Chapter 22

23 2 0
                                    

Chapter 22
3rd Person's POV
Pagpasok nina Kaye sa dinning sya ding pagtahimik ng pamilya niya ang kaninang masayang nagtatawanan ngayon malalamig na ang presensya.

"Nawalan na ako ng gana."

"Ayoko ng kumain may basura kasing dumating."

"Bitch."

"Slut."

"Loser."

"Useless daughter."

Mga komento ng pamilya niya bago nagsitayuan at lumabas ng dinning. Sumunod naman si Airah at Farah na nakangising nakatingin sa kanya.

" Hahaha umaayon lahat sa plano konti nalang mapapasaakin na ang kayamanan nila," Ani ni Farah sa isip niya at tuluyan ng lumabas.

Napayuko naman si Kaye dahil sa alam niyang siya ang dahilan kong bat nagsialisan ang pamilya niya. Nakita naman ito ni Mae.

"Halika na bunso yaan mo na sila di ka mabubusog kung iisipin mo lang sila,"Natatawang saad ni Mae. Ayaw niyang maging malungkot dahil alam niyang kailangan siya ng bunsong kapatid niya.

"Oo nga Kaye wag ka masyadong magpastress sa kanila sige ka ikaw din, papangit ka niyan,"Natatawang Ani ni Vieen. Napangiti naman si Kaye dahil alam niyang pinapasaya lang siya ng dalawa.

Nagsimula na silang kumain. Unang natapos sina Mae may pupuntahan pa kasi sila kaya minadali nila ang pagkain.

"Bunso una na kami ah may pupuntahan pa kasi kami ni Vieen,"Ani ng ate niya bago siya hinalikan sa noo.

"Sige ate mag iingat kayo ah," Nakangiting saad niya. Tumango lang ang ate niya at umalis na.Pagkaalis ng ate niya sya ding pagpasok ni Farah na nakangisi.

"Well, well, well hi bitch, kamusta ang pakiramdam na galit sayo ang pamilya mo?" Nakangising ani nito. Di naman siya pinansin ni Kaye at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Nainis naman si Farah dahil sa di pagpansin sa kanya ni Kaye. Hinablot niya ang buhok ni Kaye bago pinaharap sa kanya.

"Kinakausap kita bitch! Ang ayoko sa lahat binabalewala ako,"May diing wika ni Farah. Nagpupumiglas naman si Kaye.

"Aray Farah bitawan mo ko," Naiiyak na ani niya. Feeling niya anytime matatanggal na ang anit niya dahil sa pagsabunot ni Farah sa kanya.

Dahil sa pagpupumiglas ni Kaye natabig niya ang baso na siyang dahilan ng malakas na ingay. Nakarinig sila ng mga yabag agad na binitiwan ni Farah ang buhok ni Kaye at kinuha niya ang isa pang baso na may tubig bago binuhos sa katawan niya.

Ginulo gulo niya din ang buhok niya at pumulot ng isang bubog bago sinugatan ang kamay niya. At parang Bata na nakaupo sa sahig kaharap ni Kaye. Di naman makagalaw si Kaye dahil sa ginawa ni Farah.

"What's going on here?" Malamig na tinig ang galing sa pinto ng dinning. Nilingon ito ni Kaye at ang pamilya niya ito kasama ang barkada ng kuya niya except kay Vieen at Hideo na Wala. Nang makita nila si Farah sa sahig agad itong dinaluhan ng mga kuya niya kasama ang parents niya.

"Farah anong nangyari sayo?" Ani ni Hellion na nag aalalang nakatingin kay Farah.

"I wish ganyan din sila sakin," sambit ni Kaye sa isip niya.

Hellishly Kaye Carion's POV
"Kuya Hellion si Kaye kasi sinabunutan nalang ako bigla iinom sana ako ng tubig pero bigla niya akong sinugod ako daw ang dahilan kong bat ayaw niyo na sa kanya," Umiiyak na sumbong ni Farah. Ang galing niyang umarte.

"Heirron ilabas mo muna si Farah dito pakilinis na din ng sugat niya," Malamig na saad ni Kuya Hellion habang matalim na nakatitig sakin.

Tumango naman si Kuya Heirron at inakay na si Farah palabas. Nabigla naman ako ng may sumampal sakin. Si m-mom p-pala.

"Wala kang karapatang saktan si Farah! At wag mo siyang sisihin kong bat kami galit sayo dahil nagpapakatotoo lamang siya samin eh ikaw? May bf na tas maglalandi pa sa iba! Sana di nalang kita kinuha kay ate!" Pasigaw na ani ni mom bago lumabas kasunod si Dad na Malamig na tingin ang ipinukol sakin.

"Sa una ka lang pala nagbabait baitan kong alam ko lang na ganito ka pala sana sinabihan nalang namin si mom na ipalaglag ka," Para namang tumigil ang Mundo ko sa sinabi ni Kuya Herron. Bakit ganyan sila ang bilis lang nila maniwala sa iba samantalang sakin haha ang saya lang.

"Bakit ba ang bilis niyong maniwala sa iba samantalang sakin- kailangan ko pang magmakaawa ng paulit ulit para maniwalaan niyo! Ako Ang kapatid niyo tapos sa iba kayo naniniwala!" Pasigaw na ani ko habang umiiyak bago tumakbo palabas.

Nakita ko pa sa sala sina mom kayakap si Farah kaya mas lalo akong napaiyak. Tumakbo nalang ako sa taas papuntang kwarto ko at nilock ang pinto. Napaupo nalang ako sa gilid ng kama habang yakap yakap ang mga tuhod.

"Ang sakit sobra ito na ba? Ito na ba ang kapalit sa mga masasayang nangyari noon pero bat ang pamilya ko pa huhuhu pwede namang iba ah bat sila pa," Mahinang bulong ko habang umiiyak pa din.

Nakaramdam ako ng antok kaya humiga nalang ako sa kama at natulog ng may luha sa mga mata.

"Tok!" "Tok!" "Tok!"

Nagising ako dahil sa katok na parang anytime masisira na ang pinto ng kwarto ko. Dali dali akong bumaba sa kama at pinagbuksan ang kumakatok. Pero-

"Pak!" Isang nakakabinging sampal ang sumalubong sakin. Tiningnan ko naman kong Sino ang may gawa nito. Si Kuya Herron kasama si Airah na madaming pasa.

"How dare you bitch para gawin toh sa gf ko!"Madiing sabi ni Kuya Herron na kinatakha ko.

"K-kuya a-anong g-gawin ang sinasabi mo?" Nagtatakhang Ani ko.

"Nagmamaang maangan ka pa bitch! Hindi ba nagbayad ka ng limang lalaki para iparape ako!" Pasigaw na saad ni Airah. Teka ano daw?

"Wala akong ginawa! Tyaka ano naman ang ipambabayad ko diba nga kuya kinuha niyo na lahat ng credit card ko," Naguguluhang Saad ko.

"Baka sarili mo ang binayad mo makati k-

"Pak!"Di ko na napigilang sampalin si Kuya.

"Ganyan na ba kababa ang tingin niyo sakin ha! Kuya! Kapatid niyo ko bakit niyo ko ginaganito ni isa sa mga binibintang niyo wala akong alam kasi di ko naman ginawa yon! Kayo dapat ang mas nakakakilala sakin eh kasi kayo ang pamilya ko pero ano simula ng dumating yang si Farah nakalimutan niyo na ako," Umiiyak na ani ko bago malakas na sinarado ang pinto. Hanggang kailan ba sila magbubulagbulagan.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon