EpilogueHellishly Kaye Carion's POV
Tumayo ako at sinipa din siya na kinaantras niya. Nang makabawi siya sumugod ulit siya sa akin. Masasabi kong magaling siya pero wala pa din siya sa kalingkingan ko.Nang mapatumba ko siya agad kong tiningnan ang paligid at nakahandusay na lahat except sa mga kasama ko. Pero ang iba naming tauhan nakahandusay na din at wala ng buhay. Napatingin ako kay Airah na nakaupo sa gilid habang nakatulalang nakatingin kena kuya.
Kinalagan namin sina kuya at halos hindi na sila makatayo dahil sa panghihina. Pinagtulungan ng mga tauhan ko na buhatin sina kuya. Inalalayan ko naman si Hideo na may daplis pala sa tiyan. Lumingon ako kay Farah at magsasalita na sana ng-
"Tabi!" sigaw niya at tinulak kami kaya napatumba kami ni Hideo. Kasabay non ang isang putok na kinatumba ni Airah.
"Airah!" sigaw ko. Narinig ko naman ang sunod sunod na putok ng baril. Si Farah pala ang bumaril at si Hideo naman ang paulit ulit na bumaril kay Farah. Nilapitan ko si Airah na naghahabol ng hininga.
"Airah lumaban ka! inaantay ka pa nina kuya," sigaw ko at pilit na tinatakpan ang tama ng baril niya sa dibdib.
"H-hindi ko na k-kaya pakisabi n-nalang sa k-kanilang lahat na s-sorry ah d-dahil sa mga g-ginawa ko n-naghirap ang t-totoong p-pamilya ko," nauutal na sabi niya. Nataranta ako ng bigla siyang Pumikit.
"Hoy Airah!" sigaw ko hinawakan ko ang pulso niya at napatigil ako ng wala akong maramdaman na pintig. Agad kong niyugyog ang balikat niya at paulit ulit na tinawag pero wala na talaga.
"Wife hayaan mo na siya," mahinang sabi sakin ni Hideo.
"A-airah," utal na sabi ni kuya Hellion at dahan dahan nilapitan si Airah. Halatang nanghihina siya pero pinilit niya pa ding makalapit kay Airah.
"I'm sorry Airah hindi namin nalaman agad, hindi ka namin na protektahan i'm sorry i'm sorry," umiiyak na sabi ni kuya. Napapikit nalang ako habang nakayakap kay Hideo. Hindi ko kayang makita na umiiyak si kuya.
"Drake!!!!!!" rinig naming sigaw ni Liah kaya napatingin kami sa kanila. Nasaksak ni Mr. Takashi si Drake na dapat si Liah. Nang makita ni Mr Takashi na si Drake nasaksak niya agad niyang binitiwan ang kutsilyo at kinuha ang baril bago pinutok sa ulo niya.
—
Ilang taon na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng yon, lahat kami nagdusa sa pagkamatay ng mga mahal namin sa buhay pero unti unti naman kaming nakamove on. Except lang kay Liah na mas piniling bumalik sa canada matapos mamatay ni Drake. Hindi ko alam pero nang umalis si Liah umalis din si kuya Hellion yon ang sabi sakin nina kuya Herron.Si Vleen umalis din sila at doon na nanirahan sa America. Si Vieen naman dito lang— masaya na siya na kasama ang mga anak niya. Sinabihan nga siya ng mga anak niya na pwede naman siya mag-asawa ulit pero ayaw niya. Magfofocus nalang daw siya sa mga anak niya.
Sina kuya Merco naman may mga kaniya kaniya na din silang pamilya dito lang din sila nakatira magkakapitbahay lang kaming lahat. Kami naman ni Hideo ayos naman buhay namin nakilala ko na din ang totoong mga magulang ko. Tatlo lang pala kaming anak nila.
"Mommy! Aidan kiss me!!!" sigaw ng anak kong babae na kinasapo ko sa noo. Btw kambal sila guys isang babae at isang lalaki 10 years old na sila. Yong sinasabi niya na si Aidan anak yon ni Kuya Persian.
