Chapter 16
Heavishly Mae Carion's POV
Andito kami ngayon nakaupo sa sala ginagamot ko ang mga sugat ni bunso andami niyang kalmot.Si Aira naman tudo hingi ng tawad kay mommy nagkamali lang daw siya. Naiintindihan ko naman siya kasi kahit ako yon din ang gagawin ko.
"Nagkamali? Dapat kasi inalam mo muna bago mo sinunggaban! Tingnan mo nga ang ginawa mo! Andaming sugat ni Ishly at kagagawan mo 'yon!"
"Mom Tama na please nagsorry na naman siya at di niya naman alam eh," Mahinahong saad ni Kuya Herron.
"Bahala kayo diyan!" Ani ni mom bago tumayo at naglakad pataas.
"Ahh Kaye sorry talaga di ko naman alam na kapatid ka pala niya," Ani ni Aira habang nakayuko. Niyakap naman siya ni kuya Herron.
Aiser Shun Harmlex's POV
Tsk ang bitch na toh kala niya siguro di ko alam ang mga sekreto niya."Ahh Kaye sorry talaga di ko naman alam na kapatid ka pala niya," Ani ni Aira habang nakayuko. Niyakap naman siya ni Herron. Ito namang si Herron uto-uto.
"Okay lang 'yon Aira kalimutan mo nalang ang nagyari kanina," Nakangiting saad ni Kaye. Nakita ko namang napangiti sila. Napailing nalang ako sa kabaitan ni Kaye.
"Mga uto-uto," Bulong sakin ni Vleen. Napalingon naman ako sa kanya shit sobrang lapit namin sa isa't isa. Napatikhim naman ako bago umiwas ng tingin. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya.
Kong nagtatanong kayo kong bakit apektado ako dahil magjowa kami yes MAGJOWA pero di namin pinaalam sa grupo dahil alam kong di nila kami matatanggap.
2yrs na kaming in relationship pero kami lang ang nakakaalam di kami bakla ah sadyang nahulog lang talaga kami sa isa't isa. Tumayo na ako.
"Guys kwarto lang muna ako," Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila kaya naglakad na ako papataas narinig ko pang nagpaalam din si Vleen.
Ang alam ng lahat Playboy si Vleen pero ang totoo hindi, dahil binabayaran lang namin ang mga babaeng 'yon para magpanggap na gf ni Vleen para na din di kami maboking.
Pagdating ko sa isa sa mga guestroom kong saan ako natutulog pagdito kami nag stay sa bahay nila king. Agad akong pumasok at padapang humiga sa kama. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at pagsara.
Di ko na nilingon alam kong si Vleen toh nagulat naman ako ng dumapa siya sa likod ko habang tumatawa.
"Wtf! Vleen umalis ka nga sa ibabaw ko!" Pasigaw na ani ko. Okay lang naman sumigaw ako soundproof naman tong kwarto. Tumawa lang siya ng malakas.
"Ayoko nga babe mas gusto ko dito,"Tumatawang saad niya. Napangisi naman ako at agad na tumihaya kaya nahulog siya sa kama.
"Masarap ba?" Nakangising saad ko sa kanya. Bigla namang sumeryuso ang mukha niya at dali daling tumayo bago dumapa ulit sa ibabaw ko this time magkaharap na kami.
Agad niya akong sinunggaban ng halik at nilabanan ko naman ito. Humawak ako sa batok niya para mas palalimin pa ang halikan namin ang mga kamay niya napupunta na sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Pababa ng pababa ang mga kamay niya. Hahawakan niya na sana ang parteng nasa gitna ko ng biglang may kumatok agad ko naman siyang naitulak.
"Magtago ka sa ilalim ng kama bilis!" Ani ko sa kanya. Agad naman siyang nagtago. Inayos ko muna ang sarili ko lalo na 'yong t-shirt ko na nagusot na. Tinungo ko na ang pinto at binuksan.Nakita ko namang si Vieen toh.
"Oh bro may kailangan ka?"Tanong ko sa kanya.
"Itatanong ko lang sana kong nandito si kambal wala siya sa kwarto namin eh," Wika niya.
"Wala siya dito wag mo na hanapin uuwi din naman 'yon tyaka baka nambabae na naman ang gunggong mong kakambal," Nakangising saad ko. Napailing naman siya bago tumango.
"Siguro nga haist ang kambal ko talaga di na tumino, sige bro sorry sa abala,"
"No prob. bro," Ani ko. Naglakad na siya paalis kaya sinarado ko na ang pinto. Nakita ko namang lumabas na si Vleen sa ilalim ng Kama.
"Gunggong pala ah lika dito," Saad niya at agad lumapit sakin bago ako sinandal sa pinto at sinunggaban na naman ng halik. Di na ako pumalag sanay na ako eh tyaka gusto ko naman.
Maya maya tumigil na siya bago ako hinila papuntang kama at pinahiga. Tumabi naman siya sakin at niyakap ako. Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.
"Babe tingin mo pagnalaman kaya nila king ang relasyon natin matatanggap kaya nila tayo," Mahinang saad niya. Nakikiliti pa ako sa hininga niyang tumatama sa balat ko. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Hindi ko alam babe pero paniguradong hindi haist," Ani ko habang nakatingin sa kisame.
"Kung itakwil man nila tayo tuloy pa din ang relasyon natin diba? Di mo ko iiwan?"Parang bata na Ani niya. Tumagilid ako paharap sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Bat Naman kita iiwan? Alam mo Kong gaano kita kamahal diba," Natatawang Saad ko. Napangiti naman siya bago ako siniil ng halik.
Habang naghahalikan kami biglang bumukas ang pinto kaya napabalikwas kami. Nilingon namin ito at nakita namin si Kaye na nanlalaki ang matang nakatingin samin.
Agad akong lumapit sa kanya at sinara ang pinto at nilock ito. Tiningnan ko naman siya na hanggang ngayon tulala pa din shit pano pagsinabi niya kena king ang nakita niya siguradong bugbog aabutin namin.
"B-bat k-kayo n-naghahalikan?" Nauutal na saad niya.
"Ahh Kaye wag mong ipagsasabi ang nakita mo ah at ang sasabihin namin sayo please Kaye mapagkakatiwalaan ka ba namin," Ani ko. Tumango naman siya.
"May relasyon kami matagal na mga 2yrs na din di namin pinaalam sa grupo dahil panigurado na itatakwil nila kami," Nakayukong saad ni Vleen.
"Pwede niyo naman silang kausapin ah baka matanggap nila kayo,"Ani ni Kaye. Sabay naman kaming umiling.
"Malabo 'yon Kaye," Ani ko.
"So? Kung ganun ako pa lang nakakaalam na may relasyon kayo?" Tumango naman kami bigla naman siyang ngumiti.
"Okay hihi don't worry di ko ipagsasabi kahit kanino ang nalaman ko, btw sino pala ang bakla sa inyo," Saad niya. Napailing naman kami habang natatawang tiningnan siya.
"Walang bakla samin noh nahulog lang talaga kami sa isa't isa."

BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romance-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...