Chapter 33

32 2 0
                                    


Herliah Rostic's POV 
Masama ko lang tiningnan ang lalaking nasa harapan ko ngayon mula ng makita ko siya kanina sa dinning at hanggang dito sa sofa pinanatili kong masama ang tingin sa kanya.


Ang gwapo niya sana fafa na eh pero NO! sabihan ba naman akong baliw ano akala niya sakin makakalimutan ko ang ginawa niya.Nabigla ako ng tumingin siya sakin pero agad din napalitan ng galit ulit ang mukha ko ng ngumisi siya ng mapang-asar.


"Ahemmm! Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa may nakabulagta dito,"Ani ni Kaye na pabalik-balik ang tingin samin ni Unggoy sino pa edi si dakilang Dark tsk. Umiwas naman ako ng tingin at seryusong tumingin kena kuya.


"So magsimula na tayo?"Tanong ko na kinaseryuso nila at tumango isa isa. Bumuntong hininga naman si Dark bago nagsalita.


"Airah Madrigal o mas kilalang Airah Hashinta Heminis,"Panimula ni Dark. Nagulat naman kaming tatlo sa nalaman isang Madrigal ang gagang yon?


"Teka- diba ang mga Madrigal ang top3 na pinakamayaman sa mundo?"Saad ko na kinatangon ni Dark.


"At alam niyo ba kong bakit sila naging ganyan kayaman?"Tanong ni Dark na kinailing namin.


"Madrigal Clan naging ganyan sila kayaman dahil sa mga negosyo ni Mr. Madrigal ama ni Airah nagbebenta siya ng mga ipinagbabawal na gamot at mga armas na mga ninakaw lang din nila. Isa din si Mr. Madrigal sa mga nangangarap sa trono ni Mr. Carion. Gusto din nila maging top1 na pinakamayaman kaya niya pinadala si Airah at Farah para mapalapit sa mga Carion at Rostic,"Mahabang saad ni Dark.


"Teka- bakit pati kami? At ano ang koneksiyon ni Farah sa kanila?"Kunot noong tanong ni Kuya.


"Remember gusto nila maging top1 tingin mo magiging top1 ba sila kong di niya kayo isasali at mukhang nagtagumpay na silang makuha ang ama mo sa pamamagitan ni Farah at syempre gamit ang katawan niya. At ang koneksiyon ni Farah kena Airah? Ay dahil magstep sister silang dalawa anak si Farah ng pangalawang asawa ni Mr. Madrigal na pinatay daw ni Mr. Carion pero ang totoo siya ang pumatay sa sarili niyang asawa dahil sa pagtangka nitong tumakas sa puder niya kasama si Farah."


"Pano mo pala nasabi na nakuha na nila si Dad?"Tanong ulit ni kuya. Napangisi naman si Dark bago seryusong tiningnan si Kuya.


"Hindi mo ba napansin? Hinayaan ka niyang lumayas sa inyo hindi ba dapat gagawa siya ng paraan para mapapayag ka kong gusto niya talaga na magpakasal ka kay Farah? Ang ginawa niya lang naman ay sinabihan na papatayin si Kaye pero wala hanggang sabi lang siya,"Ani ni Dark na kinatigil ni kuya.


"Sabi sakin ni Airah ang usapan nila ni Farah kailangan ka nilang mapaalis para masolo ni Farah si Mr. Rostic kapalit ng katawan ni Farah nakipagsanib pwersa si Mr. Rostic sa kanila para mapabagsak si Mr Carion at dahil din sinabi nila na si Mr. Carion ang pumatay sa ina mo Hideo na isang malaking kasinungalingan."


"Kailangan kong balaan si Dad!"Biglang sambit ni Kaye at tatayo na sana ng pigilan siya ni Kuya.


"Hindi ka nila paniniwalaan Kaye. Nakalimutan mo na ba? Galit sila sayo,"Ani ni Dark na kinatigil ni Kaye at bahagyang inikuyom ang kamao. 


"Btw unggoy mapagkakatiwalaan ka ba talaga namin,"Asik ko na kinangiwi niya.


"Excuse lang ms BALIW may pangalan ako,"Sagot niya na kinausok ng ilong ko. Nagpapalitan kaming dalawa ng masasamang tingin.


"Tama na yan! Dark ano bang reason mo bat ka makikipagtulungan samin?"Pag-aawat ni Kuya samin. Ang kaninang masamang mukha ni Dark napalitan ng malamig at makikita mo sa mata niya ang galit,lungkot at pangungulila pero sa anong dahilan?


"Pinatay ni Mr. Madrigal ang parents ko. Kinuha niya ako at pinalaki dahil wala siyang anak na lalaki 5months old pa lang ata ako nun. Tinuruan niya ako kong pano lumaban ng mag5yrs old ako. Sinabi niya din sakin na si Mr. Carion ang pumatay sa parents ko kaya naniwala ako at tinulungan siyang sabutahin si Mr. Carion na palagi namang nasusulusyonan ni Mr. Carion. Di nagtagal nalaman ko na ang kinikilala ko pa lang ama ang pumatay sa parents ko. Hinanap ko siya nun kaya pumunta ako sa office niya pero wala siya at sa kalikutan ng kamay ko pinagbubuksan ko lahat ng drawer hanggang sa nakita ko ang video kong paano niya tadtadin ng bala ang ama ko at kong paano niya ginahasa si Ate at si ina naman ginahasa din ng mga tauhan niya. Kitang kita ko pa kong pano nila pagpasa-pasahan sina ate at ina,"Madilim na anyong sambit ni Dark habang nakakuyom ang kamao. I fell pity for him. Mas malala pala ang nangyari sa pamilya niya samin nakakasama pa pero siya di niya man lang nakita ang pamilya niya.


"Kaya ngayon gagawin ko ang lahat para mapabagsak siya at sisiguraduhin kong magbabayad siya sa pagpatay sa magulang ko,"Malamig na sambit ni Dark.


"Magplano na tayo,"Malamig na saad ni Kaye. Gezzzz di pa din talaga ako sanay pag ganyang siya.


Nagsimula na kaming magplano at ang masasabi ko lang ang galing niyang magplano. At magtitraining pala muna kami uunahin namin tirahin ang GW. Napasmirk nalang ako dahil malapit ko ng magantihan ang gagang Angela na yon.


Btw kung nagtataka kayo kung sino si Angela isa lang naman siya sa kagang nila Farah at oo may gang din sila rank4 apat sila si Sweeney,Airah,Angela at leader nila si Farah the bitch at ang name ng gang nila at 𝑺𝑳𝑼𝑻𝒀 𝑮𝑨𝑵𝑮 bagay na bagay sa kanila diba parehong slut at parehong wasak ayy bad self.


"San pala tayo magtitraining?"Tanong ko.


"May undergroud dun sa bahay ko at ako lang ang nakakaalam nun don't worry ako lang mag-isa don kaya duon nalang tayo magtraining para safe,"Sambit ni Dark na kinatango namin.


"Nga pala kailangan ko ng umuwi di ko napansin ang oras 10pm na pala,"Ani ni Dark habang nakatingin sa relo niya.


"Dito kana matulog,"Sabi naman ni Kuya na kinakunot ng noo ko sa pagkakaalam ko kasi wala ng kwarto dito na pwedeng tulugan ni Dark di naman pwede kay inay kasi pang isahan lang yong bukod sa kwarto ko pangdalawahang tao ang kama ko.


"Kuya wala na siyang matutu-"


"Sa kwarto mo siya matutulog."



Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon