilang sinunod. 

"Bitawan niyo ako ano ba!" nagsisigaw na sabi niya pero hindi siya pinansin ng mga tauhan ko. 

"Anong ginagawa niyo dito?" walang emosyon na tanong ko kay Vleen at Aiser. Silang dalawa lang ang pumunta dito. Nagulat ako ng biglang lumuhod si Vleen sa harap ko. 

"Please iligtas mo ang kakambal ko— si Vieen," pagmamakaawa niya na kinakunot ng noo ko. 

"Akala ko ba patay na silang dalawa ni ate?" nakakunot noong sabi ko. Umiling iling naman siya. 

"Binuhay siya nina Farah-"

"Ano ba talaga ang totoong nangyari?" malamig na tanong ko. Napatingin ako kay Hideo ng hawakan niya ang kamay ko. 

"Sa loob na tayong lahat mag-usap," ani niya bago ako hinatak. Sumunod din naman samin sina Aiser. Nang makapasok kami sa mansion dumiretso kami sa sala at umupo sa sofa. 

"Ngayon Vleen anong nangyari?" tanong ko. Bumuntong hininga muna siya bago ako tingnan. 

"Noong araw na umalis kayo sa pilipinas doon na sinimulan nina Farah ang plano nila, pinalayas nila ang pamilya mo sa sariling pamamahay niyo— kinuha lahat ng ari-arian hindi lang ang pamilya mo ang tinarget nila. Pati pamilya namin kinuha din nila ang mga ari-arian naming lahat, pinakalat din nila ang mga pictures at video namin ni Aiser kaya pinagpyestahan kami ng mga tao. Sa University palagi kaming binubully dati dahil sa mga scholar nalang kami. Akala namin tapos na sila sa pagpapahirap samin pero hindi pa pala. Kinidnap nila kaming lahat except sa parents mo at dalawang baby nina kambal. Dinala nila kami sa isang abandonadong covered court. Tinorture nila kami doon lahat kami at si Mae pinagahasa nina Farah sa mga tauhan nila. Pinatay nila si Kaizer at Mae— tinira nila kaming anim. Ginawa nilang parausan si kambal at ang mga kuya mo. Nagpapapunta din sila ng mga baklang negosyante para pagkakitaan ang mga kuya mo. Isang araw nagulat nalang ako kasi bigla kaming pinakawalan ng isang tauhan nila hindi ko alam kong bakit pero sabi niya hindi na daw kaya ng konsensya niya na makita kaming ganun. Papatakas kami kaso dumating sina Farah nanlaban sina kambal at sinabi na tumakas na kami at hanapin ka namin dahil alam nilang hindi titigil sina Farah hanggat hindi ka nakukuha— nalaman nila na sayo pala lahat pinangalanan ni tito ang mga ari-arian niyo kaya hanggat buhay ka wala silang makukuha," mahabang lintanya niya. Mas lalo akong naggitgit sa mga nalaman. 

"Kasama ba si dad sa kanila?" tanong ni Hideo na kinatingin namin sa kaniya. 

"Patay na ang dad mo bro— sinubukan niya kaming iligtas noon pero nahuli siya, hindi nagdalawang isip si Farah na barilin si tito," nakakuyom ang kamao na sabi ni Aiser na kinalaglagan ng mga luha ni Hideo. 

"S-si Farah ang bumaril kay dad?" mahinang tanong ni Hideo na kinatango nila ni Vleen. 

"Putangina niya!" sigaw ni Hideo at tumakbo na kinatayo namin. 

"Siguradong pupuntahan niya si Farah," saad ni Vleen. Sinundan namin si Hideo at tama nga si Vleen papunta si Hideo sa basement kung nasaan si Farah. 

"You bitch magbabayad ka sa ginawa mo kay dad," rinig naming sigaw ni Hideo at sa tono niya galit na galit ito. Pumasok kami sa basement at napatakip ng bibig sina Vleen matapos makita na hiniwa ni Hideo ang hita ni Farah. 

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon