Chapter 18
Hideo Rostic's POV
Nandito kami ngayon sa tabing dagat nakaupo sa buhangin Sabi niya kasi gusto niya Makita ang sunset bago ko siya ihatid sa kanila kaya pumayag ako syempre baby ko nagrequest eh."Babe may tanong pala ako," Ani niya habang nakayakap sa akin. Sinilip ko naman siya.
"What is it babe?"Ani ko habang hinahaplos ang buhok niya.
"Bakit galit kayo kay Liah?" Napatigil naman ako sa tinanong niya. Tumingin siya sakin.
"I mean ano naiintindihan ko na galit ka kasi anak siya sa labas ng papa mo, pero bat pati sina kuya galit din sa kanya?" Ani niya habang matamang nakatingin sakin. Pinisil ko naman ang ilong niya.
"Sila nalang tanungin mo nan babe Wala ako sa position para sabihin yan," Saad ko sa kanya. Inosente niya naman akong tiningnan.
"Edi ilalagay Kita sa position hihihi,"Wika niya na kinapokerface ko.
"Ah ganun ha lika nga dito," Ani ko bago hinawakan ang magkabilang pisngi niya at paulit ulit na hinalikan sa labi niya. Tinigil ko na ito kasi manonood na kami ng sunset.
"Pero seryuso babe, bat Kaya galit sina kuya," Saad niya habang nakatingin sa papalubog na araw. Hinaplos ko naman ang buhok niya.
"Wag mo na ngang isipin yan andito Kaya tayo para magdate hindi pag usapan ang mga ganyang bagay,"Nakasimangot na Ani ko. Bigla naman siyang natawa ng makita niya na nakasimangot ako. Bad talaga ng babe ko.
"Tara na nga uwi na tayo haha wag ka ng sumimangot diyan ang panget mo eh,"Ani niya bago tumayo at tumakbo.
"Ah ganun ha! halika dito ng mabigyan kita ng parusa mo sa pag aasar sakin!" Ani ko at tumayo bago tumakbo para habulin siya.
-
"Bye babe," Ani niya bago ako kinis sa pisngi. Lalabas na sana siya ng sasakyan pero agad kong hinawakan kamay niya. Napalingon naman siya sakin. Ngumiti ako bago ituro ang labi ko. Natawa naman siya ng mahina bago ako hinalikan sa labi.Kakalas na sana siya ng bigla kong hawakan ang batok niya at mas pinalalim pa ang halikan namin. Bigla naman kaming napalayo sa isa't isa ng may humampas sa kotse ko.
"Grabi bro! Dito pa talaga kayo nagtukaan?"Nakangising saad ni Vleen. Bigla namang lumabas si Kaye at dali daling tumakbo papasok sa mansyon nila.
Sinamaan ko naman ng tingin si Vleen na kinataas ng kamay niya habang natatawa. Panira talaga tong gago na toh. Sabay na kaming pumasok sa mansyon nila ni kaye.
Nakita naman namin sina king sa sala na may pagtataka sa mukha. Nang makalapit kami agad naman nila akong tinanong.
"Hideo nag away ba kayo ni princess? Bakit nagmamadaling pumasok sa bahay yon at wala pang lingon lingon samin?" Malamig na tanong ni Hellion. Gezzzz kailan ba ako masasanay sa cold na pananalita niya.
"Di kami nag away king-"
"Kasi king ganito yon naki-" Agad kong tinakpan ang bibig ni Vleen bwesit na gunggong toh.
"Ano yon Vleen?" Tanong ni Hellion. Pilit naman kinukuha ni Vleen ang kamay ko sa bibig niya. Nabigla ako ng tinulungan ni Aiser si Vleen na kunin ang kamay ko kaya nagtagumpay sila.
"Gago! Di na makahinga yong tao," Ani ni Aiser. Napatingin naman ako kay Vleen na naghahabol ng hininga habang nakahawak sa dibdib niya.
"Guys meron pala akong bad news na nakalap," Bigla naman kaming Napatingin kay Kaizer ng magsalita ito.
"Ano naman yon?" Tanong ni Vieen. Tumingin naman sakin si Kaizer.
"Babalik na si Farah dito," Seryusong wika niya. Bigla naman akong napatigil shit bat pa siya babalik dito masaya na ako nakamove on na ako napayuko naman ako. Nakamove on na nga ba talaga ako? Tiningnan naman nila akong lahat.
"Ano Hideo wag mo sabihing di ka pa nakamove on,"Malamig na wika ni Hellion. Agad naman akong umiling iling.
"Nakamove on na ako noh. Inisip ko lang baka guluhin niya kami ni Kaye," Umiling iling naman sila.
"Mabait naman si Farah diba siguradong maiintindihan niya yon," Ani naman ni Herron. Nagkibit balikat lang ang iba.
"Ah guys uwi na pala ako gusto ko ng magpahinga," Ani ko sa kanila. Agd naman silang tumango kaya naglakad na ako palabas at pumunta sa kotse ko bago nagdrive pauwi.
Di pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Kaizer babalik talaga siya ang first love ko oo aaminin ko mahal ko pa siya pero NOON na yon. Si Kaye na ang mahal ko ngayon.
Pinilit lang naman si Farah ng daddy niya na dun mag aral sa states para din daw may kasama ang lolo at Lola niya. Nangako siya sakin na babalik siya pero- noong nag uusap kami sa telepono may tumawag sa kanya nagpaalam siya sakin.
Nakalimutan niya atang patayin kaya narinig ko ang mga kababuyan nila na nagpaguho sa mundo ko kaya simula nun nakipaghiwalay ako sa kanya at pinutol lahat ng koneksiyon namin sa isa't isa.
Pero tangna bat pa siya babalik Kung kailan masaya na ako sa iba, kung kailan nakamove on na ako. Pero di ko hahayaang masira niya kami mahal na mahal ko si Kaye at walang pwedeng makapagpahiwalay samin.
Mas pinaharurot ko pa ang kotse ko hanggang sa makarating ako sa bahay na ako at ang mga maid tyaka bodyguard lang naman ang nakatira tsk puro business naman ang inaatupag ni dad at nasa Korea siya minamanage ang kompanya namin dun.
Pagkaparking ko sa kotse ko agad akong lumabas at pumasok na sa bahay agad akong dumiretso sa taas papunta sa kwarto ko para makapagpahinga na.
May klase pa pala bukas. Naglinis na ako ng katawan bago humiga sa kama ng nakaboxer lang sanay na akong ganito matulog eh bakit ba. Pero kong makasama ko man si Kaye sa iisang kwarto syempre magdadamit ako ayokong mailang siya.
Napangiti nalang ako ng maalala ko ang kissing scene namin sa kwarto niya noon yong nahuli kami nina king. Ang sarap ng labi niya. Para naman akong Tanga na nakahawak sa labi ko habang nakangiti.
Hinding hindi ko talaga siya papakawalan akin lang siya noh haha. Diko namalayang sa kakaisip ko pala nakatulog na ako.

BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romance-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...