"Ate Halliyah yong anak mo!" bored na tawag ko. Lumabas naman sa bahay niya si ate Halliyah at basta nalang hinila ang tenga ng anak niya na lalaki na nagawa pang kindatan si Khaira.
"Tsk nagsusumbong ka pa gusto mo din naman," malamig na sabi ni Khairo sa kakambal niya.
"Mom oh si kuya!" sumbong ni Khaira na kinasapo ko sa noo.
"I'm home!" sigaw ni Hideo na kakapasok lang.
"Daddy!" sigaw ni Khaira at tumakbo papunta sa ama niya. Ayan na magsusumbong na naman yan haist naku naman.
"Daddy alam mo ba kinis ulit ako ni Aidan," nakasimangot na sumbong niya kay Hideo. Lumapit si Hideo sa akin bago ako hinalikan sa noo.
"Huwag kang mag alala okay? lagot sakin yang si Aidan," ani ni Hideo na kinairap ko.
"Nga pala wife pupunta silang lahat dito-"
"Hindi pa nga natapos ni Hideo ang sasabihin ng tuloy tuloy na pumasok sina mom, sina Aiser na hindi ko alam nakauwi na pala except lang kay Liah at kuya Hellion na wala.
"Makikikain kami!" sigaw nilang lahat na kinasapo ko sa noo.
"Magsiuwi kayo wala kaming pagkain dito!" irap na sigaw ko na kinasimangot nila.
"Huwag madamot Kaye," tumatawang sabi nila.
Dahil nga sa biglaang pagdating nilang lahat nagkaroon ng konting celebration. Tinulungan naman nila akong magluto habang sina Hideo nasa pool nag inuman.
Ang mga bata naman ayon naliligo sa pool. Nang matapos kaming magluto dinala na namin ito sa pool at nilagay sa mesa.
"Kain na kayo!" sigaw namin kaya isa isa silang nagsilapitan dito. Pagkatapos kumain bumalik na sila sa kaniya kaniyang ginagawa.
"You brat layuan mo nga ako!" sigaw ng anak ko na lalaki ng pilit siyang nilalapitan ni Camille anak nila ni Ate Hime.
"Mommy! si Aidan oh!" rinig ko namang sigaw ng anak kong babae kaya napatingin ako dito at napasapo nalang sa noo.
"Ang ganda at gwapo kasi ng mga anak mo Kaye," natatawang sabi ni ate Marielle asawa ni kuya Merco.
"Wow ha! nahiya naman ako sa anak mo," pokerface na sabi ko bago tinuro ang anak niyang lalaki na si Calix napapalibutan ng mga anak nilang babae. Kasama na doon ang anak kong babae. Except lang kay Camille na sa anak ko talaga lagi nakabuntot. Kaya ayaw din ng anak ko kay Aidan kasi mas gusto niya sa anak nina kuya Merco. Mga anak naman ni ate at Vieen ayon nasa gilid lang nakatingin sa mga bata.
"Gulo yan besh paglumaki sila," iiling iling na sabi ni ate Halliyah.
"Hindi yan gulo trust me," nakangising sabi ni ate Marielle.
"Paano mo nasabi?" tanong ko na kinatawan niya bago tinuro ang mga bata. Nagkakagulo sila kasi umalis si Calix at tumungo sa pwesto ni Khairo. Basta nalang nitong tinulak si Camille na nakapulupot sa braso ni Khairo bago umupo sa tabi ni Khairo at yumakap.
"A-ate-"
"Haha Kaye si Khairo gusto ni Calix nalaman ko yon noong may mga nakita akong picture nina Khairo sa kwarto ni Calix at sinabi yon ni Calix sakin," natatawang sabi ni ate Marielle na kinatanga namin.
Nakatingin lang kami sa mga bata na nagkakagulo dahil sa hindi nila matanggap na si Khairo ang gusto ni Calix. Alam ko in future magkakagulo sila pero makikita pa din naman ang pagmamahal nila sa bawat isa kahit ganoon. Masasabi kong ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
-THE END-
BINABASA MO ANG
Gangster's Love
Romansa-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kak...