Chapter 41

39 2 0
                                        


Chapter 41

Hellion Shin Carion's POV
"20 billion para sa kanilang apat," sigaw ng isang bakla na sobrang laki ng katawan. Parang yong katawan namin kalahati lang sa katawan niya. 

Andito kami ngayon sa stage napapalibutan ng mga baklang negosyante, dati yong mga bakla lang pinapunta nila pero ngayon ibebenta na talaga nila kami. Pagnabili kami ng isa sa mga bakla na nandito wala na kaming kawala panghabang buhay na yon. Sukang suka na ako sa sarili ko. 

"Sold!" sigaw ni Mr. Takashi na kinalunok namin. May mga men in black ang kumuha samin at pinasok sa van. Hindi na kami pumalag kasi halata namang wala kaming laban. 

"Nang makapasok kami may nakita kaming limang bakla at isa don ang bumili sa amin kanina. 

"Kung may gusto kayong gawin samin gawin niyo na, then patayin niyo nalang kami para matapos na tong paghihirap namin," lakas loob na sabi ko sa kanila na kinatigil nila. Nagkatinginan silang lima at sabay na tumawa as in humagalpak talaga ng tawa na kinakunot ng noo namin. 

"Sino may sabi sa inyo na may gagawin kami sa inyo?" natatawang tanong ng isa na may kulay pula ang buhok. 

"Oo duhhhh ayoko pa mashugi no," maarteng sabi ng isa na kulay pink ang buhok. 

"Eh bakit niyo kami binili?" tanong ni Vieen. 

"Utos ng magandang Queen namin tyaka matagal niya na kayong hinahanap," mahinahong sabi ng bumili sa amin kanina. Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang sinabi niya na Queen. 

"Anong pangalan ng Queen niyo?" tanong ni Herron. 

"Secret, malalaman niyo din yan kasi doon tayo pupunta sa kaniya."

Nagkatinginan kaming apat. Sinong queen kaya hinahanap nila at bakit matagal niya na kaming hinahanap, kapamilya ba namin siya o ano. Napatigil ako ng biglang pumasok sa isip ko si princess, kung si Kaye nga yon mapapatawad niya ba kami. 

Ilang oras na byahe at maya maya pa huminto na ang van. Nauna silang lumabas sa amin at maya maya pa pinagbuksan na kami ng mga tauhan na kasama nila. 

"Pasok na kayo nag aantay na sila sa inyo," ani ng isang bakla at naunang pumasok sila kaya sumunod kami. 

"Tangna mo Vleen akin na yan!" 

Sigaw ni Kaye ang bumungad sa amin. Nakita naming naghahabulan sila ni Vleen habang si Hideo at Aiser tumatawang nakatingin sa kanila. Napatulo na naman ang luha ko ng makita si Kaye. Tatalikod na sana kami ng humarang ang limang bakla na kasama namin. 

"Queen andito na kami!" sigaw ng isang bakla na kasama namin na kinatigil nila ni Kaye at napatingin sa amin. Nabitawan ni Vleen ang hawak na stuff toy at napatigil naman kakatakbo si Kaye. Habang sina Hideo naman agad na napatayo matapos kami makita. 

"K-kuya/K-kambal," sabay na sabi ni Vleen at Kaye. 

"P-princess patawarin-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at umiyak. 

"Kuya ko huhu alam mo bang matagal ko na kayong hinahanap," umiiyak na sabi niya. Napatingin naman ako kena Herron na agad lumapit at nakiyakap din. 

"Kaye patawarin mo kami sa mga kasalanan namin-"

"Kuya matagal ko na kayong napatawad, hindi din naman ako nagalit sa inyo kasi alam kong nauto lang kayo nina Farah," mahinang sabi niya na kinangiti namin. Sobrang bait talaga ng bunso namin. 


Hellishly Kaye Carion's POV
Pagkatapos ng dramahan namin kanina andito na kami sa sala lahat. Except lang kena Mario na umalis na. Kanina pa din sina Kuya sorry ng sorry. 

"Kuya sinabi ko na sa inyo hindi kailanman ako nagalit sa inyo," sapo sa noong sabi ko. Tiningnan ko sila ng mabuti sobrang payat nila. 

"Bal ano bang sinasabi mo!" sigaw ni Vleen na kinatingin namin sa kanilang dalawa. Galing sila sa kusina at ngayon papunta na dito. 

"Anong nangyayari?" tanong ko na kinatingin nila sa akin. 

"Gusto niya na daw mamatay wala na daw siyang ganang mabuhay dahil patay na si Mae," malamig na sabi ni Vleen bago umupo sa tabi ni Aiser at yumakap dito. 

"Vieen mag usap nga tayo," seryosong sabi ko bago tumayo at naglakad papuntang garden. Sumunod din naman siya. Nang nasa garden na kami huminto ako at hinarap siya. 

"Vieen bakit gusto mong mamatay? dahil ba kay Ate?" tanong ko. Yumuko naman siya. 

"Wala na si Mae at wala na din akong mga magulang, pagnawala ako hindi ko na iisipin si Vleen kasi andiyan naman si Aiser-"

"Yon lang ba? hindi mo ba naisip ang mga anak mo?" tanong ko na kinatigil niya at napatingin sa akin. 

"Anong mga anak ba ang tinutukoy mo, sabi nina Farah pinatay din nila ang kambal-"

"Buhay sila Vieen, nasa pangangalaga sila nina dad," putol ko sa sasabihin ko na kinalaki ng mata niya. 

"Ngayon alam mo na na buhay ang mga anak mo," lumapit ako sa kaniya at pinat ang balikat niya. 

"May reason kana para mabuhay, nawala man si Ate sayo, sa atin may iniwan nan siyang dalawang anghel— huwag mo ng hahayaan na mapahamak ka Vieen matagal ka ng inaantay ng mga anak mo," ani ko bago naglakad palayo at iniwan siyang nakatulala. Pagdating ko sa sala nakita ko doon si Liah at Drake. 

"Oh nakauwi na pala kayo," sabi ko na kinatingin nila sa akin. Nakita ko namang napasimangot si Liah. 

"Ewan ko sayo, sinabihan kita kahapon na sunduin mo kami pero hindi mo ginawa tsk," ani niya bago ako irapan. Tumawa naman ako bago umupo sa tabi ni hubby. 

"Busy ako eh, tyaka hindi na kayo mga bata no," nakangising sabi ko na mas kinagusot ng mukha ni Liah. 

"Boyfriend mo?" tanong ni kuya Hellion kay Liah na kinatingin namin. 

"No, husband ko siya," nakangiting sabi ni Liah. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni kuya pero agad yon nawala. 

"Congrats," nakangiting sabi ni kuya Hellion na agad namang nagpasalamat sina Liah. 

"Anyway princess pwede na ba kami magpahinga?" tanong nina kuya na kinatango ko. 

"Yaya pakituro naman sa kanila ang magiging kwarto nila salamat," utos ko kay yaya na agad niya namang sinunod. 

"Kailan mo sila nakita Kaye?" tanong ni Liah. 

"Kanina lang," ikling sabi ko habang nakatingin sa papalayong bulto nina kuya. Halata mo talaga ang paghihirap nila dahil sa sobrang payat nila at madaming pasa pa.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon